10 Reasons People Stay in Debt
Natatandaan mo pa ba ang mga sandaling nagdesisyon kang umahon sa mga utang? Nalulunod ka na ba sa mga bayarin ng nakaraang taon at pagod ka ng magbayad sa mga nakalipas na panahon sa halip na magplano para sa iyong kinabukasan? Malamang na sawang-sawa ka na sa nararamdaman mo. Marahil ay galit na galit ka na sa mga utang na mayroon ka. Sa kalaunan, ang stress sa dami ng bayarin at ang pahirap ng patong patong na utang ang magtutulak sa iyo sa breaking point. Napa-isip ka at nagpasyang, panahon na upang magsimula ng panibagong buhay.

Ngunit ano ang pumipigil sa mga taong umahon sa pagkaka-utang? Bakit gugustuhin ng isang tao na manatiling may utang sa halip na mabuhay ng malaya? Ang nakakalungkot pa dito, maraming iba’t-ibang dahilan ang mga tao para piliin ang credit card sa halip na maging debt-free. Huwag kang mahuhulog sa patibong ng mga ito!
1. They want to keep up appearances.
Ito ang kahindik-hindik na “Keeping up with the Joneses” mentality. Ngunit ang hindi mo alam ang mga Joneses ay may binabayarang BMW, underwater na mortgage, at mga loans na kasama nila sa bahay. Ang mga Joneses ang pinaka mahirap na tao sa inyong komunidad! At kung hindi ka mag-iingat, masasama ka sa kanila patungong bankruptcy kung gagayahin mo ang lifestyle nila.

2. They don’t think they make enough money.
Kadalasan, hindi ang kinikita ng isang tao ang problema, ang problema ay ang kanilang pag-uugali. Ang paggastos ng mas maraming pera kaysa sa kinikita mo ang magiging dahilan ng pananatili mo sa utang. Kaya napaka importante na magbudget ka.
Ang pag-budget ay makakatulong sa iyong makita kung saan napupunta ang pera mo kada buwan at kailan ka makakapagtipid. Ang simpleng paggawa ng budget at pagiging intensyonal sa pera mo at magbibigay sa iyo ng pakiramdam na parang nakatanggap ka ng dagdag na sahod!
Hindi nito ibig sabihing walang malaking papel ang iyong kinikita sa kung bakit ang mga tao ay nananatili sa utang. Minsan ang kinikita talaga ang isyu. Kung ito ang kaso para sa iyo, simulan ang paggawa ng paraan upang makapagdala ka ng extrang pera! Kumuha ng part-time na trabaho sa gabi o weekends at magbenta ng mga bagay na naka tambak lamang sa iyong garahe. O marahil oras na upang maglakas loob kang humingi ng dagdag na sahod sa boss mo, o magsimulang ikalat ang iyong resume at maghanap ng trabahong makapagbibigay ng mas mataas na sahod.

3. They are unwilling to sacrifice.
Paano mo matitigilan ang pagkain ng tatlong beses sa labas kada linggo? O paano ang magiging hitsura ng iyong buhay kung wala kang cable? Hindi mo ito malalaman kailanman hangga’t hindi ka handang magbigay o itigil ang isang bagay upang makapagtayo ng isang legacy para sa iyong kinabukasan. Kung ikaw ay baon sa maraming utang, may bagay sa iyong lifestyle na kailangang magbago. Ito ang isang katanungan na dapat mong itanong sa iyong sarili: Ano ang kaya kong isuko o isakripisyo pansamantala?

4. They have no hope.
Kapag nakabaon ka sa libu-libo o milyun-milyong pisong utang, madaling maramdaman na wala ka ng lalabasan. Pagkatapos mong magbayad ng minimum payment kada buwan at maliit o wala kang nakikitang pag-usad, minsan nararamdaman mong hindi mo na makikita ang liwanag sa dulo ng madilim na daan. Kung hindi mo makikita ang dahilan upang magpatuloy sa laban, sa kalaunan marahil ay susuko ka na.
Ang ibang tao ay nananatili sa pangungutang dahil masyado silang takot na gumawa ng ibang paraan. Maaaring maging komportable ang utang para sa kanila, gaya ng dahan-dahang pagluluto sa isang palayok na may kumukulong tubig. Kung palagi ka nang gumagamit ng credit card, at palagi kang mayroong car payment, minsan ay mahirap ng baguhin ito.
Kung titingnan mo, ang pagbabayad sa lahat ng gabundok na utang ay nakakatakot at napakahirap. Ngunit tandaan mo ito: Milyun-milyon na tao ang nakaraos sa pagkaka-utang at nabago ang mga buhay nila sa pagsunod sa 7 Baby Steps ni Dave. Kayang-kaya mo rin ito!

5. They’re addicted to stuff.
Sa ibang salita, naniniwala sila sa kathang-isip na “you are what you own,” at walang sapat para sa kanila. Mas marami silang hawak, mas makapangyarihan at tiwala ang kanilang nararamdaman. Ngunit ang lahat ng ito ay peke. Hindi nila kayang bayaran ang lahat ng ito at magpapabigat lamang ito sa kanila. Sa kalaunan ang kanilang addiction sa utang ay magiging sanhi ng isang financial heart attack.
Binaluktot ng ating kultura kung ano ang totoong ibig sabihin ng kakayahang magbayad sa isang bagay. Sinasabi ng lipunan, “If you can ‘afford’ the minimum payment, then go ahead and buy it!” Nakakatawa ito at siguradong tiket sa pinansiyal na kalungkutan. Sa huli, mas marami ka pang babayaran kada buwan kumpara sa buo mo itong binayaran sa umpisa! Sa halip, huwag bumili ng mga bagay na hindi mo kayang bayaran ng cash.

6. They don’t make it a priority.
Madalas nilang isipin na, sa susunod na buwan na lang ako magsisimula sa budget. Ngunit lumalagpas ang bawat buwan at wala pa ring nagagawang budget. Ang pagbabayad nang utang ay hindi magandang libangan. Kailangan nito ng maraming trabaho! Alam naming ang pagbago sa iyong lifestyle ay hindi komportable, ngunit ang magiging resulta sa huli ay 100% na sulit. Gawin mo itong prayoridad!

7. Their spouse isn’t on the same page.
Ang Pera at Relasyon ay maaaring maging nakakalitong bagay, laung-lalo na kapag ang mag-asawa ay hindi nagkakasundo.Maaaring ang isa sa inyo ay lubos na nakatuon sa pagiging debt-free at ang isa ay hindi masyadong kumbinsido na hindi masama ang manatili sa utang. Kung gusto mo talagang umahon sa utang, ikaw at ang iyong asawa ay kailangang nasa isang pahina sa mga pinapangarap ninyo sa inyong kinabukasan.
At tandaan, hindi ito pera “ko” o pera “nila” – ito ay pera “natin.” Sa sandaling nagpakasal ka, ang iyong bokabularyo ay kailangang magbago. Nasa iisang koponan kayo, at panahon na upang kumilos at magka-isa.
Ganun din sa inyong mga utang. Hindi ito utang “nya” sa credit card o “kanyang loans,” ito ay pinagsamang mga utang ninyong dalawa. At kung kung gusto ninyo itong alisin, kailangan ninyo itong harapin bilang isa.

8. They aren’t managing their money.
Ayon sa survey ng U.S. Bank, nasa 41% lamang ng mga Amerikano ang sumusunod sa kanilang budget. Hindi kataka-takang napakaraming tao ang pinaiikot lamang ang gulong sa pag ahon sa utang! Kung wala kang buwanang budget, wala ka talagang plano sa pera mo. Hindi mo sinasabi sa pera mo kung saan ito dapat pumunta, kaya’t lumalabas lamang ito sa iyong mga palad!
Ang pangangasiwa ng iyong pera ay nangangahulugang higit pa sa pagsubaybay sa iyong mga gastusin pagkatapos na maubos ito. Kailangan mong maghanda para sa hinaharap. Ang free budgeting app gaya ng EveryDollar ay ginagawang madali ang pagbuo ng isang budget. Sa wakas ay magpapa-alam ka sa hirap ng pagbibigay diin sa iyong pera sa sandaling aktwal mong kinokontrol ito.

9. They haven’t cut up their credit cards.
Nakakamangha ang pag-ahon sa utang. Ngunit kapag itinago mo ang mga credit cards na iyan para sa tag-ulan o “emergency,” malamang na mapupunta kang muli sa utang. Huwag mo nang gawin ito. Sa halip, gupitin mo na ang mga iyan, isarado ang mga credit card accounts, at matapos na sa kanila magpakailanman. Kung susundin mo ang amin plano, ang iyong emergency fund ang iyong safety net, hindi ang credit cards.

10. They don’t know how.
Maganda naman ang intension ng mga taong ito, gusto nilang sipain na palayo ang mga utang, ngunit hindi nila alam kung paano. Sa tagal nilang nakabaon sa utang, ang pagbabayad ng ₱250,000 na credit card bill ay tila imposible. Ngunit hindi. Marami nang nakagawa nito gamit ang plano ni Dave Ramsey.
Ang pag-ahon sa mga utang ay hindi madali. Kailangan ng marami at mahirap na trabaho at disiplina. Ngunit hindi ito imposible. Ang kailangan mo lamang ay isang mahusay na plano.

Ang debt snowball method ang pinaka simpleng plano na makatutulong sa iyong umahon sa utang. Simulan sa paglilista ng lahat ng iyong mga utang mula sa maliit hanggang sa malaki. Patuloy na bayaran ang mga minimum payments sa iba maliban sa pinaka maliit na utang – gusto naming atakihin mo ito ng walang humpay! Sa sandaling wala na ito sa buhay mo, kuhanin mo ang halagang binabayad mo dito at pagulungin mo ito sa susunod na utang sa iyong listahan.
Kayang-kaya mo ito. Maraming tao ang gumagawa ng desisyon na umalis sa utang at baguhin ang kanilang buhay araw-araw. Kontrolin ang iyong finances at buhay, sa pamamagitan ng pagpapasya na umalis sa mga utang habang buhay!
What if you never had to worry about money again? Financial Peace University can help you make a plan for your money and transform your future. Over 5 million people have gone through the program and experienced life-change—are you next?
The money course that will change your life!