Term Life vs. Whole Life Insurance

Pagsapit mo ng Adulting age, and mga araw ay binubuo ng pagbabayad ng mga bills, pag-iiskedyul ng mga appointments, at pagpapanatili ng tinatawag nating “work-life balance.” Sa gitna ng araw-araw na gawain, madali mong makalimutan ang tungkol sa hinaharap.
Retirement? Eh, malayo pa naman iyan, sa susunod ko na lang iisipin iyan.
Life insurance? Iisipin ko na lang iyan kapag medyo may edad na ako.
Ngunit narito ang nakakatawang bagay tungkol sa buhay, hindi mo ito basta-basta kayang kontrolin. Dumarating ang mga bagay na hindi natin inaasahan, at napakaliit lamang talaga ang maari nating planuhin. Ito ang dahilan kung bakit napakahalaga na magkaroon ng kapayapaan ng isip sa pamamagitan ng isang life insurance sa buhay.
Hindi importante kung katatapos mo lang ng kolehiyo o malapit ka ng magretiro. Kailangan mo ng life insurance, at walang oras gaya ngayon upang manguha ka nito.
Term Life Insurance vs. Whole Life Insurance: What’s the Difference?
Sa huli, mayroon kang dalawang options na pagpipilian pagdating sa life insurance. Term o Whole Life. Ang isa ay isang ligtas na plano na tutulong na protektahan ang iyong pamilya at ang isa, ay tila mapanlinlang
Ano ba ang Term Life Insurance?
Ang Term life insurance ay nabibigay ng life insurance coverage sa isang specific na tagal ng panahon. Kung ikaw o iyong asawa ay pumanaw sa anumang oras ng panahong ito (karaniwang 20-30 years), ang iyong mga beneficiaries (ang mga pinili mong magmamana ng iyong pera) ay makatatanggap ng payout mula sa term life insurance policy.
Ang Term life insurance ay mas abot-kaya kaysa whole life insurance. Ito ay dahil ang term life policy ay walang cash value hanggang sa ikaw o ang asawa mo ay pumanaw. Sa madaling salita, wala itong halaga maliban na lamang kung ang isa sa inyo ay mamatay sa panahong naka enforce ang term. Pagkatapos ay saka ikaw o ang iyong mga beneficiaries ay makakatanggap ng pera.
Syempre, ang inaasam-asam mo dito ay hindi mo na kailangang gamitin ang iyong term life insurance policy. Ngunit kung mayroon mangyari, at least alam mong ma-aalagaan ng maayos ang iyong maiiwang pamilya.
Ano ba ang Whole Life Insurance?
Ang mga premium sa whole life insurance (minsan ay tinatawag na cash value insurance) ay kadalasang mas mahal kaysa term life insurance sa ilang kadahilanan.
Ang Whole life coverage ay tumatagal sa kabuuan ng iyong buhay. Maaari mong isipin na isang magandang bagay na magkaroon ng life insurance coverage para sa iyong buong buhay. Ngunit narito ang katotohanan: Kung isasagawa mo ang mga prinsipyong itinuturo namin sa iyo, hindi mo na kakailanganin ng life insurance habangbuhay. Sa huli ikaw ay magiging self-insured. Bakit kamo? Dahil wala ka ng utang, kumpleto na ang iyong emergency fund at marami ka ng pera sa iyong mga investments.
Ang Whole life insurance ay napakamahal dahil ito ay nakadisenyo upang bumuo ng cash value. Ngunit tandaan na ang life insurance policy ay hindi dapat maging isang investment o money-making-scheme. Ito ay para makapagbigay ng seguridad, proteksyon at kapayapaan ng isip para sa iyong pamilya sa sandaling may maganap na hindi kanais-nais na pangyayari.
Gaya ng sinabi ni Dave sa kanyang librong The Complete Guide to Money, “Life insurance has one job: It replaces your income when you die.”
Meron pang mas produktibo at kapakipakinabang na paraan upang mag-invest ng iyong pera kaysa sa paggamit ng iyong life insurance plan. Alin ba ang mas magandang pakinggan para sa iyo – ang mag-invest sa stocks ng mga malalaki at mahuhusay na kumpanya o “mag-invest” ng pera sa isang plano na nakabatay kung kelan o hindi ka kukunin ni lord? Sa tingin naman namin madaling sagutin ito para sa iyo.
Cost Comparison of Life Insurance
Sabihin natin na may isang 30-year old na lalaki na mayroong $100 kada buwan para ipambili ng life insurance. Maaari siyang maghanap at makabili ng average na $125,000 na halaga ng insurance para sa kanyang pamilya. Galing sa whole life insurance agent, maaari niyang marining ang pitch para sa $100 kada buwan na policy na makakabuo ng savings para sa retirement, na siyang karaniwang ginagawa sa isang cash value policy. Gayunpaman, kung binili niya ay isang 20-year term life insurance na may coverage na $125,000, ito ay babayaran lamang niya sa halagang $7 kada buwan sa halip na $100.
Kaya’t kung ang pipiliin niya ay ang cash value option, ang $93 na sobra ay dapat idagdag sa halaga ng kanyang whole life insurance payout, tama? Well, hindi nagiging ganon. Dahil mayroong mga expenses….
Expenses? Anu-anu ang mga ito?

Lahat halos ng $93 kada buwan ay nawawala dahil ibinabayad ito sa commissions at expenses sa unang tatlo hanggang limang taon. Pagkatapos noon, ang cash value portion ng kanyang policy ay mag-average ng 1.5% return per year para sa isang whole life guaranteed cash value policy ayon sa Consumer Reports.
Ang matindi pa dito, ang naipon niya sa mga dumaang taon na makalipas siyang malinlang ay hindi man lamang ibibigay sa kanyang pamilya sa oras na pumanaw siya! Ang tanging pakinabang na matatanggap ng kanyang pamilya ay ang face value, na nagkakahalaga ng $125,000 sa ating halimbawa kanina.
Ngunit paano kung inilagay niya sa investment ang $93 kada buwan sa loob ng 20 taon? Sa 10% rate of return, iyon ay maaaring maging $70,000 o ₱3.5M. Ang mas mahusay pa dyan kung i-invest niya ito ng 30 taon ito ay maaaring maging $200,000 o ₱10M! Wow, ganyang kalaki ang maaari mong makuha kung hiwalay ang iyong investment sa insurance.

How Much Term Life Insurance Do I Need?
Ang aming rekomendasyon ay kumuha ka ng term life insurance na may 10-12 beses na laki ng iyong taunang kinikita. Sa ganoong paraan ang iyong kita ay mapapalitan sa oras na may mangyari sa iyo.
At huwag mong kakalimutang kumuha ng ng term life insurance pati sa iyong asawa, kahit ang isa sa inyo ay nasa bahay lamang kasama ang mga bata. Isipin mo na lang kung paano mo babayaran ang childcare at halaga ng pangangalaga sa bahay kung ang isang stay-at-home parent ay mawala! Sa kahit ano pa man, pareho ninyong kailangan ng term life insurance.
How Long Do I Need Term Life Insurance?
Ang magandang pamantayan ay bumili ng policy na may term na makakatugon sa iyo hanggang ang iyong mga anak ay nakatapos na sa kolehiyo at may sarili ng pamumuhay. Ito ay maaaring nasa 20 taon kung mayroon ka ng mga anak, hanggang 30 taon kung wala ka pang anak o nagpaplano pa kayong magdagdag ng anak sa iyong pamilya.
Maraming maaaring mangyari sa loob ng 20 taon.
Sabihin nating kumuha ka ng term life insurance sa edad mo na 30 taon. Kayong dalawa ng asawa mo ay mayroong 2 taong gulang na anak. Naka focus kayo sa pagbabayad ng lahat ng inyong mga utang (kasama ang mortgage sa bahay) at naka-antabay sa pag-invest at retirement planning sa hinaharap.
Fast-forward natin 20 taon mula ngayon. Pareho na kayong nasa 50s at ang inyong anak ay 22 taong gulang na college grad. Ang bilis dumaan ng panahon diba?
Ngunit pagmasdan mong mabuti! Ikaw ay debt-free (bahay at kahit ano pa man), at kasama ang iyong investments at mutual funds, ikaw ay may net worth na ₱10M - ₱40M! Naging mabuti ang panahon sa iyo, dahil ikaw ay nagkaroon ng plano.
Dahil ikaw ay nakapag buo ng mahusay na net worth, ikaw ay may peace of mind. Sa puntong ito (kahit wala ka ng life insurance) kung mayroon mang mangyari sa iyo o sa iyong asawa, ang maiiwang buhay ay maaari ng mabuhay sa inyong savings at investments. Congratulations, ikaw ay naging self-insured! Sa panahong ikaw ay naging mas financially secure, nababawasan ang iyong pangangailangan ng life insurance.
Don’t Wait Until You Need Life Insurance to Get It
Ang katotohanan ay, hindi natin makikita ang hinaharap at hindi ipinangako ang kinabukasan sa atin. Ang buhay ng tao ay mahalaga! At ang perpektong oras para bumili ng life insurance ay habang bata ka pa at mayroong malinis at malakas na kalusugan. Lalo na dahil ang mga kumpanya ng life insurance ay palaging tinitimbang ang risk ng isang tao na bumibili ng policy.
The best time to buy life insurance is today! Don’t let another day go by without being protected by term life insurance.
For those residing in the US, you can check this link for the company that Dave recommends for term life insurance. Start here to get term life insurance quotes from Zander now!