What Is Financial Planning?

Katulad ng lumang kasabihan: “Those who fail to plan, plan to fail.” At lahat naman tayo ay gustong magtagumpay. Kaya’t naniniwala kami na ang financial planning ay napaka importante. Maaari itong maging kaibahan sa pagitan lamang ng isang kahig, isang tukang pamumuhay at pag-abot sa mga layunin na pinakamahalaga sa iyo.
Ngunit paano kung hindi ka gumagawa ng kahit na anong financial planning dahil hindi mo alam kung saan magsisimula? Ayon sa isang pag-aaral higit sa kalahati ng mga Amerikano na higit sa 30 taong gulang ay walang kaalam-alam pagdating sa pagkakaroon ng isang maayos na plano sa kanilang pera.
Hindi pwede ito. Ang kamangmangan ay hindi lubos na kaligayahan pagdating sa iyong pananalapi, Masyadong maraming nakataya dito.
Narito ang magandang balita: Ang pangunahing kaalaman sa pagpaplano sa pananalapi ay madaling maunawaan. At ang pakikipagtulungan sa isang financial planner ay makapagtuturo sa iyo sa tamang direksyon. Tingnan nating maigi ito.
What Is Financial Planning?
Ang financial planning ay tungkol sa tatlong pangunahing bagay:
Pag-unawa kung nasaan ka ngayon financially.
Pag-alam sa iyong personal na financial goals.
At pagbuo ng plano upang maabot ang mga layuning ito.
Ganun lamang kadali!
Kapag naglalaro ka ng basketball o anumang klase ng sports, gugugol ka ng hindi mabilang na oras kada linggo kasama ang iyong coaches upang masiguro na alam ninyong lahat ang game plan kahit nakapikit pa kayo. Naiintindihan ninyo na kapag isinagawa ninyo ang plano sa araw ng laro, malaki ang pagkakataon na uuwi kayong panalo.
Naiintindihan mo na ba? Ang financial planning ay makakatulong sa iyong bumuo ng isang game plan para sa iyong finances upang manalo ka sa iyong pananalapi. At ang isang financial planner ay parang isang coach na naandyan upang gabayan ka sa bawat hakbang na iyong susuungin.
What Does a Financial Planner Do?
Ang financial planner ay tutulong sa iyong makamit mo ang iyong long-term financial goals at papayuhan ka sa daang iyong tatahakin.
Narito ang mga maaari mong asahan kapag nakipagtulungan ka sa isang financial planner:
1. They Get to Know You (And Vice Versa).
Sa unang pagkakataon na makipagkita ka sa isang financial planner, gugustuhin nilang malaman ang tungkol sa iyong buhay (pangkalahatan) upang maunawaan ng maayos ang sitwasyon. May asawa ka ba, kasal o single? May mga anak ka ba? Anong klaseng trabaho ang ginagawa mo?
Tandaan, ito ay isang tao na magkakaroon ng mahalagang papel sa iyong financial future, kaya’t huwag kang matakot o mag atubiling magtanong sa kanila. Gusto mong makakuha ng planong aakma para sa iyo. Mayroon kang karapatang mamili ng maayos!
2. They Help You Clarify Your Financial Goals.
Marahil ang pangarap mo ay libutin ang mundo sa panahon ng iyong pagreretiro. O marahil ay gusto mong tulungan ang iyong mga apo na makatapos sa kolehiyo ng walang utang. Ngunit ang isang pangarap na walang plano ay isang hangarin lamang. Ang iyong financial planner ay makakatulong sa iyo na magtakda ng makatotohanang mga layunin at lumikha ng plano upang maabot ang mga ito. Pagkatapos ay maaari mo na itong gawin!
3. They Take Stock of Your Financial Resources.
Ano ang iyong net worth? Mayroon ka bang ipon? Gaano karami ang mga utang mo? Magkano ang iyong kinikita? Ito ang ilan sa mga katanungan na itatanong ng iyong financial planner upang makakuha ng imahe kung saan ka nakatayo ngayon financially.
4. They Help You Move Toward Your Goals and Keep Track of Your Progress.
Ang isang financial planner ay mangungumusta sa iyo paminsan minsan upang tingnan kung ano na ang nangyayari sa plano mo. Sila ay magiging accountability partner at dahil pabago-bago ang buhay, makakatulong din silang gumawa ng anumang pagbabago sa iyong plano sa panahong kailanganin mo.
What Can a Financial Planner Help Me With?
Ang ilang financial planner ay espesyalista sa isa o dalawang area, gaya ng estate planning o investing. Ngunit marami sa kanila ang kayang tumingin sa bawat aspeto ng iyong pinansyal na buhay. Narito ang ilan sa mga paraan na maaaring payuhan ka ng isang financial planner:
Budgeting and debt payoff: Maaaring ipakita sa iyo ng mga financial planner kung paano masusubaybayan kung saan pupunta ang iyong pera bawat buwan at alamin kung paano magbayad sa mga gastusin. Maaari din silang makipagtulungan sa iyo upang bumuo ng plano upang bayaran ang iyong utang.
Retirement planning: Gaano karaming pera ang kailangan mo upang mabuhay sa pinapangarap mong pagreretiro? Ang isang financial planner ay maaaring umupo kasama mo upang matulungan kang maunawaan kung paano mo mapapalago at masusulit ang iyong mga Mutual funds, PERA account at iba pang investments.
Investments: Marahil ay handa ka na sa susunod na level ng investing, gaya ng pagbili ng mga investment property. Ang isang financial planner ay makakatulong sa iyo upang gabayan ka at ipakita sa iyo ang pros and cons ng iba’t-ibang uri ng investing options at papaano ito magkakasya sa iyong overall financial plan.
Employee benefits planning: Nagsimula ka man ng bagong trabaho o matagal ka nang nagtatarabaho sa isang lugar na hindi mo na matandaan kung anong klaseng insurance o savings options ang pinirmahan mo, ang isang financial planner ay maaaring gumabay sa iyo sa pag-unawa ng iyong mga benepisyo bilang isang empleyado upang makapili ka sa pinakamahusay na paraan.
Estate planning: Ayaw ko mang sabihin sa iyo, ngunit walang sinuman ang dapat palagpasin ito. Kaya’t kailangan mong tiyakin na mayroon kang planong nakahanda para alagaan ang iyong pamilya at ipamahagi ang mga bagay na iyong maiiwan. Ang mga financial planner ay makikipagtulungan sa iyo upang gumawa ng mahusay na diskarte upang ipamana ang iyong kayamanan sa iyong mga mahal sa buhay at limitahan ang mga buwis na kailangang bayaran.
Ano ang pinagkaiba ng Financial Planner at ng Financial Advisor?
Maaaring may kaibigan kang nagsabi na kailangan mo ng financial planner at ang iba naman ay nagsabi na kailangan mong makipagkita sa isang financial advisor. Madali kang malilito! So, may kaibahan ba sa dalawang ito?
Ang financial advisor ay karaniwang sinuman na tumutulong sa isang tao na i-manage ang kanilang pera. Ito ay isang malawak na termino para sa isang tao na maaaring magbigay sa iyo ng isang game plan na maglalagay sa iyo sa maayos na landas upang makamit mo ang iyong mga financial goals.
Ang mga financial advisors ay maraming papel na ginagampanan. Mayroon silang iba’t ibang degree at certifications. Ang ilan ay mas mahusay sa pagtulong sa iyo pagdating sa pamamahala ng mga utang, habang ang iba ay espesyalista sa pagbuo ng yaman.
Isipin mo ang isang financial advisor bilang isang umbrella term, na may isang grupo ng mga tao na may iba’t ibang titulo. Ang isang financial advisor ay maaring maging sinuman mula sa isang stockbroker o isang banker. Ang isang financial planner ay nasa isang grupo din.
Isang Babala: Halos kahit sino ay maaaring tumawag sa kanilang sarili na isang financial planner. Kaya’t ito ang dahilan kung bakit kailangan mong gawin ang iyong pagsasaliksik at siguraduhing alam nila ang kanilang sinasabi.
Maraming uri ng financial planners, ngunit ang mga certified financial planners (CFPs) ay ang pinakamahusay. Ang certified financial planner ay mayroong kumpleto at malawak na pagsasanay at nakamit ang mga kinakailangang karanasan upang makuha ang mga titulo sa likod ng kanilang pangalan. At ang mga CFP ay inatasang ilagay ang iyong interes bago ang kanilang sarili. Ito ang dapat na makapagpapanatag sa iyong isipan!
Gaya ng ibang financial advisors, ang mga financial planners ay kumikita ng kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng mga komisyon, bayad o sa parehong paraan. Ang isang mahusay na financial planner ay malinaw na makakapagpaliwanag kung paano sila binabayaran at kung bakit ang kanilang tulong ay sulit na bayaran mo. Kung hindi ka makakuha ng malinaw na sagot sa halaga ng babayaran, patuloy na magtanong hanggang sa maging makatwiran at malinaw sa iyo ang lahat o maghanap ka ng ibang tao!
Are you in the USA? Get Help with Your Financial Planning!
Did you know that many of our SmartVestor pros are also certified financial planners? If you’re ready to take control of your finances and start investing with confidence, our SmartVestor program can connect you with an investing professional near you.
It’s a free way to find top-rated professionals in your area who are committed to educating and empowering you. Plus, you can interview as many SmartVestor pros as you want until you find the best fit for you!
What are you waiting for? It’s time you got to work on reaching your financial dreams!
About Chris Hogan
Chris Hogan is a #1 national best-selling author, dynamic speaker, and financial expert. For more than a decade, Hogan has served at Ramsey Solutions, spreading a message of hope to audiences across the country as a financial coach and Ramsey Personality. Hogan challenges and equips people to take control of their money and reach their financial goals through national TV appearances, The Chris Hogan Show, and live events across the nation. His second book Everyday Millionaires: How Ordinary People Built Extraordinary Wealth—And How You Can Too, is based on the largest study of net-worth millionaires ever conducted. You can follow Hogan on Twitter and Instagram at @ChrisHogan360 and online at chrishogan360.com or facebook.com/chrishogan360.