top of page

9 People You Need to Help You Get Out of Debt


Friends Gathering

Tulad ni Lone Ranger na kailangan si Tonto, kailangan ni Han Solo si Chewbacca, at ni Sherlock Holmes si Watson, kailangan mo ng mga tao sa iyong buhay upang i-encourage ka kapag sinusubukan mong umahon sa utang. Gayundin ang mga naysayers at pessimists sa paligid mo.

9 People Who Can Help You Get Out of Debt

1. The Supportive Spouse

Walang sinuman ang makakahadlang sa iyong momentum at magiging dahilan upang mawalan ka ng financial focus tulad ng isang asawa na hindi nakakaintindi. Dalawang buwan na ang nakakalipas, malaki ang naging pagkakaiba. Naroroon ka, kasama sa paggamit ng credit cards, pagkain sa labas gabi-gabi at paggagala sa buong bayan. Ngayon gusto mo nang gumawa ng budget at bawasan ang iyong mga gastusin. Anong nangyari sa iyo?

Ang importante na kailangang tandaan dito ay utang ang iyong kalaban hindi ang iyong asawa. At upang matalo ang utang, kakailanganin ninyong maging isa sa pagdedesisyon. Oras na upang isipin ninyo ang “WHY” at mangarap ng magkasama kahit kaunti lamang.

Kung wala kayong utang, kahit saan o kanino man – ano ang kaya ninyong ma-accomplish? Makakapag-invest at save kayo para sa retirement at sa kolehiyo ng mga bata. Makakapagbigay kayo ng marami sa mga taong nangangailangan sa inyong paligid. Maaari kayong maging milyonaryo.

Ang isang supportive na asawa ay mananatili sa iyong tabi habang pareho kayong umaahon sa utang at bumubuo ng inyong kinabukasan. At gaya ng tinuturo ni Dave sa Financial Peace University, ang pagkapanalo ng isang team ay nangangahulugang pareho kayong dapat maglaan ng goals at sundin ang mga ito ng sabay o magkasama.

Supportive Spouse

Single ka ba? Tingnan ang #2.

2. The Accountability Partner

Kung ikaw ay single, kailangan mo ng isang tao na pwede mong kausapin kung nagsisimula kang umahon sa utang. Ang taong ito ay magiging accountability partner mo sa kahabaan ng iyong debt-free journey. Sila ang susuporta at magbibigay encouragement sa iyo sa hirap man o ginhawa.

Ang taong ito ay dapat handang sabihan ka sa oras na mawala ka na sa focus. Hindi ito isang taong negatibo, ito ay taong magsasabi ng totoo sa iyong buhay sa gitna ng mabuti man o masamang oras. Isipin mo nalang na sila ang iyong workout partner na nagbibigay encouragement sa iyo habang kasalukuyan mong inaabot ang iyong mga goals. Kung gusto mo nang lumihis ng landas o tumigil, sila ang tutulong upang mapanatili ka sa tamang daan.

Accountability Partner

3. The Joneses

Ang mga Joneses. Lahat na lang meron sila - magarang sasakyan, private schools, beach vacations – at lahat ng bagay na gustong makamit at gawin ng iba. Napakadaling mahulog sa patibong na tumingin sa buhay ng iba at pangaraping ito ay iyong buhay rin. Ang ideyang parating maging katulad ng mga Joneses ay hindi na iba, ngunit kamakailan lamang ito ay nagiging madalas sa kultura natin ngayon (ito ay dahil sa social media).

Ngunit hindi mo lang alam, ang mga Joneses ay mayroong mas malalaking utang keysa sa kongresso. Ang kaibahan lamang, hindi kagaya ng kongresso, ang kanilang issue sa mga utang ay hindi nakikita ng publiko.

Nakakatuksong naisin kung ano ang mayroon sila – lalo na kung titingnan mo ang kanilang mga litrato sa social media araw-araw. Tandaan lamang na walang halaga ng mga bagay ang katumbas ng kasiyahan o katuparan.

Ngunit ang mga Joneses ay makakapagbigay sa iyo ng isang bagay: isang magandang halimbawa ng mga bagay na hindi mo dapat gawin habang ikaw ay umaahon sa utang. Itigil mo na ang pagkukumpara, huwag mo nang dagdagan pa ang iyong mga utang, at simulan mo nang maging kontento sa kung ano ang mayroon ka.

The Joneses

4. The Endorsed Local Provider

Kung ikaw ay nagbabayad ng mga utang, maaaring humahanap ka ng halos lahat ng paraan upang ma free-up ang extrang cash sa iyong budget. Naisip mo na bang makipag-ugnayan sa isang Endorsed Local Provider (ELP) sa iyong lugar? Sila ang makakatulong sa iyo upang makatipid ng pera sa iyong insurance, na siyang makakatulong sa pagbabawas ng iyong bills kada buwan. Karamihan ng tao ay malaki ang natitipid kung maghahanap sila ng insurance na suwak sa kanilang pangangailangan at budget. At kadalasan 50% sa kanila ay nakakakuha ng mas malaking insurance coverage.

ELP

5. The Financial Coach

Kung talagang ikaw nasa balon pagdating sa iyong mga finances at hindi alam kung saan magsisimula, malamang na kailangan mong humingi ng tulong sa isang financial coach. Ito ay napaka halaga lalo na kung ikaw ay nahaharap sa matinding pangyayari tulad ng home foreclosure o bankruptcy. Ang aming mga coaches ay tutulong kasama mo upang makabuo ka ng isang solid plan na maisasagawa mo ngayon. Higit sa lahat, ang planong ito ay specific para sa iyong sitwasyon.

6. The Jerk

Sino ang jerk? Ito ang taong nagngangalit kapag sinabi mo sa kanya na hindi ka gumagamit ng credit card. Ito ang tinatawag na kunyaring kaibigan na siyang magiging kritiko mo dahil hindi mo gustong kumain sa labas every other night. O ito ay isang miyembro ng iyong pamilya na tinatawag kang kuripot at unrealistic dahil sa pag-iisip na mabubuhay ka ng walang utang.

So, bakit kailangan mo ng jerk sa iyong buhay? Motivation! Gamitin mo ang kanilang negatibong pananaw bilang lakas upang itulak ka pa sa iyong goal.

Jerk Squad

7. The Coworker Who "Gets It"

Kung ikaw ay nagtatrabaho ng full time, malamang ay mas marami ka pang oras na gising sa opisina keysa sa bahay. Kaya’t importante na magkaroon ka ng isang tao sa iyong paligid na naiintindihan ang iyong pinagdadaanan.

Ito ang taong handang itigil ang mamahaling lunches at magbaon na lamang kasama ka araw-araw. Hindi ka nila huhusgahan kapag hindi ka nakapag ambag ng ₱50 sa susunod na birthday celebration kahit dalawang beses mo nang ginagawa ito. Malay mo, naggaling na rin pala sila sa FPU at napagtagumpayan narin nila ang pag-ahon sa utang – you’ll never know until you ask diba?

Team Player

8. Dave Ramsey

Sa tingin mo ba, makakalimutan natin siya? Nabaon na rin sa utang si Dave at natakot na rin siya ng sobra-sobra gaya mo. At wala siyang problema na sabihin ito sa iyo. Ito ay ang kanyang sariling karanasan upang magsimula ng FPU sa unang lugar. Ngayon, ang kanyang mga audience ay lumago na ng husto, ngunit ang mensahe ay nananatiling pareho: “live like no one else, so that later you can live and give like no one else.”

Sa pagitan ng The Dave Ramsey Show at kanyang mga libro, walang kakulangan sa materyales sa oras na kailangain mo ng motivation! At walang iba pang bagay na makaka-encourage sa iyo gaya ng panonood ng mga debt-free scream!

Dave Ramsey

9. Your FPU Group

Napakaraming benepisyo sa isang Financial Peace University membership, ngunit ang pinaka magandang parte nito ay ang mga taong makakasama mo sa pagkuha nito. Gusto nilang matutunang kontrolin ang kanilang finances, pag-aralang maging mas mahusay dito, at talagang hindi na kailanganing mag-alala pa tungkol sa pera kahit kailan – gaya mo!

Ang pagkakaroon ng mga taong makakasama sa iyong paglalakbay habang umaahon ka sa utang ay mahalaga. Kapag pumasok ka sa Financial Peace University, magkakaroon ka ng kasamang accountability partners bawat linggo.

Dump Debt with a Little Help from Your Friends

Maging mapagmatyag sa mga taong ilalagay mo sa iyong tabi na kabahagi ng iyong mga paniniwala tungkol sa utang at makakatulong sa iyong abutin ang iyong mga goals. Ingatan at alagaan mo ang relationships na ito, dahil ang pag-ahon at pag-alis sa utang hindi dapat maging solong experience!

“Make your dream of becoming debt-free a reality! You can do it! Join the program that’s helped millions of people pay off their debt and take control of their money once and for all. Get started with Financial Peace University today.”

Want to get started but not ready to buy a membership? Then get Dave’s #1 best seller, The Total Money Makeover! Learn the Baby Steps and get inspiring stories of people who have learned how to beat debt and save for the future. Buy it now!

The money class that will change your life!

Tags:

RECENT POST
bottom of page