top of page

25 Ways to Get Out of Debt


Freedom

Matagal ka ng nagtatarabaho pero baon ka pa rin sa utang. Alam nating ang pagbabayad ng mga utang ay maaaring nakakalito at kadalasan maraming nabibigo, lalo na kung wala kang tamang plano. Sa loob ng mahigit 25 na taon, marami nang naturuan si Dave ng step-by-step na diskarte upang mapawi ang kanilang mga utang na tinatawag na 7 Baby Steps.

Sa Baby step 1, magipon ka muna ng ₱50,000 bilang emergency fund, at sa Baby step 2, babayaran mo lahat ng iyong mga utang gamit ang debt snowball method.

Paano Bayaran ang utang: Ang Debt Snowball Method

  • Ilista ang iyong mga utang mula sa pinaka maliit hanggang pinaka malaki, kahit anuman ang interes.

  • Unahing bayaran ang pinakamaliit, habang binabayaran ang mga minimum ng ibang natitirang utang.

  • Ulit-ulitin ang pamamaraang ito habang inuubos mo ang iyong mga utang.

Tandaan, ang Baby Step 2 ay maaaring matapos ng ilang buwan para ibang tao at ilang taon paranaman sa iba, depende sa sitwasyon at laki ng pagkaka-utang. Kaya kung ikaw ay nasa step na ito at talagang naka focus ka ng husto sa pagbabayad ng lahat ng utang mo, posibleng makaramdam ka ng pagka-inip. Maaaring napapagod kana at pakiramdam mo na hindi mo mararating ang pagiging debt-free.

Kung ganito ang sitwasyon mo, narito ang ialng ideya na maaaring makatulong sa iyo kung paano mapapabilis ang iyong pagiging debt-free.

How to Get Out of Debt With Frugal Living and Smart Shopping

1. Start couponing.

Marahil ay maraming beses mo na itong naririnig, pero ginagawa mo ba? Malaki ang maaari mong matipid sa pamamagitan ng paggamit ng kupon sa kahera. Siguraduhin lamang na gumagamit ka ng kupon para sa mga produktong dati mo nang binibili, kung hindi ay maaari kang mag-overspend sa mga bagay na hindi mo naman gagamitin.

2. Try consignment shopping.

Magpaka totoo tayo: Mabilis kalakihan ng mga bata ang kanilang mga damit. Hindi sulit na mangutang para lamang sa kasuotan ng isang 2 taong gulang na bata. Tingnan ang ilang tindahan na may tinatawag na consignment outfits na nasa mabuting kondisyon. Kung mas gusto mong mamili online, mayroon ding mga online stores na maraming pagpipilian para sa mga bata at matatanda sa abot kayang halaga.

3. Cut the cable.

Sa panahon natin ngayon, pwede mo ng panoorin halos lahat ng paborito mong palabas online. Kung hindi mo pa ito nagagawa, huwag mo nang subukan. Gamitin mo nalang ang cable bill na iyan na pangdagdag na pambayad kada buwan sa iyong mga utang upang mas mapabilis ang iyong debt snowball.

4. Stop going out to eat.

Malinaw naman na ang pagpunta sa isang restaurant o sa isang drive thru ay mas madali kaysa magluto sa bahay. Subalit habang ineenjoy mo ang kalayaan ng hindi pagluluto, kapalit nito ay ang pagkurot sa iyong bulsa. Para sa isang malikhaing paraan ng pakikipag socialize at pagbahagi sa kainan, hikayatin ang mga kaibigan sa bahay na kumain sa halip na sa isang restaurant.

5. Break up with your barista.

Kung hindi mo alam kung saan napupunta ang pera kada buwan, malamang sa alam ng paborito mong coffee shop kung nasaan ito. Ang paggawa ng sarili mong kape sa bahay ay isang simpleng paraan upang makatipid ng pera ng mabilis.

6. Visit the library.

Naaalala mo pa ang mga libraries? Marami silang mga libro at movies na pwede mong tingnan ng libre! Tiyak na sasaya ang bulsa mo kaysa manood ka sa sinehan.

7. Plan your grocery trips.

Gumawa ng listahan at manatili dito! Gamitin ang calculator sa iyong telepono habang tumitingin sa pasilyo upang makasigurong napapanatili mo ang iyong budget. Madalas ka bang makakuha ng mga impulse items sa iyong grocery cart? Subukang mag order ng iyong groceries online. At tandaan, huwag mamimili kung ikaw ay gutom!

8. Avoid expensive hobbies.

Lahat naman ng tao ay may libangan. Ngunit kung ang mga libangang ito ang nagpapanipis sa pitaka mo, marahil ay oras na para iwasan mo muna ang mga ito.

9. Ditch the gym membership.

Pwede ka namang lumabas at tumakbo ng libre. Ayain ang ilang kaibigan at magsimula ng isang running club. Pwede mo ring subukan ang mga calisthenics workout routine kahit nasaan ka man.

10. Find free entertainment.

Ihinto muna ang paggastos sa iyong libangan pansamantala. Ito ay maaaring hindi pagpunta sa sinehan, konsiyerto, mini-golf, bowling o kung anumang libangang ginagawa mo na may kaakibat na gastos. Sa halip, hamunin ang iyong sarili na makahanap ng mga libreng paraan upang maaliw. Maaaring pumunta sa park kasama ang mga bata, maglakad-lakad o mag hiking, mag-enjoy sa libreng konsiyerto o maghanap ng mga libreng event sa iyong komunidad.

Dave Ramsey’s Basic Tips for Getting Out of Debt

11. Start a side gig.

Ang pagsisimula ng sarili mong negosyo ay naging mas madali kumpara sa mga nakaraang mga taon! Mahilig ka bang gumawa ng iba’t-ibang bagay? Maaari kang magbenta ng mga produkto online! Mahilig ka ba sa mga hayop? Pwede kang magalaga ng aso. Mahusay ba ang iyong mata at mayroon kang sariling camera? Magsimulang kumuha ng mga kliyente para sa mga photo sessions. Ang Business Boutique ni Cristy Wright ay isang mahusay na resource upang turuan ka sa proseso na dapat mong gawin!

12. Get a part-time job.

Hindi ba para iyo ang pagtayo ng sarili mong negosyo? Bakit hindi subukang magmaneho para sa Uber. Ang pagdedeliver ng pizza sa gabi ay maaari ring makapagdala ng extrang pera. Pwede ka rin mag-deliver ng iba’t-ibang uri ng pagkain sa iyong libreng oras sa pagtatrabho sa mga lugar gaya ng UberEATS or Grubhub. Syempre, kailangan mong isantabi ang iyong pride at i-give up ang ilang mga gabi at weekends na pahinga. Ngunit maliit lamang itong sakripisyo para makakuha ng extrang pera para sa iyong bulsa.

13. Sell the car!

Alam mo ba kung magkano ang binabayad mo kada buwan sa car loan mo? Isipin mo na lamang kung gaano kabilis matatapos ang iyong debt snowball kung wala kang binabayarang sasakyan?

14. Cut up your credit cards.

Gupitin, sunugin at alisin mo na ang mga ito sa iyon pitaka. Hindi ka makaka-alis sa pagkaka-utang hanggang hindi mo itinitigil na gawing paraan ng pamumuhay ang pangungutang.

15. Use the envelope system.

Sa sandaling nagbabayad ka gamit ang pera o cash, mas ramdam mo ang pag-alis ng pera sa iyong mga palad. Masakit diba! Walang may gusto nyan. Mas malaki ang posibilidad na gumastos ng mas maliit kapag cash ang ginagamit mong pambayad. Sa pamamagitan ng envelope system, makikita mo ang pagkaubos ng iyong pera, at mas masusubaybayan mo kung magkano ang nagagastos mo.

16. Stop investing.

Tama ang pagkabasa mo. Itigil muna pansamantala ang pag-iinvest. Sa ngayon, gusto mong lahat ng iyong kinikita ay pumunta sa pagbabayd ng utang. Sa sandaling debt-free ka na at nakapag tabi ka na ng 3-6 na buwan ng iyong gastusin sa isang emergency fund, ito ang oras upang ipagpatuloy mo ang iyong mga kontribusyon. Sa sandaling iyon ay nasa Baby Step 4 ka na at pwede ka ng maglagay ng 15% ng iyong kita spara sa iyong pagreretiro.

17. Ignore your broke friends.

Huwag mo ng piliting makipag tagisan o habulan sa iba! "Remember, you are living like no one else, so that later you can live like no one else!" In 10-20 years, hindi mo na kailangang mangamba financially habang ang iba ang mayroon pa rin mga car loans, mortgages at credit card bills.

18. Make a budget!

Ang pagbu-budget ay dapat na madali lamang at syempre masaya! Gumamit ng mga libreng budgeting app gaya ng EveryDollar at ituon ang iyong pera sa mga importante lamang: pang araw-araw na gastusin, bayarin na utang at pagbuo ng yaman.

19. Tell the kids you’re on a budget.

Pagdating sa pera, madalas na maling gabay ang mga bata dito. Maging bukas sa kanila pagdating sa mga dapat at hindi dapat gawin sa budget. At tandaan, huwag matatakot na gamitin ang mahiwagang salita na “No.”

20. Listen to The Dave Ramsey Show.

Ang pakikinig sa palabas ni Dave ay makakahikayat sa iyo sa mga panahong pakiramdam mo ay hindi ka nakaka-usad o nakakagawa ng progreso. Araw-araw, milyun-milyon ang natutulungan ni Dave sa buong bansa na makahanap ng pag-asa at gumawa ng plano para sa kanilang pera. Ang kanilang mga tagumpay ang magbibigay inspirasyon sa iyo upang magpatuloy sa pakikipaglaban sa buhay.

Other Creative Ideas to Get Out of Debt

21. Ask for a raise.

Ano ba ang mawawala sa iyo? Malay mo baka makakuha ka nga ng dagdag sahod kung tatanungin mo.

22. Learn to say “no.”

Gawin mong bagong parte ng bokabularyo mo ito. Mahalin mo ito at yakapin mo ng buong-buo. Dahil pagdating sa pag-gastos, madalas mo itong sasabihin.

23. Sell items on Facebook Marketplace or Craigslist.

Ang basura ng isang tao ay maaaring kayamanan ng iba. Halungkating ang gamit sa kwarto ng mga bata at kasuluksulukan ng iyong aparador upang makahanap ng mga bagay na pwede mong maibenta para sa pera.

24. Give more.

Teka muna, magbigay? Oo tama, ang pag-bibigay ay makapagbabago sa iyong sarili. Gawing prayoridad ang pagbibigay sa iyong budget, at makakakita ka ng kaibahan sa iyong pamumuhay.

25. Join over five million people who’ve experienced Financial Peace University.

Financial Peace University is the class that starts you on your journey to never worry about money again. Sure, you can pay off your bills on your own, but FPU adds rocket fuel to your debt-free goals. Nine video lessons will explain in detail all 7 Baby Steps so you’ll be prepared for any money issue that comes your way.

If you’ve already taken Financial Peace University, consider leading a group. It’s one of the best ways you can stay gazelle intense and keep yourself accountable! Not to mention, you’ll be helping change someone’s life. Watch what happens when you become an FPU coordinator and help others win with money.

There you have it—25 ways to get out of debt and breathe fresh air into your debt-free journey. Try a few of these tips and see if they work for you. When you hit a wall and feel like you’ll never figure out how to get out of debt, just keep working the plan! Over time, your dedication will pay off!

Learn more about Financial Peace University.

RECENT POST
bottom of page