top of page

Do you want a Secure Retirement? Don't Fall for these Myths


Supernatural

Naniniwala ka ba sa Multo? Oo! Hindi!

Bilang isang Kristiyano, naniniwala tayo sa kabilang buhay. Wala naman talagang forever and “Death is Inevitable” para sa lahat ng nilalang.

Ngunit mayroon pang isang bagay na siguradong darating, ito ay ang iyong “retirement”.

Naniniwala ka ba na mayroong mag-poprovide na ibang tao para sa iyo pagdating mo sa retirement years?

Ang malungkot na katotohanan, mas madali pang paniwalaan na mayroong multo kaysa magtiwalang mayroong mag-poprovide sa iyo pagdating ng iyong retirement.

Ghost vs worry-free retirement

Alam naman natin na nasa ating mga kamay ang ating kinabukasan.

“Your Future is in your Hands”

Sa reyalidad ng buhay nasa 2% lamang ng mga Filipino ang maaaring maging financially independent pagdating sa kanilang dream retirement.

Based on Filipino retirement survey, SSS 2010

At kadalasan hindi natin alam kung saan talaga dapat ilagay ang pinaghirapan nating pera upang maiwasang maubos o mawala ng biglaan.

Quick Rich Schemes

Tingnan natin ngaun ang ilang kathang-isip tungkol sa pagreretiro na madalas nating naririnig. Importanteng magising na tayo ngaun sa halip na maghirap pagdating ng ating golden years.

Kung mas marami kang kaalaman, mas makokontrol mo ang iyong finances at future. Huwag mong hayaang multuhin ka ng iyong mga desisyon o hindi pagdedesisyon ngaun pagsapit ng iyong pagreretiro!

Myth #1: I’ll Live Off Social Security Income

Depende sa iyong edad ngaun, and Social Security ay maaaring magkaroon ng malaki o maliit na parte sa iyong retirement strategy. Base sa datos ng SSS, ang average na retirement pension na maaaring matanggap ng isang empleyado sa Pilipinas ay nasa ₱3,169 kumpara sa ₱10,483 na galing sa GSIS. Sa karamihan ng retirees, hindi pa ito sasapat na panggastos sa basic necessities.

SSS vs GSIS

Karamihan ng retirees ay kailangan pang isupplement ang kanilang pension galing sa kanilang savings, trabaho, o tulong mula sa pamilya. Kung gusto mong mag travel, magsimula ng negosyo, maglibang. Kakailanganin mo ng higit pa sa ibibigay ng Social Security. Huwag mong ilagay ang iyong tiwala sa gobyerno. Gumawa ka na ng plano ngaun para sa retirement na maaasahan mo.

Man with many bills

Myth #2: If I Invest in any Mutual Fund, I’ll Have Enough to Retire

Nag-iinvest ka ba sa mutual fund? Magandang simula iyan. Malayo ang pwedeng marating ng pera mo.

Ngunit huwag lamang basta-basta magpasok ng perang pinaghirapan sa kahit anong klase ng mutual fund. Bago ka mag-invest sa kahit na anong bagay, alamin mo muna kung tama ba ito para sa iyo. Alamin mo rin kung gaano katagal ka dapat magpasok ng pera, kelan mo ito dapat kuhanin, at magkano ang dapat mong ilaan para dito. Kakailanganin mong mag-invest ng 15% bilang panimula para sa retirement.

Tingnan ang article na ito upang malaman kung (paano pumili ng mahusay na mutual fund).

Myth #3: I’ll Work Through Retirement

Kung medyo alanganin ang iyong retirement fund, ang pagtatrabaho paglagpas ng 60 ay maaaring magandang ideya. Pwede mong isupplement ang iyong pension ng full-time o part-time na trabaho diba?

Sa isang perpektong mundo, ito ay maaaring magkatotoo. Ngunit hindi mo naman kayang alamin ang hinaharap. Sa hirap humanap ng trabaho ngaun, layoff, health issues, o family illness ang maaari maging balakid sa patuloy na pagtatrabaho mo sa iyong golden years.

Ang katotohanan dito, maraming Filipino ang mas gustong magtrabaho pagsapit ng edad 60 dahil sa dami ng bayarin at kakulangan sa pera, subalit iilan lamang ang nakakagawa nito. Gusto mo bang itaya ang iyong kinabukasan sa ganitong paraan? Hindi siguro!

working old lady

Myth #4: PhilHealth Will Cover My Medical Expenses

This is a No-Brainer, alam naman nating lahat na hindi sasapat ang PhilHealth na pangtugon sa health care expenses natin pagdating ng retirement age.

Ang isa pang malaking gastos sa ating kalusugan pagdating ng retirement ay ang Long-term care. Nagiging sakitin na tayo pagtanda at mahal na ang mga gamot at pasilidad sa hospital. Ang isang private room at nursing care ay maaaring umubos sa ating pension sa isang iglap lamang.

Ano ang dapat gawin? Narito ang ilang suggestions namin para maprotektahan ang iyong retirement mula sa mga medical expenses:

  • Step 1: Kumuha ng Long-term care health plan na maaari mong magamit pagsapit ng iyong retirement years. Gawin mo itong regalo sa iyong sarili upang mapangalagaan ka pagsapit mo ng edad 60.

  • Step 2: Dagdagan ng husto ang iyong retirement savings. Kapag maaga mong napagtanto na hindi ka basta-basta makakaasa sa PhilHealth, mas marami kang oras na magagamit upang lakihan ang iyong ipon.

Hospital Ward

Saan mo gustong maconfine? sa kaliwa o sa kanan? Ikaw ang magdecide!

Myth #5: It’s Too Late for Me to Save for Retirement

Madalas nating marinig ang mga salitang ito. Ang katotohanan dito ay:

Kahit gaano ka pa kalapit sa retirement, mayroon ka pa ring opportunidad na magpalago ng iyong retirement savings.

Sabihin na nating ikaw ay nasa edad na 40 ngaung taon at nag-uuwi ka ng ₱40,000 sa isang buwan. Kung iinvest mo ang 15% ng iyong kita hanggang ikaw ay magretiro, maaari kang magkaroon ng nest egg na nagkakahalaga ng ₱7M.

Napakahusay niyan kung ikaw ay 40. Ngunit paano na kung ikaw ay 50? Maglagay ng 25% ng iyong kita para sa iyong retirement hanggang 65, maaari kang magkaroon ng ₱2M. Hindi na masama diba? Kesa sa wala!

Kahit may edad ka na, mayroon ka paring magagawa. Kaya’t huwag ka nang magsayang ng kahit isang saglit! Kung mas matagal mong iinvest ang iyong pera, mas malaki ang pwedeng maging growth nito para sa iyo.

Growing

Myth #6: I Can Do It on My Own

Pagdating sa investing, maaari kang matuksong mag solo. Ngunit ang diskarteng ito ay maaaring hindi maging mabuti para sa seguridad ng iyong retirement.

Kapag may katulong kang Professional sa pag-iinvest, mas magiging confident ka na magkakaroon ka ng sapat na pera pagdating ng iyong retirement, kumpara sa mga taong nag-iinvest ng sarili lamang nila.

Let us not depend on our Company nor our Government to save us during our retirement years. Always equip yourself with the proper knowledge to protect yourself and your family.

Build your Future Retirement fund Today!

Alin ang gusto mo?

To know more, subscribe and visit my blog at www.herbertmendoza.com

RECENT POST
bottom of page