Types of Goal-Setters You’ll Meet This Year

Mahilig tayo sa mga goals.
Ngunit tulad ng marami at iba’t-ibang goals na pwedeng i-set, marami ring iba’t-ibang goal-setters. Ang iba ay kahanga-hanga, ngunit ang iba naman ay hindi gaano.
Upang tulungan kang i-identify ang iba’t-ibang uri ng goal-setters sa iyong buhay, pati na rin kung aling goal-setter ka. Gumawa kami ng listahan para sa iyo.
So what type of goal-setter are you?
THE DREAMER

Disyembre 31 na, at ang Dreamer ay biglang na-realize na hindi pa siya nakakagawa ng kahit anong goals para sa taong ito. “Ano ang kailangan kong i-accomplpish?” tanong niya sa kanyang sarili. Sa loob lamang ng ilang minuto, may sagot na siya. “Alam ko na! Gusto kong akyatin ang Mount Everest ngayung taon! Ng walang gamit na oxygen!” May konting problema nga lang. Ang Dreamer ay 25 kg overweight, diabetic at out of shape. At higit pa dyan ang goal ay Mount Everest. Dreams are awesome, pero kailangan nating maging realistic dito.
THE OVERACHIEVER

Diba ang sarap suntukin niyan minsan? Isipin mo nasa New Year’s party ka at sinasabi mo sa mga kaibigan mo kung paano mo gustong magbawas ng 5 kg ngayong taon, nang bigla na lamang sumulpot itong isang ito at sinabing, “Ang goals ko ngayong taon ay magkaroon ng 3% body fat, isang 50-mile na ultra-marathon, pagbabasa ng lahat ng libro ni Shakespeare sa wikang French habang nag-aaral ng French, at pagbubukas ng bagong pet shelter para sa 17 asong na inampon ko last year. So, paano mo nga pala planong magbawas ng 5 kg?”…… Eh di wow!
THE SLACKER

Pre, sa totoo lang, ang mga goals na iyan ay overrated. Kung gugustuhin ko lang na gumawa ng goals o kahit ano, kayang kaya ko yan, siguro aatend na lang ako ng class o kahit saan dyn. Siya nga pala pre alam ko na ang goal na gagawin ko para ngayong taon! Gusto kong talunin si warmonger45629 sa Call of Duty: Black Ops sa Xbox Live. Diba hardcore ung goal na un, kasi nasa number 47 un ranking nya sa Call of Duty nation. Grabe pre ang goal ko ngayong taon.
THE GENERALIST

Ang Generalist ay karaniwang mabuti ang intension. Ngunit sa paggawa ng totoong goals, kailangan mong maging specific.
Ang mga sumusunod ay halimbawa ng hindi maayos na goals:
Magbawas ng Timbang
Tumakbo
Magbasa
Gumugol ng mas maraming oras sa mga kaibigan
Narito naman ang halimbawa ng magandang goals:
Magbawas ng 10 kilos
Tumakbo ng 10 milya kada linggo
Magbasa ng limang libro tungkol sa pagpapabuti ng kaisipan at damdamin
Lumabas kasama ang mga kaibigan isang beses sa loob ng isang buwan.
Kailangan mong gawing specific ang iyong mga goals, dahil kung hindi ay wala kang paraan upang subaybayan ang iyong progreso.
THE TACTICIAN

Kung ikaw ay ang Tactician, ang proseso ng iyong pag-iisip ay maaaring ganito: “12 buwan sa isang taon. Ibig sabihin kailangan kong magkaroon ng 12 goals na may weekly progress report sa bawat goal at quarterly update kung paano ko na-aachieve ang aking mga goals. Lahat ay kailangang recorded either written o in digital format at kailangang naka-archive for future reference. Kung sa hindi inaasahang pangyayari na mabigo ako sa pagkamit ng aking goal, Kailangan kong kumpletuhin ang isang post-mortem analysis na may kumpletong inspection kung bakit hindi ko na-abot ang antas ng tagumpay sa areang iyon."
THE JUDGEY MCJUDGERSON
“Bakit half-marathon lang ang gusto mong gawin? Hindi mob a alam na masama iyan para sa tuhod mo? Nakamamatay yan! Huwag ka ngang tanga!”
Ganito ang maaaring sabihin sa iyon ng isang Judgey McJudgerson kapag sinabi mo ang iyong goal para ngayong taon. Malakas ang loob niyang magkomento at humatol sa mga bagay na makakabuti sa iyo! Bakit? Dahil si Judgey McJudgerson ay isang malungkot na tao.
THE HORN-TOOTER
Mayroong kailangan gumawa nito diba? Nag set ka ng goal gaya ng pagbabasa ng "The Millioninare’s Mind”, at natapos mo itong basahin! Kailangang mayroon ding makaalam nito. Kaya nag-online ka sa Facebook at ipinamalita ito sa buong mundo. Ok lang iyan! Especially kung ang pinag-uusapan ay ang tungkol sa iyong mga goal at humihingi ka ng suporta sa iyong mga kaibigan para maging accountable sa iyong goals. So toot that horn!
THE SIDELINE-SITTER

Alam mo kung sino ang hindi nagset ng goals? Ang isang taong naka-upo lamang sa tabi. Ang taong hindi kasali sa laro, hindi pinapawisan at hindi gustong magtrabaho para sa kanyang goal. Ngunit alam mob a kung saan masaya ang taong ito? Pagtawanan ang mga goals mo. Pilit niyang ituturo ang iyong mga pagkakamali habang naka-upo lamang siya sa isang tabi.
Sa oras na nakagawa ka na ng mga goals mo para sa taong ito, ang mga Sideline-Sitters ay biglang susulpot na parang kabute. Maging handa sa kanilang paglabas. Maging focus sa iyong goals dahil ikaw lamang ang makapagsasabi sa sarili mo kung ito ba ay tama para sa iyo. Wala nang iba.
Meron ka bang nakita na kakilala mo sa listahan sa itaas?
Ikaw anong klaseng goal setter ka?