top of page

A Quick Guide to Your Emergency Fund Revisited


Pushing a broken car

Hindi ba’t napakaganda sa pakiramdam na magkaroon ng buffer sa pagitan mo at mga hindi inaasahang bagay na ibinabato sa iyo ng buhay, isang pangsalo na makakatulong sa iyo na matulog ng mahimbing dahil gagawin nitong simpleng abala ang mga malalaking krisis sa buhay? Kahit masira ang AC mo sa gitna ng napaka-init na panahon, malamig pa rin ang pakiramdam mo. Bakit? Dahil nakaayos na ang iyong safety net sa mahusya na lugar!

At ang maliit na safety net na ito ay napaka importanteng parte ng 7 Baby Steps. Ito ang iyong fully funded emergency fund o ang iyong Baby Step 3.

What is an emergency fund?

Ang emergency fund ay perang nakatabi para sa mga hindi inaasahang bagay sa iyong buhay. Ang pinag-uusapan natin dito ay ang mga totoong emergency gaya ng nasirang sasakyan, pagbisita sa hospital, o tumutulong ulan sa bubong ng bahay. Ang pagkakita sa isang flat-screen TV na naka clearance sale o mga sapatos na 50% off ay hindi mga kwalipikadong emergency. Sorry!

Kung mayroon kang mga utang, inirerekomenda naming magsimula ka munang bumuo ng ₱50,000 na starter emergency fund. Pagkatapos kapag wala ka ng utang, oras na upang palaguin ang mga naipon mo at bumuo ng fully funded na emergency fund na katumbas ng 3 hanggang 6 na buwan ng mga gastusin.

Ang dahilan sa pagkakaroon ng emergency fund ay simple lamang. Hindi mo alam kung ano ang mangyayari. At walang sinuman ang gugustuhing mabuhay sa awa ng buhay na paikot-ikot. Ang iyong emergency fund ay magiging malaking tulong sa sandaling bigla kang mawalan ng trabaho o masira ang iyong AC sa gitna ng napaka-init na panahon. Huwag mong hayaang mahuli ka ng hindi nakahanda! Kailangan mo ng safety net sa pagitan mo at ng buhay.

How big should my emergency fund be?

Ang may mas matatag na kinikita at sambahayan, ay mangangailangan ng mas kaunting emergency fund.

Kung ikaw ay parte ng isa sa sa dalawang kumikita sa sambahayan o matagal ka ng may matatag na trabaho sa maraming taon, ang tatlong buwan na emergency fund ay maaaring ayos lamang. Ngunit kung ikaw ay nag-iisang kumkita, self-employed, o naka straight commission, ang anim na buwang emergency fund ang maaaring mas babagay sa iyo dahil ang pagkawala mo ng trabaho ay mangangahulugang hindi ka makakabayad sa mga gastusin.

Dapat mo ring itarget ang anin na buwang emergency fund kung mayroon sa bahay ninyo na may malalang medical condition na mangangailangan ng palagiang pagbisita sa doctor o hospital. Kahit may lugar pa sa iyong buwanang budget para ipambayad sa ganoong gastusin, maganda pa ring maging handa kung sakaling tumama ang isang malaking emergency.

Where should I keep my emergency savings?

Ang iyong emergency fund ay dapat na “liquid,” ibig sabihin, kailangan mo itong itabi sa isang lugar na mabilis mo itong makukuha. Ang pinaka mahusay na option ay isang simpleng checking account o money market account na mayroong debit card o pribilehiyo sa tseke. Sa ganoong paraan, mababayaran mo ang doctor o mekaniko ng mabilis at walang sakit sa ulo.

Ngunit siguraduhing hindi mo inilalagay ang iyong emergency fund sa lugar na hindi masyadong madaling kuhanin. Hindi mo gugustuhing matukso ka at gamitin ito sa mga bagay na hindi pang emergency!

When should I use my emergency fund?

Kapag may biglaang gastos na lumabas, pakiramdam mo ay isa itong emergency, ngunit maaaring hindi ito totoo. Narito ang tatlong katanungan na kailangan mong itanong sa sarili mo upang malaman kung kailangan mong kumuha sa iyong emergency savings:

  1. Is it unexpected?

  2. Is it necessary?

  3. Is it urgent?

Kung mas maraming Oo sa sagot mo, maaaring ang sitwasyong iyon ay isang lihitimong emergency at makatwirang gumamit ka ng pera sa iyong emergency fund.

How to Build an Emergency Fund

1. Make a budget and live by it.

Ilista ang lahat ng iyong buwanang kita at anumang gastusin. Kapag gumagawa ka ng budget, makikita mo kung magkano ang perang magagamit mo patungo sa iyong mga layunin sa pagtitipid. Makakatulong ito sa iyong paghahanda patungo sa susunod na hakbang.

2. Set a monthly savings goal.

Ito ang halagang gusto mong itabi kada buwan upang patuloy na buuin ang iyong emergency fund. Alam nating mahirap kumuha ng pera sa iyong sweldo at ipunin para sa iyong kinabukasan. Ngunit magugulat ka kung gaano kabilis lumago ang iyong ipon kung tuluy-tuloy kang nagdadagdag dito! Kung hindi mo alam kung magkano ang tamang halaga, bumalik ka sa step 1 at pag-aralan ng husto ang iyong budget.

3. Adjust how much you save.

Habang lumilipas ang panahon, maaari kang mag-ipon ng mas malaki! Kapag ikaw o iyong asawa ay nakakuha ng promosyon sa trabaho, ang ibig sabihin nito ay makakapag dagdag ka ng pera sa iyong ipon! Siguraduhing palaging tingnan ang iyong budget para sa mga bagong paraan ng pagtitipid at makapagdagdag ng pera sa iyong ipon.

Quick Ways to Save ₱50,000

Isa sa pinakamadaling paraan upang palaguin ang iyong emergency fund ay magbenta ng mga bagay! Tumingin sa iyong garahe, imbakan, o damitan na pwede mong ibenta. Ang pagbenta ng mga bagay na nag-iipon lamang ng alikabok ay makakadagdag ng malaking halaga sa iyong emergency savings. Lahat ng maliliit na bagay ay makakatulong! Magugulat ka na lamang kung gaano makadagdag ang ₱250 o ₱500. Nakakagawa ka ng paglilinis kasabay nito.

At huwag mong kalimutan ang trabaho. Kumuha ng part-time job. Magsimula ng side business. Ang mga maliliit na bagay ang talagang makakatulong sa iyong makapagdagdag ng extrang pera ng mabilis!

Ano pa ang paraan upang makakuha ng extrang pera? Subukan ang 14-Day Money Finder Challenge! Maaari kang magulat kung magkano ang perang maaari mong makuha sa simpleng pagtingin lamang sa iyong pamumuhay. Ang pangkaraniwang tao ay maaaring makahanap ng ₱50,000 sa isang taon, kaya’t subukan mo ang challenge na ito at tingnan kung magkano ang perang maaari mong makita!

Start Your Emergency Fund Today!

Pumikit at mangarap sandali, ano ang magiging pakiramdan mo sa sandaling wala kang utang at mayroon kang anim na buwan na ipon sa banko bilang emergency fund? Seryoso, tumigil ka sandali at imagine, paano ang magiging hitsura ng buhay mo, maaaring mas makakahinga ka ng maluwag kapag may safety net kang nakalaan hindi ba? Ang emergency fund ay parang insurance – maglalabas ka ng pera sa una, ngunit mapoprotektahan ka sa sandaling may hindi magandang mangyari.

Ngaung nasa isip mo na ito, sumulan mo ng ilagay ang iyong emergency fund sa tamang lugar! Magkaroon ka ng budget, bayaran ang iyong mga utang, at magsimulang mag-ipon. Magugulat ka na lamang kung gaano kabilis mong mabubuo ang iyong emergency fund kapag wala ka ng binabayarang utang! Ngunit ang pinakamagandang parte, makakaramdam ka ng mahusay na seguridad pagkatapos mo ng Baby Step 3.

Sa katunayan, kapag tumulo ulan sa bubong o nasira ang washer, huwag kang mabibigla sa sandaling maisip mo na, "Eh, what's the big emergency anyway?" Iyon ang peace of mind na nanggagaling sa pagbuo ng iyong kumpletong emergency fund! Ito ang magbabago sa isang malaking emergency na maging isang maliit na abala lamang.

Kung gusto mong maka-ipon ng pera ng mabilis, kailangan mo ng plano. Oras na na magkaroon ka nito, hindi ba?

Get step by step guidance with our course, Financial Peace University. This is the proven plan that has helped over 5 million people take control of their money and spending habits. Are you next?

About Rachel Cruze

Rachel Cruze is a seasoned communicator and #1 New York Times best-selling author, helping people learn the proper way to handle money and stay out of debt. You can follow Rachel on YouTube, Facebook or rachelcruze.com.

RECENT POST
bottom of page