15 Ways to Teach Kids About Money
Kung hindi mo tuturuan ang iyong mga anak kung paano mag-manage ng pera, ibang tao ang magtuturo nito sa kanila. At ito ay hindi isang panganib na nais mong suungin! Ipapakita namin sa iyo kung paano bigyan ang iyong mga anak ng panimula na gusto mong mayroon ka at itakda ang mga ito upang manalo sa pera sa anumang edad.
How to Teach Pre-Schoolers and Kindergartners About Money
1. Use a clear jar to save.
Ang piggy bank ay isang mahusay na ideya, ngunit hindi ito nakikita ng mga bata. Kapag gumamit ka ng malinaw na garapon, nakikita nilang lumalago ang pera. Kahapon meron silang 10 pesos at 50 centavos. Ngayon, meron na silang 20 pesos at 50 centavos! Makipag-usap sa kanila tungkol dito at gawing big deal ang paglaki nito.

2. Set an example.
Isang study ng University of Cambridge ang nakadiskubre na ang money habits sa mga bata ay nabubuo sa panahong sila ay 7 taong gulang. Nagmamashid ang kanilang mga maliliit na mata. Kung madalas kang gumagamit ng plastic (credit card) sa tuwing kumakain sa labas o sa grocery, mapupuna nila ito sa kalaunan. Kung ikaw at ang asawa mo naman ay nagtatalo tungkol sa pera, mapupuna rin nila ito. Maging magandang ehemplo para sa kanila at malaki ang posibilidad na sundan nila ang mga gawaing ito sa kanilang paglaki.

3. Show them that stuff costs money.
Kailangan mong gumawa sa halip na sabihing, “Anak ang laruang iyan ay nabili ko ng ₱250.” Tulungan silang kumuha ng ilang piso galing sa garapon, dalhin nila ito papunta sa tindahan, at pisikal nilang iabot ang pera sa cashier. Ang simpleng aksyong ito ay mas malaki ang epekto kumpara sa limang minutong pagtuturo.

How to Teach Elementary Students and Middle Schoolers About Money
4. Show opportunity cost.
Ito ay isa lamang paraan upang sabihing, “Kung bibili ka ng video game na ito, mawawalan ka na ng pera para bumili ng bagong sapatos na iyon.” Sa edad na ito, ang iyong mga anak ay kaya nang tumimbang ng desisyon at unawain ang posibleng kalalabasan ng desisyong iyon.

5. Give commissions, not allowances.
Huwag ka lang basta magbigay sa iyong mga anak ng pera para huminga sila. Bayaran sila ng komisyon base sa kanilang gawaing bahay gaya ng pagtatapon ng basura sa tamang lugar, paglilinis ng kanilang kwarto, o paglilinis ng bakuran.

Dave and his daughter Rachel Cruze talk a lot about this system in their book, Smart Money Smart Kids.
Ang konseptong ito ay makakatulong sa iyong mga anak na ang pera ay kinikita, hindi lang basta ibinibigay.
6. Avoid impulse buys.
“Ma, Nakita ko itong cute na dress. It’s perfect and I love it! Bilhin na natin ito please!” Pamilyar ba ito sa iyo? Ang age group na ito ay marunong nang mag-capitalize sa mga impulse buys, lalo na kung ang gagamitin ay pera ng iba.
Sa halip na bumigay ka sa kagustuhan nila, ipaalamsa iyong anak na pwede nilang gamitin ang kanilang pinagpagurang komisyon para ipang bayad dito. Ngunit hikayatin ang iyong anak na maghintay kahit isang araw bago sila bumili ng kahit ano na lagpas sa ₱800. Naandyan pa rin naman iyan kinabukasan, at makagagawa sila ng desisyon sa pera ng may maayos na kaisipan sa susunod na araw.

7. Stress the importance of giving.
Sa oras na may kinikita na silang konting pera, siguraduhing turuan silang magbigay. Maaari silang pumili ng simbahan, kawanggawa o kahit isang taong kilala nila na nangangailangan ng konting tulong. Sa huli, makikita nila kung paanong ang pagbibigay ay hindi lamang makaka-apekto sa taong binigyan nila, kundi sa nagbigay na rin.

How to Teach Teenagers About Money
8. Teach them contentment.
Ang iyong teenager ay malamang na madalas umubos ng oras sa screen habang binabasa ang mga bagay bagay sa social media. At sa bawat segundong sila ay naka-online, nakikita nila ang highlight reel ng mga kaibigan nila, pamilya at pati ibang tao! Ito ang pinaka mabilis na paraan upang lumabas ang paghahambing. Maaari kang makarining ng mga salita kagaya ng:
“Dad, Ibinili si Mark ng parents niya ng bagong kotse! Bakit ang kailangan ko lang imaneho ay itong 1993 Toyota?”
“Ma, ung isang girl sa school namin gumastos ng ₱500,000 sa 16th B-day party niya. Gusto ko rin yon!”
Ang kaligayahan ay nagsisimula sa puso. Ipaalam sa iyong teenager na ang kanilang Toyota (kahit hindi ito ang pinakabagong kotse sa daan) ay umaandar ng maayos para makarating sila galling sa point A papuntang point B. At pwede ka pa ring makapagdaos ng memorable, milestone birthday party kahit hindi gumagastos ng malaki galling sa iyong retirement savings para pondohan ito.

9. Give them the responsibility of a bank account.
Sa panahong ang iyong anak ay teenager na, dapat na silang magkaroon ng simpleng bank account kung nagagawa mo na ang mga nakasaad sa itaas bilang nakagawian. Ito ang magdadala sa money management sa susunod na level, at (sana) ay makapaghahanda sa kanila sa pag-manage ng mas malaking account sa pagtanda nila.

10. Get them saving for college.
Walang mas magandang panahon kundi ngayon upang makapag simula ang iyong teenager na magsave para sa college. Nagpaplano ba silang magkaroon ng summer job? Magaling! Kumuha ng bahagi dito (o higit pa) at ilagay sa college savings account. Ang iyong teenager ay magkakaroon ng magandang pakiramdam habang sila ay nakakapag contribute sa kanilang edukasyon.

11. Teach them to steer clear of student loans.
Bago pa man magsimulang mag-apply ang iyong teenager sa kolehiyo, kailangan mong umupo at makipagtalakayan sa usaping “how are we going to pay for college”. Ipaalam sa iyong teen na ang student loans ay hindi options upang pondohan ang kanilang edukasyon. Pag-usapan ang lahat ng alternatibo, gaya ng pagpasok sa community college, sa isang in-state university, pagtatrabaho ng part-time habang nasa eskwelahan, at pag-aaply para sa scholarships ngayon.

You can also check The Graduate Survival Guide for them. It’s a must-have resource to help your college-bound teen prepare for the next big step in their life.
12. Teach them the danger of credit cards.
Sa oras na umedad ng 18 ang iyong anak, Maraming lalapit na credit card offers sa kanila, lalo na kapag nasa kolehiyo na sila. Kung hindi mo sila naturuan kung bakit masama ang utang, magiging biktima lamang sila ng credit card. Tandaan, nasa iyo ang pagpapasya kung kailan ang tamang panahon upang turuan mo sila ng mga prinsipyong ito.

13. Get them on a simple budget.
Kung palagi din namang nilang kadikit ang kanilang mobile, gawin silang aktibo sa aming simpleng budgeting app, Everydollar. Ngayon ang oras upang masanay ang iyong teen sa pagbudget ng kanilang income kahit gaano pa man ito kaliit. Kailangan nilang matutunan ang kahalagahan ng paggawa ng plano para sa kanilang pera habang sila ay nakatira pa sa iyong bubungan.

14. Introduce them to the magic of compound interest.
Alam naming ang iniisip mo. Halos hindi mo pa maturuang magsuklay ng buhok ang iyong teen ng maayos, paano pa sila magiging henyo pagdating sa investment? Mas maaga, mas mabuting mag invest ang iyong teenager. Mahiwaga ang compound interest! Ipakilala ang iyong teenager dito sa maagang edad, at magkakaroon sila ng mas magandang simula sa paghahanda sa kanilang kinabukasan.

15. Help them figure out how to make money.
Kung iyong iisipin, ang mga teenagers ay maraming libreng oras – summer break, winter break, semestal break, spring break. Kung gusto ng iyong teen ng pera, tulungan mo silang humanap ng trabaho. Mas mabuti pa, tulungan mo silang maging entrepreneur! Sa panahon ngayon, mas madali na ito para sa iyong teen na magsimula ng kanilang business at kumita.

Change Your Family Tree
Ang pagtuturo sa iyong mga anak tungkol sa pera sa anumang yugto ay mangangailangan ng oras sa iyong parte. Hindi ito palaging magiging madali. Ngunit kung gusto mong matuto ang iyong mga anak na matagumpay na magmanage ng kanilang pera sa kanilang paglaki, ang paglalaan ng oras ngayon ay sadyang mahalaga.

One of the best ways to teach your kids about handling money is to give them a chance to make some of their own! With the Teen Entrepreneur Toolbox, you’ll get all the tools you need to help them start their own business and learn real-world skills.