top of page

Change Your Fighting Words to Love and Respect


Couple

Sa kanyang national best seller na librong, Love & Respect, si Dr. Emerson Eggerichs ay nagtuturo sa mga mag-asawa kung paano mapabuti ang kanilang komunikasyon sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga pangunahing emosyonal na pangangailangan. Sa kanyang pagbisita sa The Dave Ramsey Show, si Emerson ay nakipag-usap kay Dave tungkol sa pag-aasawa, money fights at working as a team. At gaya ng dati, binigyan niya tayo ng isang bagay na dapat pag-isipan. Narito ang isa sa kanilang napag-usapan.

Dave: Paano nagkakaiba ang mga pangangailangan ng mga lalaki at babae?

Emerson: Tinanong namin ang 7,000 tao ng ganito: Kapag kasalukuyan kang nakikipagdebate sa iyong asawa, pakiramdam mo ba na hindi ka nya mahal sa sandaling iyon o pakiramdam mo ay wala siyang respeto sa iyo? Natagpuan naming na 83% ng mga lalaki ang nagsabing, pakiramdam nila ay walang respeto ang kanyang kausap, habang 72% ng mga babae ay nagsabing pakiramdam nila ay hindi sila mahal. Dito mo makikita ang pagkaka-iba ng lalake at babae. Kung hindi natin ito maiintindihan, hindi natin mauunawaan kung bakit ang kanya-kanyang damdamin ay nasasaktan sa panahon ng isang argumento.

Ito ba ay problema sa pera o problema sa kasal?

Kadalasan, ang mag-asawa ay nagsasabi ng ganito, “Kung wala kaming ganitong problema sa pera, magkakaroon kami ng mas mahusay na relationship.” Technically, hindi ito totoo. Ito ay dahil:

He says: “Hindi ako makapaniwalang hindi ka nananatili sa budget.” Ang akala nya ay mayroon silang marriage problems dahil sa finances. Ito ay isang napakalaking issue, ngunit hindi ito ang tunay na problema. Ito ay ang kanyang kalupitan (harshness), poot (hostility) at kakulangan sa pagmamahal na makakasira sa puso ng kanyang asawa. Hindi idinisenyo ng Diyos ang babae na makasama ang isang galit, at malupit na lalake. Kaya ng babaeng i-handle ang diskusyon tungkol sa budget.

She says: “Hindi sapat ang kinikita nating pera.” Ito ay sumesenyales sa lalake na may kakulangan siya bilang isang provider at kawalang-galang. Hindi ito ang intensiyon ng babae, ngunit kapag ganito ang narinig ng lalake, mawawalan siya ng pagmamahal sa babae.

At sasabihin pa ng babae na, “Kung wala tayong mga ganitong problema sa pera, maaari tayong maging intimate at makakapag connect tayo sa isa't-isa.” Sa pagkakataong ito, nagbubuhos (vent) lamang ang babae ng kanyang emosyon, ngunit ang kanyang asawang lalake ay hindi kayang i-handle ang inaakalang kawalan ng respeto.

So how can couples work things out?

Lahat ng team ay dapat na magkaroon ng vision na mas malaki kaysa sa kanilang sarili. Sinabi minsan ng isang coach na “Great teams have a winning attitude even when they’re losing.” Ito ang hamon sa mag-asawa. Maaaring pakiramdam mo ay natatalo na kayo, at ang sakit ay overwhelming, ngunit kailangan ninyong magkaroon ng paniniwala na kayong dalawa ay kakayaning marating ang vision na ito ng magkasama. At hindi mo dapat ikompromiso ang iyong pagmamahal, at respeto sa isa’t-isa sa daan na inyong tatahakin.https://youtu.be/X0CF5fBUvKM

Pakinggan ang buong interview:

Part 01

Part 02

Part 03

Part 04

Part 05

Check out Dr. Eggerichs’ book, Love & Respect in the Family, in which he shares insights from his own family about biblical, healthy parenting.

Tags:

RECENT POST
bottom of page