
Mayroong paraan upang makaiwas sa stress na dulot ng pera:
Ang 7 Baby Steps ni Dave Ramsey ay dinisenyo na sundin sa tamang pagkakasunud sunod upang gabayan kang makaalis sa utang at stress, at akayin ka patungo sa buhay ng pag-iipon at pagbibigay. Napakarami nang gumawa ng planong ito at gaya namin, Kaya mo rin!
Sundin ang 7 Baby Steps ni Dave Ramsey patungo sa Financial Peace
Baby Step 1: ₱ 50,000 cash bilang paunang emergency fund
Baby Step 2: Gamitin ang debt snowball upang bayaran ang lahat ng utang mo maliban sa bahay
Baby Step 3: Buuin ang kumpletong pondo/ipon na 3 hanggang 6 na buwang gastos para sa emergency fund
Baby Step 4: Mamuhunan (invest) ng 15% ng iyong kabuuang sahod sa pagreretiro (retirement)
Baby Step 5: Magsimulang mag ipon para sa kolehiyo (college)
Baby Step 6: Bayaran ang bahay ng mas maaga
Baby Step 7: Magpayaman at magbigay sa mga nangangailangan
Baby step 1: Mag ipon ng ₱ 50,000
Ang unang hakbang na inirerekomenda ni Dave Ramsey ay mag simula ng emergency fund para sa mga hindi inaasahang pangyayari sa iyong buhay na hindi mo napagplanuhan.
Baby step 2: Bayaran ang mga Utang
Oras na para makalaya sa pagkaka utang! Ilista ang lahat ng utang maliban sa bahay mula maliit na balanse hanggang sa pinakamalaki. Ang may pinaka maliit na balanse ang dapat na maging priyoridad.
Baby step 3: Emergency Fund "Pondo para sa Emergency"
Ang hakbang na ito ay tungkol sa pagbuo ng kumpletong pondo (fund) para lamang mga di inaasahang pangyayari (emergency). Inirerekomenda ni Dave na magkaroon ng 3-6 na buwang savings para sa emergency.
Baby step 4: Mamuhunan ng 15%
Panahon na para maging seryoso sa pagreretiro. Kapag wala ng bayaring utang at kumpleto na ang pondong pang emergency, maglagay ng 15% ng iyong sweldo sa pinapangarap na buhay pagreretiro.

Baby step 5: Mag ipon para sa kolehiyo
Ang tuition sa kolehiyo at bayarin sa bahay ay patuloy ang tumataas kada taon. Huwag nang maghintay, mag ipon hanggat maaga habang hindi pa nakakatapos sa high school ang iyong mga anak.

Baby step 6: Bayaran ang iyong Bahay
Marahil ang pinaka kapana-panabik na mga hakbang sa Baby Steps ni Dave Ramsey, ang number six na tungkol sa pagbabayad ng iyong bahay.

Baby step 7: Bumuo ng yaman at magbigay
Ito ang huling hakbang at ang pinakamasaya. Panahon na upang mabuhay at magbigay ng walang katulad! Bumuo ng kayamanan, maging mapagbigay na walang hinahangad na kapalit, at mag-iwan ng pamana para sa mga susunod na henerasyon.
Huwag hayaang maging hadlang ang utang sa pag abot sa iyong financial goals. Ang 7 Baby Steps ni Dave Ramsey ang tutulong sa iyo upang kontrolin ang iyong finances at makapamuhay ng walang utang. Ang isang mahusay na paraan upang makapagsimula ay ang Financial Peace University, ang pinaka-popular na klase ni Dave na nakatulong sa higit sa 4.5 milyong mga tao na umalis sa pagkaka utang at iwan ang stress na dulot ng pera.