How to Deal with Financial Stress
Pinapawisan ang mga palad mo, ilang gabi ka nang hindi makatulog ng maayos, at palagi kang balisa at kinakabahan. Parang katulad lang ng gabi bago ka magbakasyon diba? Mali. Sa totoo lang marahil ay nakakaramdam ka ng paghihirap dahil sa isang bagay na tintawag nating financial stress. Ngunit huwag kang mag-alala dahil hindi ka nag-iisa.
Alam mo ba na karamihan sa atin ay nabubuhay sa kada sweldo lamang buwan-buwan. Hindi mo lang nakikita ang iyong account sa banko na lumiliit, damang dama mo rin ito. Isang pag-aaral ng American Psychological Association ay natagpuang 72% nga mga Amerikano ay nakakaramdam ng stress tungkol sa pera ng hindi bababa sa ilang oras at halos 25% ay nakakaramdam ng matinding stress.
So, ano ang solusyon? Magkaroon ng mas maraming pera? Siguro sa ilang sitwasyon. Ngunit kadalasan, ang pagkakaroon ng dagdag na kita ay maaaring humantong sa paggastos ng mas maraming pera sa mga bagay na gusto mo. Sarap pakinggan diba? Ngunit kung hindi ka mag-iingat, ang ganitong klase ng paggastos ay maaaring makaapekto sa iyong kalusugan, relasyon, at marahil sa iyong kinabukasan.
What Is Financial Stress?
Ayon sa Financial Health Institute, ang stress ay kondisyon na sanhi ng mga financial events na lumilikha ng pagkabalisa at pag-aalala, na kadalasang may kasamang pisikal na pagtugon. At kapag nakaranas ka ng anumang uri ng financial stress, hindi mo ito basta-basta makakalimutan.
Ang financial stress ay dahan-dahang lalapit sa iyo ng hindi mo nalalaman. Kadalasan, malalaman mo kung ano talaga ito sa oras na magpakita at maramdaman mo na ito. Ngunit ang siguradong paraan upang malaman mo kung nakakarmdam ka na ng financial stress ay pagkilala sa mga sintomas gaya ng:
Pagkabalisa
Pag-aalala
Panic attacks
Depression
Guilt
Denial
Emotional numbness
Nahihirapang matulog
Pagkakaroon / pagkawala ng timbang
. . . at ito ay ilan lamang sa mga sintomas.

Ang financial stress ay maaari ding maka-apekto sa relationship ng mag-asawa. Sa isang 2017 na pag-aaral ng Ramsey solutions ang nakadiskubre na pera ang numero unong dahilan ng pag-aaway ng mag-asawa. “41% ng mag-asawa na may pagkaka-utang ang nagsabing nag-aaway sila tungkol sa pera at ito ang madalas na nagiging sanhi ng hindi pagkakaintindihan.
Hindi kailangan maging sagabal ng financial stress sa buhay mo o sa buhay ninyong mag-asawa. Narito ang ilang paraan upang matulungan ka:
How to Deal with Financial Stress
Panahon na para iwanan mo ang stress at simulang kontrolin ang iyong pera (at iyong kalusugan)!
1. Take Inventory
Oras na para buksan mo ang drawer kung saan nakatago lahat ng iyong mga lumang resibo. Maniwala ka, hindi porket wala sa paningin mo ang problema ay nangangahulugang wala ito sa buhay mo. Mahirap man itong harapin ngayon, ngunit ang pagsasa-ayos ng mga bayaring ito ang pinaka mahusay na paraan na magagawa mo upang maibsan ang nararamdaman mong stress.
2. Make a Budget (and Stick to It)!
Ang pagsasa-ayos sa lahat ng iyong bills ay makakatulong na maramdaman mong ikaw ay nasa kontrol diba? Sa oras na makita mo kung ano ang haharapin mo, panahon na upang gumawa ka ng plano para atakihin ito. Ang tawag dito ay ang zero based budget.
Unahing isulat ang iyong kita bago ang iyong mga bayarin o expenses. Ngayon, ibawas ang iyong kita/sweldo sa iyong mga bayarin hanggang maging zero ang lahat! Huwag kang mag-alala,, hindi ibig sabihin nito ay wala ka ng matitira sa banko. Ang ibig sabihin lamang nito ay nabigyan mo ng pangalan ang bawat piso na mayroon ka.
Ang paggawa ng budget kada buwan ay makakatulong sa iyong malaman kung ikaw ay gumagastos ng higit sa iyong kinikita. Kung iyon ang resulta, makikita mo kung saan ka pwedeng magbawas ng gastusin. Karamihan sa gumagawa nito ay nakakaramdam na parang nagkaroon sila ng dagdag sa sahod sa oras na gumawa sila ng budget.
3. Pay Off All Your Debt
Tama, lahat ng utang ay dapat mong bayaran. Alam mo na kung gaano ka stressful ang mag-alala sa pagbabayad ng iyong bills kapag nabubuhay ka kada sahod. Isipin mo na lamang kung ano ang pakiramdam kung hindi mo ibinibigay ang pera mo sa credit cards, student loans, medical debt, at iba pa. Subukan mo (imagine mo lang).
Ngayong alam mo na ang pakiramdam ng buo ang sweldo, oras na upang ubusin ang mga utang na iyan! Ngunit paano? Makakatulong ng malaki ang mga susunod na tools habang pinag-aaralan mo kung paano bayaran ang mga utang mo. Pero kailangan mong seryosohin ng husto ang mga ito!
4. Follow the Baby Steps
Ang mga Baby Steps ay hindi lamang para sa mga bata. Sa katunayan ang Dave Ramsey’s 7 Baby steps ang isa sa pinaka mahusay na plano para mailipat ka mula sa pagiging walang pera at hirap ng kalooban patungo sa pagpapalago ng yaman at pamumuhay ng malaya.
Ang Baby Steps ay nasasaklawan lahat mula sa pag-iipon para sa emergencies, pagbabayad ng utang, investing, pag-iipon para sa pangkolehiyo ng mga bata, pagbabayad ng bahay, at pag-buo ng yaman para makapagbigay ka rin sa mga nangangailangan.
Sa bawat hakbang, mararamdaman mo ang stress at pag-aalala ay dahan-dahang mawawala habang tinatahak mo ang landas patungong financial contentment.
5. Practice Gratitude
Pagdating sa kasiyahan, may kasabihang “The grass is greener on the other side”. Ngunit ang katotohanan, kung inaalagaan mo ng mabuti ang iyong sariling bakuran, hindi mo na mapapansin ang bakuran ng iyong kapit bahay. Alam mo kung bakit? Ito ay dahil mayroon kang sariling kasiyahan o contentment.
Kung gusto mong matanggal ang financial stress, kailangan mong gumawa ng kakaiba sa nakasanayan mo ng gawin ngayon. At lahat ng ito ay magsisimula sa pagsasa-ayos ng iyong mga kagustuhan. Ang pakikipag kumpitensya sa iba ay hindi magdadala sa iyo sa contentment. Ito pa ang magpapabaon sa iyo sa pagkaka-utang. Ito ang katotohanan.
Pag-aralan kung ano ang nagpapalabas ng labis sa iyong kagustuhan at simulang limitahan ang iyong sarili dito. Kung ang araw-araw na pagtingin sa social media ang nagiging sanhi ng pagiging magastos mo, siguro ay oras na para limitahan mo ito.
Ang bottom line, kahit ano pa mang financial stress ang pinagdaraanan mo, may pag-asa! Simulan mo nang tahakin ang landas patungo sa financial peace at gratitude ngayon gamit ang Financial Peace University.
