7 Characteristics of Debt-Free Living

Nakayanang makabayad ng Family #1 nang ₱700,000 na utang sa loob ng 2 taon sa sahod nilang ₱50,000 kada buwan. Samantalang si Family #2 ay mayroong ₱140,000 na sahod kada buwan, ngunit tila hindi sila makausad ng bayarin sa parehong halaga ng pagkakautang.
Isa sa dalawang pamilyang ito ay malapit nang maging debt-free. Habang ang isa ay tuloy pa rin ang ginagawang pagkakamali sa loob ng maraming taon.
Bakit nga ba ganon?
Habang maraming kadahilanan ang maaaring sanhi nito, ang isa sa pinaka-malamang na dahilan ay ang Family #2 ay madalas magkaroon ng overspending habits. Mahusay ang kanilang nagiging kita, ngunit malamang na mas malaki ang ginagastos nila kumpara sa kanilang budget, na nag-iiwan sa kanila ng mas kaunting pera at maraming tension sa loob ng bahay. Ito ay isang mahirap at stressful na paraan ng pamumuhay.
Ang mga taong na-overcome ang ganitong stress ay napagtanto na kailangan nilang ihandle ang kanilang pera sa ibang paraan at magkaroon ng lifestyle changes. Sa oras na gumawa sila ng ganitong mga adjustments, magsisimula silang makapagtatag ng ilang katangian na napakahalaga pagdating sa pagiging debt-free at pananatili dito. Gaya nga ng sabi palagi ni Dave, “Personal Finance is 80 percent behavior and 20 percent head knowledge.”
Ano nga ba ang ilang katangian ng mga taong nagiging debt-free?
Traits of People Who Experience Debt-Free Living
1. They Are Counter cultural
Sa kabila ng normal na kombensyon, ang mga taong ito ay nakakaalam na ang utang ay hindi basta-basta isang kasangkapan. Madalas sabihin ng society na “kailangan mo ng credit score para mabuhay,” “hindi ka makakatapos sa kolehiyo kung walang student loans,” at palagi kang magkakaroon ng bayarin sa sasakyan.” Ngunit sa mga nakakaranas ng debt-free na pamumuhay, hindi sila naniniwala sa mga ganitong nakasanayan. Ang Credit cards ay hindi kinakailangan sa pang-araw-araw na buhay. Ang mga bayarin sa sasakyan ay hindi kumukuha ng malaking pera sa kanilang budget. Tinatrato nila ang utang na katulad ng mga tira-tirang pagkain sa likod ng ref. Maging utang o isang linggo na meat loaf pa iyan, inaalis at itinatapon na nila ito! Ang pagkakaroon ng utang ay normal sa kultura natin ngayon. Kaya dapat maging kakaiba ka!
2. They Use Self-Control
Ayon kay Dave, ang mga adults ay kayang gumawa ng plano at sundin ito. Ang mga bata ay ginagawa lamang kung alin ang nararamdaman nilang tama para sa kanila.
“Adults make a plan and follow it. Children do what feels good.”
Ang isang taong gusto talagang umahon sa pagkakautang ay mayroong lakas ng loob na daanan lamang ang nakikita niyang magagandang sapatos o malalaking flat-screen TV nang hindi gumagawa ng impulse purchase. Hindi sila nalulugod na bumili ng isang bagay dahil lamang ito ay naka sale ng araw na iyon. Sila ay may sapat na talino upang malaman na ang pagbili ng mga bagay na ito ay hindi makakabura sa kanilang mga problema at gawing mahusay ang kanilang pakiramdam. Bakit? Dahil alam nilang hindi ito dapat bilhin maliban na lamang kung kaya nila itong bayaran ng cash. Nakahanda silang maghintay, magtrabaho at mag-ipon.
3. They Are Confident
Ang isang taong naniniwala sa kanyang plano ay walang pakialam sa iniisp ng iba sa kanya. Ayos lamang silang magmaneho ng lumang sasakyan, dahil wala itong monthly payment. Hindi nila kailangang magkaroon ng mamahaling bakasyon para lamang mag-post ng glamorosong litrato sa social media. Tumitingin sila sa presyo, hindi lamang sa brand names. Bakit? Dahil sawa na silang makipagpaligsahan sa mga Joneses.
At ang ganitong uri ng matatag na disiplina ang nakapagbibigay ng mas maraming pera na pambayad sa mga utang. Sa bawat utang na nababayaran, ang kanilang kumpiyansa ay lumalago ng todo.
4. They Are Goal-Driven
Hindi na kailangan pang isipin ito diba? Ang pamumuhay ng Debt-free ay isang layunin, kaya’t ang mga taong nais itong tuparin ay palaging inilalagay ang layuning ito sa kanilang harapan. Nagtatakda sila ng mga goals na specific, measurable, achievable, relevant, at mayroong target o expiration date. Tinutukoy nila kung ano ang nais nilang gawin at inaayos nila ang kanilang istratehiya upang maisagawa ito.
5. They Are Gazelle Intense
Kung ikaw ay nakatapos ng Financial Peace Uniersity, malamang ay naaalala mo kung paano ikwento ni Dave ang tungkol sa pagkakaroon ng gazelle intensity. Ito ay sa sandaling sawang-sawa ka na sa mga utang na kailangan mo nang tumakbo ng mabilis (gaya ng gazelle) sa kabilang direksyon. Ang ibig sabihin nito ay tinitingnan nila kung paano pumiga ng kada piso na makikita nila sa kanilang budget. Gumagamit sila ng coupon, naghahanap ng mas murang bilihin, at maging pagtatrabaho para sa karagdagang kita. Lahat ito ay ginagawa nila.
6. They Are Not Materialistic
Ang isang tao na materialistic ay sobra kung magdiin sa mga “bagay”. Nanghihiram sila ng pera abot sa mata nila para lamang pambayad sa bakasyon, sasakyan at magarbong bahay. Ang isang taong determinadong umahon sa pagkakautang ay alam na ang pera ay hindi kayang bumili ng kasiyahan, kaya’t hindi sila nahuhulog sa patibong na bumili ng lahat ng gusto nilang bilhin. Sila ay naging kuntento sa kung anong mayroon sila at hindi naghahanap bilhin ang kanilang kasiyahan.
7. They Are Willing to Make Sacrifices
Pagkain sa labas, panonood ng sine lingo-lingo, at pagkuha ng premium cable package. Ito ang ilan lamang sa mga bagay na kailangang iwasan habang umaahon sa utang. Ngunit palaging tandaan: Ang Budget cuts ay panandalian lamang. Sa oras na wala ka ng utang, mas marami ka ng lugar sa budget mo para sa mga dinner at movie dates.
Want to Be Debt-Free? You Can Do This!
Kapag tiningnan mo ang iyong mga utang, sinisimulan mong makita kung ano talaga ito. Isang bagay na pumipigil sa iyo. Sa sandaling makita mo ito, mas madaling maging matiyaga, magsakripisyo, at makaramdam ng kumpiyansa sa iyong abilidad na bayaran ito. Magugulat ka na lang na nag-eenjoy ka na sa iyong pamumuhay na walang utang!
