5 Ways to Make Budgeting Easier

“Napaka-hirap mag budget!”
Ito ang isa sa pinaka madalas na rason kung bakit maraming tao ang hindi nagbu-budget. Maaaring hindi nila nauunawaan kung ano ang budget o hindi lang talaga nila alam kung paano gumawa nito ng mahusay.
Gusto naming ipakita na ang budgeting ay higit na madali kaysa sa inyong nararanasan. Ni hindi man ito nakakatakot gawin! Ang pagbudget ay hindi kailangan ng komplikadong formula at mahihirap na mathematics. Kagaya ng ilang aspeto ng buhay, ang pagpapanatili nito sa simpleng paraan ang magiging susi sa iyong tagumpay.
Narito ang limang pangunahin at subok na paraan upang gawing simple ang iyong budget.
1. Make a schedule (and stick to it!)

Habang gumagawa ka ng budget para sa iyong buwanang routine, bakit hindi ka pumili ng specific date para sa ibang expenses? Magtakda ng autodrafts sa iyong checking account para sa pambayad ng mga bills, at bilhin ang iyong mga groceries sa takdang araw kada linggo o dalawang beses sa isang buwan, mas mabuti kung hindi kasama ang mga bata na nakahandang magturo sa mga tsokolate at sweets sa lood ng tindahan!
Kapag alam mo kung ano ang iyong aasahan at kung kailan mo ito aasahan, matatanggal mo ang karamihan ng stress at problema sa iyong pagbu-budget.
2. Make it a team effort.

Kung ikaw ay may asawa, importanteng kasama mo siya sa pagpaplano at alam niya kung ano ang nagyayari sa budget. Magkakaroon ka ng problema sa oras na isa lamang ang gumagawa ng lahat ng pagpaplano at ang isa ang gumagawa ng paggastos.
Umupo at mag-usap kahit isang beses sa isang buwan tungkol sa pagbu-budget. Gawin ninyo itong masaya! Maaari ninyo itong gawin habang kumakain ng paborito ninyong inumin at meryenda upang makatulong sa inyong pagfocus. Ang importante dito ay pareho kayong nasa isang pahina. Sa ganitong paraan pa lamang magiging mas madaling imanage ang inyong buhay at pera.
3. Expect the unexpected.

Naiplano mo ang lahat maging sa kaliit-liitang detalye, ngunit sa hindi maiiwasang pagkakataon, biglang mayroong nangyari. Maaaring isang hindi inaasahang imbitasyon sa isang birthday party o isang baby shower na regalo na bigla kang hiningan ng tulong. Gusto mong makilahok ngunit nahihirapan kang ilagay ito sa iyong grocery budget at ang baby shower sa entertainment category. Hindi iyan ang magandang solusyon diyan.
Palagi kang gumawa ng buffer sa iyong budget sa pamamagitan ng paglalagay ng maliliit na halaga para sa mga hindi inaasahang expenses sa loob ng buwan. Sa ganoong paraan, kapag may biglaang dumating na pagkakagastusan, kayang-kaya mo itong icover nang hindi kumukuha ng pera sa ibang kategorya ng iyong budget. Palagi mong subaybayan ang mga ganitong expenses na madalas dumarating. Sa kalaunan, maaari mo itong bigyan ng sariling kategorya sa iyong budget.
4. Cut up your credit cards.

Ang kagandahan sa debit card, ito ay diretsong lumalabas sa iyong bank account. Walang middleman na nagpapataw ng interes.
Ang hindi pagkakaroon ng credit card ay nangangahulugang wala kang karagdagang bills na kailangang idagdag sa iyong budget, mas konti ang komplikasyon, at wala kang pag-aalala sa mga fees at mataas na interest rates. Gumamit ka na lang ng debit card (pati na rin cash!), at iwasan mo na ang mga credit cards na iyan.
5. Get rid of the paper pile.

Maaaring mayroon kang naipong mga resibo na gusto mong ilagay sa iyong budget sa loob ng isang buwan.
Maging intensyonal sa pag-iiskedyul ng ilang minuto sa isang araw upang irecord ang iyong mga transactions sa isang excel sheet o app gaya ng EveryDollar upang hindi ito maipon.
Panahon na para kontrolin mo ang iyong pera, sapagkat ang kakulangan nito ang siyang kokontrol sa buhay mo!
Start taking control of your financial life, we can help guide you on your journey to building your future. Click this link to register for a free seminar on Personal Finance.