10 Ways to Stop Overspending on Impulse Buys
Let’s be honest here: ang “impulse buying” ay medyo masaya, at least sa sandali lamang na iyon. Pumapasok tayo sa tindahan at hindi inaasahan ang mga extrang purchase, ngunit biglang lilitaw sa harapan mo ang isang sale! Parang sinasadya diba?
Sa isang survey ng Slick deals ay natagpuang ang mga Amerikano ay gumagastos ng biglaan sa average na $450 kada buwan. Ito ay bumubuo sa extrang $5,400 na gastos kada taon!
Kaya, para sa ilan sa inyo, ang pagkuha sa ilang item ay nangangahulugang ikaw ay sumosobra sa paggastos o mas masahol pa, gumagamit ng credit card para mabayaran lamang ito. Kahit ikaw ay nasa Baby Step 1 o Baby Step 7, nakagawa kami ng 10 tips upang matulungan kang umiwas sa tukso ng sobrang paggastos.
1. Make a budget and stick to it.

Okay, una sa lahat: kailangan mo ng budget. Kung wala ka pa nito, makakagawa ka nito sa loob lamang ng 10 minuto gamit ang libreng budgeting app gaya ng EveryDollar. Ngunit kailangan mo talagang manatili dito! Ang isang budget ay hindi isang magic wand na bigla na lamang gagawing maayos ang iyong pera. Nasa iyo ito para sabihin sa pera mo kung saan pupunta kada buwan at pagkatapos ay sundin ang planong iyon.
2. Give yourself permission to spend.

Oo, sinabi naming sa iyo na manatili sa iyong budget, at dapat mo itong gawin palagi. Ngunit importante rin na magkaroon ng konting kasiyahan sa pera dito! Bigyan mo ang itong sarili (at ang iyong asawa kung kasal ka) isang linya sa inyong budget na may pangalan mo. Ito ang pera na pwede mong gastusin kung paano at kung saan mo gusto. Depende sa iyong budget, ito ay maaaring ₱500 o ₱1000 kada buwan. Siguraduhin mo lang na ang halaga ay reasonable at affordable para sa iyong budget!
Kaya, sa susunod na maglalakad ka sa loob ng mall at biglang may bagay na makaakit sa iyong mga mata, I check mo lang ang iyong “fun money” fund.
3. Wait overnight before you make a purchase.

Sinabi ni Ramsey Personality Rachel Cruze ay nagsabing: “When you sleep on the decision, you put some time between your emotions and the transaction.” Bigyan mo ang iyong sarili ng isang araw upang kumalma ka sa sandaling ang impulse buy ay bigla mong naramdaman. Sa sandaling mahinahon ka na at may bagong pananaw, tanungin mo ang iyong sarili kung talagang gagamitin mo ang item o serbisyong iyon kung babayaran mo ito ng cash. Ito ay isang mahusay na paraan upang ilagay ang pagbili sa maayos na pananaw.
At mag-ingat sa mga deals na good for 24 hours lamang. Huwag hayaang ang countdown ang magpamadali sa iyo para bumili ng kahit ano! Tandaan ang offer, mag-ipon ng pera at maging handa para sa susunod na pagkakataon kung hindi mo ito kayang bayaran ngayon. Babalik din ang sale na iyan, maniwala ka sa amin.
4. Shop with a plan.

Tukuyin kung ano ang gusto mong bilhin at kung magkano ang gagastusin mo bago ka magsimulang magshopping. Sa isang nakatakdang plano, mas malamang na mapipigilan mo ang paggastos ng Malaki. Ang listahan mo ay maaaring magmula sa grocery items hanggang sa Christmas gifts na plano mong bilhin para sa iyong extended na family, alamin mo lang ito bago ka umalis.
5. Beware of joining too many email lists.

Ang pag-sign up sa email list ng tindahan ay maaaring maging mahusay na paraan upang makakuha ng 15-20% off ng mga kupon o kahit libreng shipping! Kung mayroon kang purchase na alam mong gagawin mo sa lalong madaling panahon, magpatuloy sa pag-sign up sa email list ng kumpanya upang makapuntos ng karagdagang diskuwento.
Ngunit alalahanin na ang sangkatutak na email ay maaari mo ring maging kalaban.
Isipin mo ito: Mahusay kang nananatili sa iyong budget. Lahat ay accounted for at ang bawat purchase ay planado. Napakaganda ng mga bagay bagay! Iyon ay, hanggang tiningnan mo ang iyong inbox at Makita ang 15 iba’t-ibang emails na nag-aanounce ng panibagong sale. Ooops, mag-ingat!
Ni hindi ka pa nag-iisip magshopping! Ngunit ngayon ay nakuha na nila ang iyong atensyon at kailangan mong makita kung ano ang naka sale. Delikado iyan, umiwas sa mga ganitong emails at mag-unsubscribe kaagad!
6. Don’t shop when you’re emotional.

Maaaring napakanda ng araw mo ngayon at bigla kang mag-impulse sa pagbili ngayon. Ngunit maaari din itong kabaliktaran – hindi maganda ang araw mo ngayon, at bigla kang nakakita ng isang bagay na gusto mo, at sasabihin mo sa sarili mong “you deserve it.”
Alinmang sitwasyon na ito ay maaaring mangyari sa iyo. Huwag hayaan ang iyong damdaming magdikta sa iyong paggastos.
7. Bring someone with you when you shop.

Mayroon ka bang kapatid o kaibigan na handang humarap sa iyo at sabihing huwag bumili ng isang bagay? Isama sila sa iyong shopping trip! Sabihin sa kanila kung ano ang plano mong bilhin at hingin sa kanilang magsalita sa iyo sa oras na lumilihis ka na sa iyong estratehiya. Pagandahin mo pa ang usapan sa pamamagitan ng pag-aalok sa kanila na bibilhan mo sila ng kape pagkatapos mong magshopping.
8. Take only the amount of cash you’ll need.

Alamin kung gaano karaming pera ang kakailanganin para sa mga item na gusto at iyon lamang ang halagang dalhin. Maaari ka pang gumawa ng isa pang hakbang gaya ng pag-iwan sa iyong debit card sa bahay para hindi ka matuksong bumili gamit ito. Ayon sa isang pag-aaral sa spending behavior, ang mga taong mamimili gamit ang card ay mas higit na gumagastos kumpara sa bumibili gamit ang cash.
Kung mananatili ka sa iyongshopping plan at hindi magdadala ng ekstrang pera sa iyong biyahe, hindi ka makakagawa ng impulse buy. Iyan ang power ng cash!
9. Stop the comparisons.

Kung palagi mong ikukumpara ang kung anong meron ka (o wala ka) sa ibang tao, hindi ka masisiyahan. Katulad lamang ito ng sinabi ni Rachel Cruzes a kanyang librong Love Your Life, Not Theirs, “When we start comparing ourselves to other people, we’re playing a game we’ll never win.”
Sqa halip na tingnan natin kung anong meron ang iba at isiping, Oh! Kailangan ko rin nyan! Tumalikod ka at magpasalamat. Matutong magpasalamat sa kung anong meron ka. Kung babaguhin mo ang iyong pananaw, maaari mong makita na mayroon ka nang higit pa sa iyong inaakala.
10. Keep your goals in mind.

Ang pagdedesisyon na mag-impulse buy ay hindi makakatulong sa pag-abot sa iyong mga layunin, maging ito pa man ay pagbabayad ng utang, pagbabayad ng mortgage o pag-iinvest para sa kinabukasan. Ang sobra-sobrang paggastos ay kumakain lamang sa ekstrang pera na ini-ipon mo patungo sa iyong mga layunin.
Remember This Before You Impulse Buy
Dave always says, “Children do what feels good, adults devise a plan and follow it.” Ang excitement ng impulse spending ay hindi nagtatagal. I kontrol ang iyong kagustuhang gumastos ng pera sa tuwing matutuklasan mo ang isang jacket na naka sale o isang sweet offer galing sa isang online deal. Ang disiplinang ito ang magbibigay sa iyo ng isang bagay na walang kapantay – peace of mind. At iyan ay isang purchase na hindi mo pagsisisihan!
Ang envelope system ay isang matalino at madaling paraan upang i-manage ang iyong pera at itigil ang sobra-sobrang paggastos. Get one that suits your budget and lifestyle along with a free downloadable guide!