How to Choose the Right Mutual Funds
Kapag pinag-uusapan natin ang tungkol sa mutual fund investing para sa retirement o sa iba pa nating long-term goals. Hinihikayat namin ang mga tao na pumili ng “good growth stock mutual funds.” Ngunit sa dami ng pwede mong pagpilian, paano mo malalaman kung alin ang babagay sa iyo.
How Do You Pick Mutual Funds?
Ang mutual funds ay para ding mga tao. Ang tanging paraan upang ihiwalay ang mga mabubuti sa hindi masyadong mahuhusay ay kilalanin sila. Ngunit hindi gaya ng mga tao, maaari mong mahanap ang lahat ng mahahalagang impormasyon tungkol sa isang mutual fund sa kanyang prospectus o online profile. Narito ang ilang impotanteng features na kailangan mong pag-aralan habang pumipili ka ng fund na gusto mong bilhin:
Objective
Ito ang summary ng layunin o goal ng isang fund at mga types of investment na gagawin nito para ma-achieve ang goal na iyon. Tingnan mo ang mga funds na maaring kumakatawan sa apat na kategoryang ito: growth, growth and income, aggressive growth, at international.
Fund Manager Experience
Kailangan mo ng isang experienced manager na nangunguna sa iyong mutual fund. Isang tao na may at least 5 hanggang 10 taong karanasan. Gayunpaman, tandaan na maraming managers ang nagtuturo sa kanilang mga successors ng maraming taon. Kaya, ang fund na may bagong manager ay worth considering din kung ang fund ay patuloy na nagpeperform ng maayos.
"You want an experienced manager calling the shots for your mutual fund—someone with at least five to 10 years of experience." Chris Hogan
Sectors
Ang mga sectors ay tumutukoy sa mga uri ng mga negosyo na pinag-iinvestan ng fund, gaya ng financial services o healthcare. Ang isang balanseng distribution sa mga sectors ay nangangahulugan na ang fund ay well diversified. Ito ang kailangan mong hanapin.
Performance (Rate of Return)
Mas pabor sa iyong pumili ng fund na may history ng strong returns. Tumutok sa long-term returns, 10 years o higit pa kung possible. Hindi ka titingin sa specific rate of return, ngunit kailangang consistently niyang ina-outperform ang karamihan ng funds sa category na iyon.
Cost
Ito ang isa sa maari mong pag-aralan ng mabuti at maaaring mangailangan ng konting computation. Sa karaniwang fund na may front-end load, ang ganitong tipo ng fund ay mangangailangan na magbayad ka ng fees at commissions up front kapag nagsimula ka ng mag invest. I kumpara mo ito sa mga funds na walang front-end load ngunit may management fees. Sa unang approach, maaaring lumago ang iyong pera na hindi naapektuhan ng mahal na management fees.
Bigyan mo rin ng pansin ang expense ratio ng isang fund. Ang ratio na mataas sa 1% ay tinuturing na may kamahalan.
"You need to do a little bit of math for comparison to see where you can have more growth in your investment”
Turnover Ratio
Ang turnover ay tumutukoy kung gaano kadalas ang isang investment ay binibili at ibinibenta sa loob ng isang fund. Ang isang mababang turnover ratio na 50% or less ay nagpapakita na ang management team ay may kumpiyansa sa mga investments nito at hindi sinusubukang orasan ang merkado para sa mas malaking return. Kung nakakakita ka ng maraming turnover, maaaring hindi ito ang tamang fund para sa iyo.
Need Help Picking Mutual Funds? Get a Financial Advisor
Kung sa tingin mo ay masyadong maraming impormasyon ito upang pag-aralan at ipagkumpara para sa iyo, Tama ka! Ang good news dyan ay hindi mo kailangang gawin ito ng mag-isa. Maaari kang makipag tulungan sa isang investing pro na nakakaintindi sa loob at labas ng merkado, ngunit alam na ikaw pa rin ang incharge sa pagpili ng iyong retirement o long-term investments. Kausapin ang iyong investing pro ngayon upang maliwanagan ka!
Not yet ready to invest? Don’t worry, we can help you take that first step in reaching your goals. Take control of your finances, come and build you future for yourself and your family.
Click this link to register for a free consultation today. And remember, “You Must Gain Control of Your Money or The Lack of It Will Control You.”