top of page

How Do I Save for Retirement, College, and Pay Off the Mortgage at the Same Time?


Father and Child

Congratulations! Nakumpleto mo na ang iyong emergency fund na mayroong three to six months’ worth of expenses. Ngayon ay handa ka ng mag-invest para sa retirement. Panahon na para gawin ang mga susunod na hakbang sa pagbubuo ng yaman at pagkamit ng iyong pinansyal na pangarap. Dito magsisimulang maging masaya ang pag-iipon para sa future mo!

Ang isa sa pinaka-karaniwang tanong na naririnig namin ay, “Paano ako makakaipon para sa retirement, sa kolehiyo at tapusing bayarang maaga ang mortgage ng sabay sabay?”

Alam naming maraming bayarin ito, at madaling makalula at makalito ito para sa iyo. Kung susubukan mong harapin ito ng sabay sabay, maaaring mahirapan kang umusad ng maayos.

Ngunit may pag-asa!

Put One Foot in Front of the Other

Upang makaahon sa utang patungo sa buhay ng pag-iipon at pagbibigay, hinihikayat namin ang mga taong sundan ang Baby Steps. Sinunod na namin ang diskarteng ito, at sa palagay namin ito ang pinakamahusay na paraan upang makabuo rin ng yaman.

Narito ang mga unang hakbang:

  • Baby Step 1: Save $1,000 cash in a beginner emergency fund.

  • Baby Step 2: Use the debt snowball to pay off all your debt except the house.

  • Baby Step 3: Build a fully funded emergency fund with three to six months of expenses.

Kapag tinatrabaho mo ang unang tatlong hakbang, gawin mo lang ito ng sunud-sunod. Gayunpaman, ang mga tao ay kadalasang may mga katanungan tungkol sa Baby Steps 4 hanggang 6. Narito ang mabilis na definition ng mga ito:

  • Baby Step 4: Invest 15% of your household income for retirement.

  • Baby Step 5: Start saving for your kids’ college.

  • Baby Step 6: Pay off your home early.

Ngayon, dito ang lugar kung saan medyo nalilito ang iba. Hindi alam ng mga tao kung dapat bang gawin ang mga hakbang na ito ng sunud-sunod, alin ba ang pinakaimportante, o ano ang kailangang gawin kung sakaling nahuhuli na sila sa pag-iipon para sa retirement. Sasagutin namin ang tanong na ito para sa iyo.

Why You Should Invest 15%

Kadalasang itinatanong kung bakit hinihikayat naming magtabi ng 15% ng kita kada buwan. Bakit hindi 6% or 8%. May mga kadahilanan para dito.

  • Industry standard. Karamihan ng mga financial advisors ay nagsasabing kapag nag-invest ka ng 15% ngayon, magkakaroon ka ng sapat na ipon para mag-enjoy ka sa pagreretiro. Ngayon, hayaan mong idagdag ko ito: Kung ikaw ay nahuhuli na sa iyong retirement planning, ang 15% na iyan ay hindi magiging sapat. Ito ay isang magandang lugar upang makapagsimula ka kung may binabayaran ka pang bahay, ngunit pagkatapos mo ng bayaran lahat ng iyong mortgage payment, ilagay mo ang lahat ng kaya mo patungo sa iyong retirement fund.

  • College and Mortgage. Kung ikaw ay nag-iinvest ng 15% ng iyong kita, pwede ka pa ring makapaglagay para sa Baby Step 5 (saving for your kid’s college) at Baby Step 6 (paying your home early). Oo, maaari ka pang makapag-invest ng mas malaki sa 15% at gagawin mo ito later on, ngunit hanggang hindi mo pa natatapos ang Baby Step 5 at 6, manatili ka lang muna sa 15%.

Ang susunod na logical na tanong ay ano ang gagawin mo kung hindi mo kayang magtabi ng 15% dahil mababa ang antas ng iyong kinikita. Ang sagot: Magtrabaho ka patungo dito. Ito ay nangangahulugang magtipid sa mga bagay na kakayanin mo (iwas na sa kain sa labas, panonood ng sine, at bisyo) at pagtataas ng iyong investing percentage sa oras na makakuha ng karagdagang kita o bonus. Sa sandaling nasa 15% ka na, maaari ka ng maglagay ng pera patungo sa pagbabayad para sa kolehiyo ng mga bata o pagbabayad ng maaga sa mortgage.

Why You Should Put Investing Before the Kids

Maraming mga magulang ang tutol sa paglalagay ng 15% para sa kanilang retirement dahil ang naiiwan nalang sa kanila ay maliit o wala para ilagay para sa kolehiyo ng mga bata. Naiintindihan namin ang bagay na ito. Lahat naman ng magulang ay gustong magprovide ng husto para sa kanilang mga anak. Gusto nating lahat na magsimula sila sa matatag na pundasyon.

Ngunit narito ang isang bagay tungkol diyan: Walang garantiya na makakapag kolehiyo ang iyong anak. At ang masakit pa dyan, wala ring kasiguruhang makakatapos ang iyong anak sa kolehiyo. Ngayon sa ibang banda, sigurado (100%) ang pagkakataon na ikaw ay magreretire. Mangyayari ito. Darating ang punto na ang katawan mo ay mapapagod at kailangang magpahinga. Kung wala kang retirement savings, ano ang magiging fallback mo? Social Security? Kulang na kulang pa iyan para sa pang-araw araw mo. Hindi magandang plano iyan.

Ang mga bata ay maaaring mag-apply para sa scholarship programs. Maaari silang magtrabaho para makatapos sa kolehiyo. Pero walang malaking scholarship fund kahit saan na pwedeng tumugon para sa retirement needs mo.

College Fund vs. Mortgage Payoff

Nag-iinvest ka ng 15% ng iyong kita at mayroon ka pang natitirang pera sa iyong budget. Dapat mo ba itong ilagay sa college fund o idagdag sa iyong mortgage payment? Ang sagot dyan ay Oo. Teka pakinggan mo muna ako. Wala namang golden rule kung paano mo iaaproach ang Baby Steps 5 at 6. Ang sitwasyon ng bawat tao ay magkaka-iba, kaya’t magdedepende ang sagot sa kanya kanyang sitwasyon.

Kung nakakapaglagay ka na ng pera para sa iyong anak simula pa ng ipinanganak sila, pwede mo ng itigil muna ito at ipangdagdag sa iyong mortgage. Subalit kung limang taon na lamang at magreretire ka na at may 10 taon pa na natitira sa iyong mortgage, madaliin mo na ang pagbabayad sa iyong mortgage. Hindi mo nanaising pumasok sa retirement na mayroong kahit na anu pa mang utang. Walang mortgage payment, walang car loan, walang utang.

Kung gusto mo ng mas concrete na sagot, kausapin mo ang iyong financial advisor. Malalaman nila ang detalye ng iyong sitwasyon at mabibigyan ka ng ilang numero at cost analysis para mas makatulong sa iyo.

Why Not Tackle the Mortgage First?

Naiintindihan ko ang iyong kagustuhang makatapos sa bigat ng pagbabayad ng mortgage. Ang pagiging debt-free ay napaka liberating! Makakamit mo iyan, pangako ko sa iyo. Ngunit kung uunahin mo ang investing, binibigyan mo ang oras at compounding interest ng oportunidad na gawin lahat ang trabaho para sa iyo. Hindi lamang iyon, mas malaki ang kikitain mong interes sa isang investment kumpara sa pag-iipon kung babayaran mo ng maaga ang iyong bahay. Tingnan natin ang numero nito.

Halimbawa, meron kang ₱5,000,000 15-year fixed-rate na mortgage na may interest rate na 4%. Ikaw ay magkakaroon ng buwanang mortgage payment na nasa ₱37,000. Sa loob ng 15 years, magbabayad ka ng halos ₱1,650,000 sa interest. Kung magbabayad ka ng extrang ₱15,000 kada buwan, makakatipid ka ng ₱615,000 sa interes. Hindi na masama diba?

Ngunit paano kung ilalagay mo ang ₱15,000 na iyon sa retirement fund? Makalipas ang 15 taon, maaari kang magkaroon ng ₱6,250,000, assuming na 10% ang naging rate of return sa investment mo. Ngayon, dito magsisimula ang isang masayang bagay. Kung hahayaan mo ang perang iyon sa isang investment account ng isa pang 10 taon, maaari kang magkaroon ng halos ₱16,300,000. Mahusay magpalago ang compounding interest lalo na kung bibigyan mo ito ng maraming oras na magtrabaho para sa iyo.

Magagawa mo bang bayaran ang iyong bahay ng mas maaga? Oo naman. Sa panahong nasa tugatog ka ng iyong career, mas malaki ang kikitain mo. Pagkatapos mong mag-invest ng 15% kada buwan, mayroon ka dapat na perang matitira upang ilagay patungo sa extra mortgage payments.

Ilarawan mo ang iyong sarili na nanonood ng basketball game. Mayroong offense at defense, isang sumusugod at isang nakaguwardya. Kapareho rin ito ng iyong financial situation. Naglalagay ka ng pera para sa future (playing offense), ngunit gumagawa ka rin ng buwanang budget at binabantayan ang mga maling desisyon (playing defense). Kung pinapanatili mo ang isang matatag na balance ng dalawang mind-set na ito habang inilalagay mo ang iyong kita patungo sa investing, saving for college, at pagbabayad ng maaga ng iyong mortgage, madali kang mananalo sa pera.

RECENT POST
bottom of page