What Is Passive Income and How Do I Build It?

Kung ikaw ay isang taong iniisip ang hinaharap, maaaring madalas mong pangarapin ang tungkol sa paglisan sa workforce para ma-enjoy ang mas madaling buhay sa pagreretiro o maaari mo ring isinaalang-alang ang pagreretiro nang maaga. Ngunit ang isang pangarap na walang plano ay isa lamang nais o “wish.”
Upang lagyan ng gulong ang iyong pangarap, kailangan mong isaalang-alang ang pagkakaroon ng passive income. Maraming iba’t ibang passive income options at mga explanations kung paano ito bubuuin. Kung bago ka pa lamang sa ideyang ito, susubukan naming ipaliwanag ito para sa iyo.
What Is Passive Income?
Ang passive income ay perang iyong kinikita sa paraang nangangailangan ng maliit o halos walang pagsisikap. Ang ilang mga ideya sa passive income – tulad ng property rentals o pagbuo ng blog – ay mangangailangan ng marami-raming trabaho upang buuin at patakbuhin, ngunit maaari kang kumita sa mga ito kahit natutulog ka.
Why Build Passive Income?
Ang iyong income ay ang pinakamahusay mong kasangkapan sa pagbuo ng yaman. Isang kasangkapang mangangailangan ng iyong aktibong partisipasyon sa katauhan ng iyong full-time na trabaho. Alam mo naman kung ano ang ibig kong sabihin! Kahit mahal mo ang trabaho mo, sigurado akong gugustuhin mo pa ring kumita ng extrang income na walang karagdagang dugo, pawis, luha, at oras na kasama ang isa pang trabaho. Sa katunayan, maraming mga benepisyo ang makukuha mo sa pagbuo ng passive income gaya ng:
Nakakadagdag sa iyong plano na bumuo ng yaman
Lumilikha ng oportunidad na makapag retiro ng maaga
Pinoprotektahan ka mula sa pagkawala ng kita sa oras na mawalan ka ng trabaho
Nagbibigay ng karagdagang pinagkukunan ng kita kapag hindi mo na kayang magtrabaho o kung naubusan ka na ng iyong retirement fund
How Much Money Can I Make?
Sa pangkalahatan, ang passive income ay hindi magpapayaman sa iyo sa isang gabi lamang, kaya’t kalimutan mo na ang anumang get-rich-quick schemes na madalas mong marinig. Sa halip ang steady, profitable passive income options ang makakabuo ng maraming pera sa mahabang panahon. Ang sinasabi namin ay mula sa ilang libong piso hanggang daang libong piso – depende sa daloy ng kita.
How to Build Passive Income
Ang passive income ay maaaring buuin sa maraming paraan, ngunit tingnan muna natin kung ano talaga ito at kung anong mga income streams ang maaaring magamit.
Investing
Kapag nababanggit ang “passive income,” may ilang mga tao ang nag-iisip ng investing dahil kaya nitong bumuo ng pinaka malaking resulta na maliit lamang ang kakailanganing effort. Ngunit ang iyong retirement plan at passive income ay dapat isiping dalawang magkaibang bagay.
Ang buong idea sa likod ng long-term investing ay makabuo ng kita para sa retirement. Gusto mong siguraduhin na nakakapaginvest ka sa iyong retirement plan, gaya sa mga Mutual funds. Karagdagan pa dito pwede ka ring pumasok sa mga tax-favored plans gaya ng PERA o Personal Equity and Retirement Account.
Ito ay napakahusay na option para sa pagbuo ng solidong retirement plan, ngunit magkakaroon ka ng taxes at penalties sa anumang withdrawal kapag hindi mo natapos ang holding period o abutin ang certain age. Sa retirement planning, gugustuhin mong palaguin ang iyong pera sa matagal at tamang panahon at hindi ito kukunin!
Sa kabilang banda, gusto nating isiping ang passive income ay isang uri ng low-effort income na pwede nating kuhanan kahit anong oras. Tingnan natin ang ilang mga options para dito:
Real Estate
Isang mahusay na paraan upang makabuo ng passive income pagkatapos mong maging debt-free at makapagtabi ng pera ay pagbili ng real estate at parentahan ito.
Bago ka bumili ng rental property, unahin mong bayaran ang sarili mong bahay at lupa at bilhin ang iyong investment property ng cash. Huwag kang mangungutang para lamang makabili ng rental property! Ang huling bagay na kailangan mong gawin ay magkagastos sa pagmamay-ari ng isa pang bahay o commercial building sa ibabaw ng isang monthly mortgage payment! Cash only. Period.
Iminumungkahi rin naming bumili ng malapit lamang sa iyo upang personal mo itong mababantayan. Humanap ng isang real estate agent na alam ang iyong lugar ng mabuti upang makabili ka ng property sa isang lokasyon na makaka-akit sa mga uupa.
Ang rental property ay maaaring maging mahusay na pinagkukunan ng dagdag na kita, ngunit hindi ito ang pinaka passive na pagpipilian dahil maglalaan ka ng maraming oras at effort sa pamamahala ng property, maliban nalang kung kukuha ka ng isang property management company.
Kung property rental and rutang tatahakin mo, kailangang ikaw ang may control sa iyong ari-arian. Hindi namin inirerekomenda ang real estate investment options gaya ng real estate investment trust (REIT) na pinagsasamasama ang iyong pera sa mga properties sa ilalim ng control nito habang ibang tao ang gumagawa ng desisyon para sa property mo para sa iyo.
Other Passive Income Ideas
Sell Digital Ad Space
Kung mayroon kang matalinong idea na aapila sa particular na audience, maaari kang lumikha ng isang bagay tulad ng educational blog o isang YouTube tutorial series na makakabuo ng mahusay na online traffic. Kung ang iyong nilalaman ay nakakaengganyo at maayos ang araw-araw na traffic, pwede kang magbenta ng ad space sa iyong blog o ad sports sa iyong channel. Pagkatapos mong gawin ang mahihirap na bagay, pwede ka nang umupo, magrelax, at mag enjoy sa daloy ng passive income.
Sell Digital Products
Kung natuklasan mo kung paano lumikha ng content na naglalabas ng sapat na traffic upang i-host ang mga ads, maaari kang gumawa ng produkto na bibilhin ng iyong audience. Ito ay maaaring maging anumang bagay mula sa simpleng e-book hanggang sa isang complex na app na kayang bumuo ng kita sa maraming taon pagkatapos mo itong ilabas.
Store People’s Stuff
Maraming kagamitan ang mga tao, at palagi silang naghahanap ng murang paraan upang i-imbak ang mga ito. Di ba’t madaling paraan na bayaran ka nila upang i-imbak mo ang kanilang mga kagamitan? Ang pagbuo ng passive income sa pamamagitan ng pag-aalok ng storage ay maaaring mangailangan ng malakihang investment na pagbili ng isang storage facility (gamit ang cash!) o isang bagay na mas simple gaya ng pag-alok ng iyong basement o shed. Kailangan mo lamang tiyakin na ang kanilang mga gamit ay maayos at ligtas.
Rent Out Useful Items
Mayroon ka bang mga kagamitan na hindi mo na ginagamit palagi na gustong hiramin ng ibang tao? Ang mga kapaki-pakinabang na bagay tulad ng truck, trailer, trampoline, kayak, o kahit ang sarili mong bakuran ay maaaring kumita para sa iyo ng passive income bilang mga rental items. Kasama rin dito ang pagpapaupa ng extrang kuwarto sa iyong bahay sa tulong ng mga websites gaya ng Airbnb. Pumunta sa iyong paboritong social media site, i-upload ang litrato ng iyong mga items, mag-set ng presyo, at sabihin sa lahat na naka-ready na sila for rent.
Passive Income Tips
Ang listahan ng passive income ideas ay napakarami. Habang naghahanap ka ng pinakamahusay para sa iyo, pagmasdan ang mga idea na nagpapakita ng long-term track record. Kumikita ba ang ibang tao sa ideyang ito? May nalulugi ba sa ideyang ito? Marami ang nagtatanong sa passive income options gaya ng inumin, vending, o iba pang rental machines sa mga pampublikong lugar. Ang bottom line dito? Huwag mahuhulog sa anumang passive income ideas na nangangako ng quick return o nangangailangan ng napakalaking pera upfront. Isasabutahe nila ang iyong financial goals. Humanap ng mga idea na matatag, kapaki-pakinabang, at mapagkakatiwalaan. Gawin ang iyong pagsasaliksik. At huwag kailanman pumasok sa utang!
"Don’t fall for any passive income ideas that promise a quick return or require huge amounts of money upfront." — Chris Hogan
Build Wealth That Lasts
Alinman sa mga ideyang nabanggit ang nagustuhan mo upang bumuo ng passive income at kailangan mo ng mas malinaw na larawan kung paano ang iba’t-ibang income streams na ito ay mapagkakasya sa iyong pangkalahatang wealth-building strategy. Importanteng makipagtulungan ka sa isang mahusay ng financial professional upang makabuo ng isang game plan upang makapagsimula kang bumuo ng yaman na tumatagal. Ang isang mahusay na financial professional ay titingnan lahat ang iyong income streams at tutulungan kang bumuo ng isang financial plan na nakakatugon sa iyong individual na pangangailangan.
US based? Find a SmartVestor Pro today!