Will Your Retirement Leave a Legacy for Your Kids?
Ang pag-iinvest para sa retirement ay isang pangmatagalang layunin. Upang mapanatili mo ito, kailangan mong maunawaan ang iyong end goal at palagi mo itong makita upang manatiling motivated. Sa karamihan ng mga tao, ang end goal ay isang secure na retirement kung saan lahat ng iyong pangangailangan ay natutugunan. At marahil ay maaari ka ring gumawa ng ilang marangyang bagay na hindi mo nagawa sa sarili mo sa mga panahong nagtatrabaho ka pa.
Ngunit hindi mo kailangang hintayin ang edad ng pag-reretiro upang umani ng tagumpay sa isang solidong retirement plan. At, kung ikaw ay mapalad, ang iyong plano ay magtutuluy-tuloy sa iba at sa mga darating pang henerasyon.
Immediate Gratification
Kapag nagbabayad ka ng mga utang gamit ang debt snowball, babayaran mo muna ang pinaka maliit na utang. Ang maliliit na panalong ito ay magpapanatili sa iyo patungo sa mas malalaking layunin ng pagiging debt-free. Ang pag-iinvest sa retirement ay walang nakapaloob na ganoong gantimpala. Kailangan mong tumingin sa iyong quarterly statements at makita ang epekto ng iyong investing plan sa iyong pamilya.
Ilang dekada bago mo marating ang iyong retirement goal, makikita mo kung paano nakakaapekto ang iyong halimbawa sa disiplina ng pag-iipon pagdating sa financial habits ng iyong mga anak. Ang mga batang lumaking mahusay sa pag-iipon ay karaniwang nagpapasalamat sa kanilang mga magulang sa pagtuturo nito sa kanila, kaya’t kausapin ang iyong mga anak kung paano at bakit napakahalagang maging priority ang retirement saving para sa iyo.
Importanteng maunawaan ng iyong mga anak na ginagawa mo ito hindi dahil gusto mo lang magrelax at mag-enjoy sa oras na gusto mo nang tumigil sa trabaho. Kailangan nilang malaman na ang paggawa ng aksyon ngayon upang makapagbigay para sa iyong retirement ay malaki ang maitutulong upang maiwasan ang pinansiyal na pangangailangan na maaari mong idulot sa kanila sa iyong pagtanda.
Ang konseptong ito ay maaaring hind imaging masyadong makabuluhan sa kanila ngayong bata pa sila, ngunit sa oras na may sarili na silang buhay, i-aappreciate nila ang legacy ng personal na responsibility na bumago hindi lamang sa buhay mo, kundi pati na rin sa buhay nila.
A Lasting Legacy
Tanging 56% lamang ng mga retirees sa Amerika ay nagplanong mag iwan ng pamana (inheritance) para sa kanilang mga anak. Karamihan ay naniniwalang wala silang matitirang pera upang maiwan para sa kanilang mga anak pagkatapos nilang abutin ang pagreretiro.
Ngunit sa pamamagitan ng pagsunod sa isang mahusya na retirement plan, makakaya mong mag-iwan ng legacy of responsibility pati na rin isang financial legacy na makakaapekto sa iyong pamilya at iyong komunidad para sa mga darating pang henerasyon. Ang tawag ko sa konseptong ito ay ang three L’s of leaving a legacy:
1. Loving – Family, community or charitable causes
2. Lifting – Providing a financial lift to allow family, community or charitable causes to go further faster because of you
3. Leaving – Leaving a memory of your hard work and focus; honoring your family tree by passing the baton forward
Ang mga pamanang ganito ay hindi aksidente. Ito ay kailangan ng intentionality, focus at effort. Kung ikaw ay nag-iinvest ng 15% ng iyong income para sa retirement, ikaw ay nasa mahusay na daan patungo sa pagtatatag ng legacy para sa iyong pamilya. Sa patuloy mong paglalakbay sa mga Baby Steps, ang pag-iipon sa panggastos sa kolehiyo at pagbabayad sa iyong bahay ng maaga, panatilihing nakatutok ang iyong mga mata sa premyo: building wealth and giving! Ganyan ang paraan kung paano bumuo ng legacy.
From Investing to Legacy Building
Ang pagbabago sa iyong retirement investing plan patungo sa isang legacy builder ay hindi kailangang maging komplikado, ngunit ito ay isang bagay na hindi mo gustong ihandle ng mag-isa. Makipagtulungan sa isang trusted, at experienced investing advisor na makapagtuturo sa iyo kung paano gawin ang karamihan ng iyong plano at bigyan ka ng payo kung paano pangalagaan ang legacy na iyong itinatayo.
Huwag hayaan ang sinuman na magsabi sa iyo na ang pag-iwan ng legacy ay imposible o hindi mahalagang pagsikapan.
Few things are more satisfying than knowing the results of your hard work will live on and do good through future generations of your family.
Related: 15 Ways to Teach Kids About Money