New SSS Contribution Table 2019
Kung nakapunta ka na sa opisina ng SSS kamakailan lamang, maaaring napuna mo na iba na ang dapat mong bayaran para sa buwan ng Abril 2019. Kinailangan ko pang bumalik at baguhin ang pinirmahan kong payment slip upang makapagbayad ng naaayon sa bagong contibution table.
Epektibo ngaung buwan ng Abril 2019 mayroon ng bago at updated na contribution table 2019 para sa mga employer, empleyado, self-employed, voluntary members, OFW, non-working spouse at mga kasambahay.
Alinsunod sa pagpapatibay ng Republic Act No. 11199, na kinabibilangan ng probisyon na nagpapataas sa rate ng kontribusyon sa 12%, ang minimum na Monthly Salary Credit (MSC) sa P2,000, at ang maximum na MSC sa P20,000, ang epektibong taon 2019, Ang bagong SSS Contribution Schedule ng mga employer (ER), empleyado (EE), self-employed, voluntary members, OFW, kasambahay, at non-working spouse ay inisyu at magiging epektibo para sa naaangkop na buwan ng Abril 2019.
Narito and kopya ng pinakabagong SSS Contibution table 2019. Ito ay makakatulong laong-lao na sa mga employer upang i-update ang kanilang employee's contibution ng mas maaga at hindi na magmadali sa pag-gawa nito sa oras ng bayaran.
Mahusay din ito sa mga voluntary members, OFW, self-employed, household employers at kasambahay na malaman at suriin ang bagong bayarin upang iwasan ang maling pagbabayad.
Lahat rin ng miyembro ng SSS kabilang ang mga employer ay kinakailangang magkaroon ng SSS online account. Ang Social Security System ay naglalayong gawing online na ang lahat ng transaksiyon Sa huli, hindi na natin kailangang pumunta sa SSS upang mag-transact o magtanong tungkol sa ating account.
Bagong SSS Contribution Table 2019 para sa mga Employed, Self Employed, Voluntary at Non-Working Spouse

*The minimum MSC for Regular Employed, Self-employed, Voluntary member and Non-Working Spouse is two thousand pesos (₱2,000.00)
*The contribution of the Non-Working spouse shall be based on fifty percent (50%) of the Monthly Salary Credit (MSC) of his/her working spouse.
In case the fifty percent (50%) of the working spouse's declared monthly income does not correspond to any MSC in the Contribution Schedule, the Immediately higher MSC shall be the basis.

*Under R.A. No. 10361 of the Domestic Workers Act of the Batas Kasambahay, the employer pays the entire contribution if the kasambahay earns less than five thousand pesos (₱5,000.00) per month.
*The minimum MSC for OFW's is eight thousand pesos (₱8,000.00).
Anong masasabi mo sa bagong SSS Contribution table? Mas makikinabang ba tayo bilang mga miyembro?