How Do I Achieve Financial Freedom?
Alam nating lahat ang pakiramdam, ang pangamba na nadarama mo kapag nakita mo ang bill sa isang biglaang pagpapa-ayos ng sasakyan. “Paano natin ito mababayaran?” Ngunit paano kung ang pagpapa-ayos na iyon ay isa lamang abala? Sa halip na mag-alala ka, binayaran mo lang ang bill ng hindi na kailangang isipin pa. Pagkatapos ng isang linggo ay parang walang nangyari! Ganoong kaliit ang naging epekto nito sa iyong financial situation. Hindi ito naging emergency, bagkus ito ay parang panandaliang aberya sa buhay mo!
Nararamdaman mo ba ang gaan ng pakiramdam? Iyan ang pakiramdam ng pagkakaroon ng financial freedom.
Ang pagbabayad sa nasirang sasakyan ng walang stress ay maliit na bahagi lamang nito. Ito ay mahigit pa sa pagkakaroon ng abilidad na mabayaran ang mga emergency. Ito ay pakiramdam na hindi mo na kailangang mag-alala tungkol sa retirement dahil na-iayos mo at ng iyong financial advisor ang mahusay na pag-invest sa nakalipas na dekada. Ito ay ang kalayaang umalis sa iyong trabaho upang gawin ang iyong gusto, kahit ibig sabihin nito ay mas maliit ang magiging kita mo.
Ang financial freedom ay nangangahulugan na makakagawa ka ng mga desisyon sa buhay ng hindi ka nasosobrahan sa stress tungkol sa financial impact dahil ikaw ay nakahanda. Ikaw ang kumokontrol sa iyong finances sa halip na ikaw ang kinokontrol nito.
Ang daan sa financial independence ay hindi isang get-rich-quick strategy. At ang financial freedom ay hindi nangangahulugan na malaya ka na sa responsibilidad ng paghawak ng iyong pera ng maayos. Kabaligtaran ito. Ang pagkakaroon ng control sa iyong finances ay ang bunga ng iyong pagsusumikap, sakripisyo at oras. At lahat ng pagsisikap na iyon ay may katumbas na halaga!
Handa ka na bang malaman kung paano bumuo ng isang buhay na financially independent para sa iyo at sa iyong pamilya? Simulan sa pamamagitan ng pagtukoy kung ano nga ba ang itsura ng financial independence para sa iyo.
What Does Financial Freedom Mean to You?
Ang Financial freedom ay kailangang maging personal. Mangarap ka ng malaki at maging specific tungkol sa iyong layunin.
Ano nga ba ang itsura ng financial independence para sa iyo? Maaaring ganito ang maging itsura nito:
Kalayaang pumili ng career na mahal mo ng hindi inaalala ang kita
Kalayaang kumuha ng international trip kada taon na walang stress sa iyong budget
Kalayaang magbayad ng cash para sa bagong sasakyan
Kalayaang tumugon sa mga pangangailangan ng iba ng bukas-palad
Kalayaang makapag retiro ng buong dekada ng maaga
Kapag ikaw ay financially independent, marami kang options. Hindi mo na kailangang isipin kung ang iyong bank account ay kakayaning palitan ang iyong water heater o bumili ng grocery para sa isang single mom na nawalan ng trabaho.
"When you are financially independent, you have options. You don’t have to wonder if your bank account can handle replacing your hot water heater or buying groceries for a single mom who just lost her job." —Chris Hogan
Marahil masyadong masarap itong pakinggan, ngunit kaya mo ito! Narito ang paraan upang makapagsimula ka sa iyong landas patungo sa financial freedom!
Step #1: Learn How to Manage Money
Hindi ka makakausad kung wala kang plano para sa pera mo. Sa halip, makikita mo ang sarili mo na nagtataka kung saan napupunta ang pera mo tuwing katapusan ng buwan! Hindi iyan financial independence, iyan ay recipe para sa financial disaster. Kung ikaw ay kasal, magkasundo kasama ang iyong asawa tungkol sa pagba-budget. Kung ikaw ay single, humanap ng accountability partner.
Ang pagbuo ng yaman ay magiging imposible kung ikaw ay nabubuhay sa bawat sahod lamang. Bigyan ang bawat piso ng pangalan o kategorya bago magsimula ang buwan, at sundan ang iyong paggastos sa buong buwan na iyon. Kung tuluy-tuloy ang pag-overspend or underspend mo sa ibang bagay, madali mong mai-aadjust ang halaga ng bawat kategorya.
"Building wealth is impossible if you’re living paycheck to paycheck. Give every dollar a name before the month begins and track your spending throughout the month." —Chris Hogan
Ang budgeting ay importante upang ilagay ang iyong finances sa tamang daan, ngunit hindi ito nagtatapos doon. Sa oras na makamit mo na ang financial freedom, kailangan mo pa ring kumpletuhin ang iyong budget kada buwan. Kahit gaano na karami ang pera mo, kailangan mo pa rin ng plano.
Hindi ka magiging financially independent ng hindi inaasahan. Ang pagba-budget ang unang hakbang sa pagbuo ng yaman ng sadya.
Step #2: Clean Up Your Finances
Sa sandaling matuto kang mag manage ng pera, maaari mong mapagtanto na nakagawa ka ng mga pagkakamali sa iyong nakaraan. Ayos lang iyan! Ngunit kung gusto mong maging financially independent, kailangan mong linisin ang ginawa mong gulo bago ka makapagsimula sa pagyaman.
Ibig sabihin nito ay kung mayroon kang mga utang gaya ng sa mga credit cards, student loans, car loans o personal loans, oras na para maging seryoso kang alisin at sipain ang mga ito palabas ng pinto.
Bakit? Dahil hanggang may utang kang pera, ang iyong sweldo ay nakapangalan sa iba. Kung gusto mong maabot ang iyong mga layunin, kakailanganin mo ang kabuuan ng iyong kita sa iyong kontrol, hindi pira-pirasong bahagi na natitira pagkatapos mong magbayad ng credit card bills at student o personal loans.
Ang pagbabayad ng utang ay makakatulong sa paglatag ng foundation na makakabuo ng yaman na tumatagal. Siguraduhin mo lang na mayroon kang $1,000 na ipon bago ka magsimulang magbayad ng iyong mga utang. Hindi mo gugustuhing may biglang dumating na hindi inaasahang gastos na makakaapekto sa iyon progreso!
Karamihan sa mga tao ay nakakaramdam na tila nabigyan sila ng dagdag na kita sa oras na magsimula silang mga-budget, kaya magandang balita ito para sa iyo. Ilagay mo lahat ang extrang pera na iyan sa pinaka maliit mong utang hanggang mabayaran mo ito. Pagkatapos ay ituluy-tuloy mo ang debt snowball!
Mahirap na trabaho ang pagbabayad ng utang, ngunit napakaganda ng pakiramdam ng nakukuha mo na ng buo ang iyong kita kada buwan kapag wala ka ng utang!
Sa sandaling ikaw ay debt-free na, manatili ka na dito. Ang pagkakaroon ng utang ay nagpapahina sa iyong kakayahan na bumuo ng yaman at inilalagay ang iyong financial plan sa panganib. Simple lang naman. Umiwas ka na sa utang!
Step #3: Be Smart About Your Career Choice
Ang pinaka mabisa mong kasangkapan sa pagbuo ng yaman ay ang iyong kita. Kaya’t pagdating sa pagpili ng career, maraming bagay ang nakataya. Walang dahilan upang manatili ka sa isang trabahong walang patutunguhan, lalung-lalo na kung ginagawa ka nitong miserable. Ang paghahanap ng trabaho na enjoyable at kayang suportahan ang iyong layunin patungong financial security ay makakatulong sa iyong tamasahin ang paglalakbay sa tagumpay.
Ano ba ang dapat mong tingnan? Narito ang ilang bagay na dapat mong isa-isip.
Saan mo ba gustong malagay sa loob ng 10 taon? Magsimula sa pangwakas na layunin sa iyong isipan. Ang trabaho bang ito ay may katuturan para sa iyong pngkalahatang layunin?
Mayroon ba itong potential pagdating sa kita? Kahit hindi mo pa naaabot ang iyong pinapangarap na sweldo sa simula, siguraduhin mong mayroong oportunidad ang iyong sweldo na lumago kasabay ng iyong halaga sa trabaho.
Maaari ka bang mag-grow? Mayroon bang mga oportunidad para sa iyo para umangat at lumago personally at professionally?
Nag-eenjoy ka ba sa trabaho? Huwag kang umubos ng panahon sa career na hindi mo gusto. Humanap ka ng isang bagay na passionate ka, at magagamit mo ang iyong talento at kasanayan.
Ang mga benepisyo ba ay kayang suportahan ang iyong mga layunin para sa financial freedom? Ang iyong mga options para sa retirement, savings at health insurance ay malaki ang magiging epekto sa iyong abilidad sa pagbuo ng yaman.
Ang pagpili mo ng career ay maaaring magkaroon ng malaking epekto sa iyong long-term financial plan, kaya’t seryosohin mo ito!
Step #4: Create a Strategy for Short-Term Savings
Isipin mo nalang kung kinailangan mong kunin ang iyong pera sa investment mo dahil kailangan mong palitan ang bubong ng iyong bahay na nasira ng bagyo. Paano na lang kung mayroon kang credit card na gagamitin mong pambayad sa iyong groceries sa panahong nawalan ka ng trabaho? Paano ka makakausad kung palagi kang nanghihiram ng pera galing sa future fund mo? Hindi di ba?
Kung ang iyong layunin ay financial freedom, kailangan mo ng buffer para sa mga hindi inaasahang pangyayari sa buhay na dumarating sa ating lahat, gaya ng car repairs, sirang appliances at bayarin sa kalusugan. Kaya kailangan mong dagdagan ang iyong emergency fund na kayang punan ang tatlo hanggang anim na buwan ng iyong gastusin sa oras na wala ka ng mga utang.
Ang pagkakaroon ng pera na pantugon sa mga hindi inaasahang pangyayari ay magbibigay sa iyo ng kapayapaan ng isipan at magiging kritikal na parte ng iyong pangkalahatang financial plan. Sa sandaling mayroon ka ng kumpletong pondo sa iyong savings account, magsisimula mo nang maramdaman na mas flexible ang iyong budget. Kapag meron ka nito at isang mahusay na plano para sa malalaking gastusin, magkakaroon ka ng financial foundation upang makapagsimula sa investing.
Step #5: Learn About Your Investment Options
Ngayong may plano ka na para sa short-term savings, handa ka na para makipag partner sa isang financial advisor na makakatulong sa iyo na masulit ang iyong mga pagpipilian sa long-term investment options mo. Ang magandang balita ay kung mas maaga kang makakapag simulang mag-invest, mas mahaba ang panahong mayroon ang pera mo para lumago. Iyan ang power of compound interest at work. Narito kung paano ka makakapag simula:
Retirement Savings
Magsimula sa pag-aaral kasama ang iyong financial advisor upang samantalahin ang mga tax-favored retirement accounts na available para sa iyo gaya ng (401k o 403b kung ikaw ay nasa US), kung sa pilipinas naman, maaari kang magsimula sa mga mutual funds. Magkano ba ang dapat mong ilagay para sa iyong retirement? Itarget ang 15% ng iyong kita.
Maaari ka ring maglagay sa Personal Equity Retirement Account (PERA) na sya namang katumbas ng Roth IRA sa US. Ang perang ilalagay mo dito ay lumalago tax-free. Ang ibig sabihin, hindi mo na kailangang magbayad ng buwis kapag kinailangan mong magwithdraw ng pera pagsapit ng iyong retirement. Ito ay isang malaking benepisyo na hindi mo dapat palampasin.
College Savings
Kagaya ng pagreretiro, maaari ka ring maglagay ng ipon para sa college fund ng iyong mga anak sa traditional na mutual fund o sa PERA. (Sa US pwede kang maglagay sa isang Education Savings Account (ESA), o sa isang 529 plan), depende sa pangangailangan mo.
Ang kagandahan ng pag-iipon para sa kolehiyo ng iyong mga anak, ay makakaiwas ka sa mga utang sa hinaharap na pangangailangan nila, at maaga mo silang inilalagay patungong financial freedom!
Real Estate Investments
Ang iyong tahanan ay dapat na parte ng iyong plano para sa financial freedom, hindi isang bagay na pumipigil sa iyo para maachieve iyon. Kaya’t napaka importanteng gumawa ng wais na desisyon sa uri ng pagbili ng bahay at kung paano mo ito babayaran. Kapag bumili ka ng bahay na magandang investment, ito ay patuloy na lalago sa value sa pagdaan ng mga taon.
Sa sandaling nag-iinvest ka na ng 15% ng iyong kita sa retirement accounts, dapat mo ng gamitin ang anumang extrang pera na dumarating bilang pambayad sa iyong bahay. Bilisan mo ang pagbabayad dito! Ang pagtatapos sa pagbabayad ng iyong mortgage ay isang malaking milestone sa iyong journey to financial independence.
Huwag mo nang balaking kumuha ng mga rental properties hanggang hindi pa bayad ang sarili mong bahay. At kahit makatapos ka man, dapat ka lang mag-invest sa rental properties kung kaya mo itong bayaran ng cash at handa kang harapin ang anumang problema na kasangkot sa proseso ng paupahan.
Taxable Investments
Kapag bayad na ang iyong bahay, pwede ka ng mag contribute ng higit pa sa 15% ng iyong kita sa investments. Ngunit bago ka tumalon sa mga taxable investments, siguraduhin mo munang sinamantala mo lahat ng tax-favored accounts na pwede mong paglagyan.
Sa sandaling handa ka ng pumasok sa mga taxable accounts, manatili lamang sa simpleng investing approach at makipagtulungan sa iyong financial advisor para makapili ng maayos na funds na may long history ng above-average na performance.
Kapag nag-invest ka sa labas ng mga tax-favored retirement accounts, magbabayad ka ng buwis sa perang iinvest mo. Ngunit ang pagpili sa mga funds na may mababang turnover rate ay makakatulong sa iyo para iminimize ang epekto sa tax. Ang isang halimbawa dito ay mga Unit Investment Trust Funds.
Step #6: Be Active in Your Journey to Financial Independence
Ang paggawa ng tamang investment decision ay ang unang hakbang, ngunit ang pagsubaybay sa iyong fund performance ay napakahalaga upang masulit ang iyong investments. Ang paglalagay sa iyong investment sa auto-pilot ay hindi magandang investment strategy.
Ngunit ang idea ng aktibong paggawa ng mga desisyon tungkol sa iyong mga investments ay maaaring maging overwhelming. Kung ganito ang pakiramdam mo, hindi ka nag-iisa. Ayon sa pag-aaral ng Fidelity sa kanilang NetBenefit participants, 77% ng nagsisimula at nagsasariling investors ay walang panahon, oras o investment knowledge na maging confident sa kanilang investment decisions.
Naghirap ka sa pagtatrabaho para ilatag ang tamang foundation, kaya huwag mong iwan ang mahalagang hakbang na ito sa isang pagkakataon! Kailangan mo ang expertise ng isang financial advisor upang tulungan kang mag-navigate sa iyong investment options at matapang na suungin ang ups and downs ng stock market.
Ang isang financial advisor ay makakatulong sa iyong:
Gumawa ng mga desisyon tungkol sa iyong investment strategy
Regular na ibalanse ang iyong funds upang iminimize ang risk
Gumawa ng realistic na plano para sa kung ano ang hitsura ng financial independence para sa iyo
Alamin kung anong mga investment options ang pwede mong pagpilian sa labas ng iyong retirement accounts
Mag-set up ng isang withdrawal plan para sa iyong particular na sitwasyon
Remember, the journey to financial independence is a marathon, not a sprint. An expert financial adviser is perfect for this journey.
Reaching Financial Freedom
Ang financial freedom ay higit pa sa pagsasa-ayos ng mga hindi inaasahang emergencies ng mabilis. Ang tunay na saya ay sa sandaling ma-realize mo na kayang-kaya mong matugunan ang mga pangangailangan ng iba. Isipin mo na lang kung kaya mong pagpalain o tulungan ang isang pamilyang hirap na hirap dahil hindi sila makabayad ng tubig at kuryene, at isang beses lamang kumain sa maghapon! Hindi na ito tungkol lamang sa iyo ngayon; ito ay tungkol sa pag-iwan mo ng isang legacy!
If you live like no one else, later you can live and give like no one else. It’s worth all the hard work it takes to get there. You’ve got this! (Chris Hogan)
Gusto mo rin bang malaman kung paano ka magiging financially free and independent?
Come, be inspired while learning with us. You can do it too..!
Be your own money manager.
Learn how to save the right way.
Learn how to beat debt and stay debt-free for life.
Know where to invest your hard earned money and beat inflation.
Understand how health and life insurance works for your and your family.
Learn how to save for your child's college education.
Learn how you can make, save, accumulate and protect your assets.
And many more...!