top of page

Christmas Is Gone and So Is My Money! What Do I Do Now?


Cutting Up Cards

Kamusta naman ang nakaraang Christmas celebration mo? Tapos na ang pagdiriwang at pati ang pera mo – ano na ang kasunod ngaun?

Ang kinalabasan, marami sa atin ang nawawala sa focus pagdating sa ating mga financial goals at madalas masabik sa saya ng iba’t-ibang okasyon.

Marami tayong naging gastos ngaung taon at karamihan sa atin na nakabili ng mga holiday-related products ay nakakaramdam ng pressure na gumastos ng higit pa sa kaya natin tuwing kapaskuhan.

Isa ka ba sa mga ito? Mag-isip sandali at balikan ang iyong mga ginastos noong nakaraang holiday. Ano ang gusto mong baguhin? Saan ka nagkamali?

Dahil hindi ka naman makakabalik at ayusin ang iyong mga pagkakamali, tingnan mo na lamang ang hinaharap at kung paano mo ito makokontrol ng maayos! Nasa bagong taon na tayo. Narito na ang oras mo! “It’s your time to shine” ika nga. Narito ang mga paraan kung paano mo makakamit ng maayos ang iyong mga financial goals at umpisahan ang 2019 ng maayos.

Ano ang mga Financial Goals?

Ang pariralang financial goals ay parang masyadong marami diba? Ito ay dahil importante ang mga ito. Ngunit huwag kang mabahala. Ang mga financial goals ay mga sinukat na layunin sa pera na inilaan mo para sa iyong sarili. At pwede itong maging malaki, gaya ng pagbabayad ng lahat ng iyong mga utang. O maliliit, gaya ng pag-iipon ng ₱500 kada sweldo para sa susunod na Christmas budget.

Kahit ano pa man ang mga goals mo, kailangan mo ng plano upang maabot ang mga ito. Narito ang mga paraan upang makapagsimula.

5 Ways to Get Your Financial Goals Back on Track

1. Create a Budget

Ang pinaka una…. kailangan mo ng budget! Ito ang numero unong hakbang upang makamit mo ang iyong mga financial goals. Umupo kasama ang iyong asawa o accountability partner at maging intensyonal sa paglalagay ng kategorya sa bawat piso. Madaling mapunta sa kawalan ang iyong paggastos. At darating ang oras na haharapin mo ang mga ito. Ang pagbuo ng budget ay magpapakita sa iyo kung paano magtrabaho ang pera para sa iyo kaya hindi ka palaging magtataka kung saan na ito nagpunta.

Alam naman naming walang may gusto sa salitang budget. Iniisip ng mga tao na ito ay mahigpit na mga patakaran na kailangang sundin, na kung saan karaniwang nangangahulugang pagkawala ng kalayaan sa pagbili ng kung anu-ano. Ngunit ang katotohanan, ang budget ang aktuwal na nagbibigay sa iyo ng kalayaan upang gumastos. Nakakalito diba.

Kung mayroon kang free budgeting app gaya ng EveryDollar, magiging madali ang pagbudget para sa iyo. Makikita mo kaagad ang mga nakaplano mong gastusin, mga nagastos at natitira para sa buwang iyon. At higit sa lahat mabilis at madali lamang itong gamitin.

Heto ang isang mahusay na budgeting tip: Maglaan ng lugar sa loob ng iyong budget para sa kasiyahan o “fun money.” Hindi mahalaga kung ₱250 kada dalawang linggo o ₱1000 kada buwan (siguraduhin mo lamang na magkakasya ito sa iyong budget) ang perang ito sa anumang extra na gusto mo. Ito ay maaaring mangahulugang bawat dalawang linggo ay mag kape ka sa paborito mong java joint. O maaari mong ipunin ang fun money upang makabili ng bagong sapatos na matagal mo nang gustong bilhin. Maniwala ka man o hindi, ang pagkakaroon ng pera para sa masasayang bagay ay makakatulong sa iyong mga layunin sa pagba-budget!

2. Set SMART Money Goals

Paano naging kakaiba ang SMART goal sa karaniwang goal? Ito ay dahil:

Specific: Para gumana ang layunin o goal mo, kailangan mong mag-focus eksakto kung ano ang gusto mong makamit. Maging specific ng husto.

Measurable: Gawin ang layunin na may kasamang bagay na pwede mong sukatin upang malaman mo kung kailan ka matatapos.

Achievable: Huwag mong abutin ang buwan. Magtakda ng goals para sa iyong sarili na magtutulak ngunit resonable para sa iyo.

Relevant: Ang mga goals mo ba ay may kaugnayan kung sino ka at kung paano mo sinusubukang papaghusayin ang iyong sarili? Ang pagiging pinakamahusay na piloto sa buong mundo kung natatakot ka sa paglipad ay hindi magkakaroon ng kahulugan.

Time-sensitive: Bigyan mo ang iyong sarili ng araw-araw, linggo-linggo at/o buwanang hakbang upang tulungan kang makita ang progreso na iyong ginagawa sa iyong layunin sa itinakdang oras.

Ano ang gusto mong gawin sa iyong pera sa 2019? Ang pagtatakda ng SMART goals ay makakatulong sa iyong manatiling motivated at excited para sa hinaharap. Bukod dito, matutulungan ka nitong maalala na ang iyong mga layunin sa pera ay mahalaga rin sa mga hangarin na mayroon para sa iyong career, relasyon at personal na pag-unlad.

Ang sitwasyon mo sa pera ay hindi magbabago sa sarili nito. Kailangan mong sabihin kung ano ang gagawin nito. Simulan ang proseso sa pamamagitan ng paggawa ng oras upang mangarap tungkol sa kung ano ang nais mong isagawa. Isipin ang short term at long term. Mayroon bang mga bakasyon na gusto mong puntahan ngayong summer? Gusto mo ba ng bagong dining room table sa pagdating ng Easter? Hindi ba’t maganda sa pakiramdam na magkaroon ng tatlo hanggang anim na buwang emergency fund ngayong taon? Siguro gusto mong bayaran ang pinakamaliit mong utang ngaung Marso.

Ang pinaka mainam na paraan upang magtakda ng Smart goals (at manatili dito!) at isulat ang mga ito, kasama ang mga bagay na kailangan mo upang maabot ang mga ito. Isang kamangha-manghang bagay ang nangyayari kapag binigyan mo ng oras/panahon na isulat ang mga specific goals na ito. Sa halip na ilagay lamang ang mga ito sa iyong memorya na parang alaala. Ang pagsusulat sa mga ito ay tutulong sa iyong makamit ito.

Ang paglalagay ng iyong mga goals sa pagsulat ay napakahusay na paraan upang mapanatili ang iyong sarili na accountable at masubaybayan ang iyong progreso. Maaari kang gumamit ng Goal Tracker Worksheet upang ilista ang iyong mga goals at ang mga hakbang na kailangan mong gawin upang makamit ang mga ito.

3. Get a Refresher on the Baby Steps

Kung nawala ka sa kumpiyansa at nasobrahan sa pag-gastos noong Pasko. Hindi man ito perpekto, ngunit kailangan mong matuto mula dito at iwanan ang mga ito sa nakaraan. Panahon na upang bumalik at tingnan muli ang 7 Baby Steps!

Tanggalin ang iyong Band-Aid. Kunin ang budget, at magsimulang maghanap ng mga paraan upang buuin muli ang iyong pera. Alamin kung saan pwedeng makatipid ng pera. Maraming paraan upang makapagtipid kung alam mo lamang kung saan titingin!

4. Use the Debt Snowball Tool to Pay Off Your Credit Cards

Kung gumamit ka ng credit card pambayad noong Pasko, panahon na upang magbago! Kuhanin ang mga credit cards na iyan at gupitin lahat. Kahit ano pa man ang gawin mo, alisin mo ang mga ito para sa iyong kabutihan!

Huwag mo ng ilagay ito sa iyong wallet na parang lumang kakilala na hindi mo mai-unfriend sa facebook. Gupitin, bayaran at isarado mo na ang mga account mo dito.

Samantala, gamitin ang debt snowball method upang bayaran ang iyong mga utang. Simple lang. Ilista ang kabuuan ng mga utang sa pagkakasunud-snod mula pinaka maliit hanggang pinaka malaki, at simulang bayaran ang pinaka maliit muna.Sa ganitong paraan, makakaramdam ka empowerment sa mga maliliit na panalong dumarating sa iyo sa bawat oras na nakakabayad ka at nai-aalis ito sa buhay mo magpakailanman! Ito ay exciting. Ito ay motivating. At makakatulong ito sa iyong manatili sa tamang landas! Pwede mo ring gamitin ang debt snowball tracker upang makita ang iyong progreso.

5. Start Using Cash!

Seryoso, hindi mo kailangan ng credit cards. Ang mga ito ay hindi safety net para mapunan ang kakulangan o makasalo sa iyo sa isang emergency. Hindi rin ito mas convenient kumpara sa cash o debit card. At hindi ka nito payayamanin (kahit ilang rewards points pa ang ipunin mo).

Kung ganun, ano ang alternatibo sa pamumuhay sa credit? Ito ay pagbabayad sa mga bagay gamit ang perang mayroon ka mismo. Ibig sabihin nito, lahat ng kailangan mong bilhin ay dapat mong bayaran ng cash o debit card.

Nag-aalala ka bang ma-misplace ang pera? Ang envelope system ay makakatulong sa iyong mapanatiling organisado at ligtas ang lahat. At maaari ka ring magulat dito. Ang pagbili ng mga bagay gamit ang cash ay masarap sa pakiramdam!

Keep Your Eyes on Your Financial Goals

Simulan ang 2019 gamit ang limang steps na ito para sa iyong pera at maghanda upang makaramdam ng pagkakaiba sa pagtatapos ng taon. Kung gusto mo rin ng extrang inspirasyon maaari mong makuha ang bagong Financial Peace University. Ito ang perpektong oras upang kontrolin at iayos ang iyong pera sa halip na magtaka kung saan ito lahat napunta.

Kaya mo ito.

You Got This

RECENT POST
bottom of page