How to Talk About Money Before You Say, 'I Do'

Pagkatapos mong maisuot ang engagement ring, ang pagpaplano sa kasal na ang susunod.
Kaya kung handa ka na para sa malaking hakbang na ito, ngaun na ang oras para pagusapan ang mahihirap na paksa tungkol sa pera bago pa man kayo mag-atubili sa mga flower arrangements at lasa ng wedding cake.
At lumalim nang higit pa sa pagpapakita ng iyong mga utang. Pag-usapan ang mga areas gaya ng investing for retirement, pagsasama ng inyong bank accounts, at pagbabalanse ng inyong buwanang budget.
Dahil ang mga financial coaches ni Dave na tumutulong araw-araw sa mga malapit nang ikasal, tinanong namin ang mga ito para sa ilang ekspertong payo pagdating sa pag-ibig at pera. Narito ang kanilang sinabi:
OPEN UP AND BE HONEST

Inamin mo na ang iyong mga utang, credit card debts at bayarin sa sasakyan. Magaling! Ngayon ituloy mo lang. Talakayin ang iyong mga pananaw sa pera, kabilang ang itinuro sa iyo ng iyong mga magulang sa finances at kung ano ang iyong ginagawa at hindi mo sinasang-ayunan. (Sa mahinahon at mahusay na paraan, syempre!)
At kung ikaw ay nagmula sa nakaraang pag-aasawa, pag-usapan ang tungkol sa alimony (financial support) o iba pang gastusin na dadalhin mo sa iyong bagong union at kung paano ito ilalakip sa inyong household budget.
“MARRY” YOUR ACCOUNTS

Ang pagsasama-sama ng inyong pera sa isang account ay isang mahalagang hakbang sa pag-aasawa. Kayo ay nagiging isa. Ang pagpapanatiling magkahiwalay sa isang area ay maaaring humantong sa iba pang lugar ng paghihiwalay, at nanaisin mong magtakda ng alinsunirin ng pagsasama sa simula pa lamang.
Ang pagcombine account ay nagdudulot ng katapatan, pagkakaisa at pakiramdam na kayo ay magkasama sa mga bagay-bagay! Ngayon ang oras upang maghanda mentally sa pagiging isa financially. Ngunit huwag pumirma sa dotted line at magjoin ng accounts hangga’t hindi tapos ang inyong pag-iisang dibdib.
START BUDGETING TOGETHER

Ilagay ang inyong pinagsamang kita at mga gastos sa papel, at tukuyin kung ano ang tipikal na magiging hitsura ng bawat buwan.
Mahusay na magsagawa ng pagbu-budget nang magkasama kapag engaged ka na. Sa ganoong paraan, maaari mong tiyakin na ang mga bagay bagay ay gumagana ng maayos kapag dumating na ang tamang oras na kayo’y nagsasama na.
At pagkatapos ng kasal, muling bisitahin ang budget bawat buwan sa inyong budget committee meetings upang gumawa ng pagsasaayos kung kinakailangan. Siguraduhin na bigyan ang bawat isa ng maraming biyaya habang inaayos nyo ang lahat ng bagay.
Related: Check out the latest tool that makes budgeting easier than ever before!
MAKE A PLAN

Kapag ang lahat ay ipinakita na, alamin kung saang Baby Step na kayong mag-asawa naroon. Kung ikaw ay nasa Baby Step 4 at ang iyong asawa ay nasa Baby Step 2. Pareho na kaung nasa Baby Step 2 ngayon.
Tama lang iyan. Minahal mo ang iyong asawa ng buong puso, kaya ang pagkuha ng “kanyang” utang bilang “inyong” utang ay isang maliit na bagay lamang sa mas malaking planong kakaharapin ninyo.
Ang pinakamahalaga, magkasamang magtakda ng priorities at bumuo ng plano sa paggawa ng seven Baby Steps bilang isang koponan. Kabilang dito ang pagtatakda ng mga layunin para sa investing, college funds at sa kalaunan ay pagmamay-ari ng tahanan.
PUT YOUR RELATIONSHIP FIRST

Anuman ang ginagawa mo, huwag kang ma-stress. Ang iyong relationship ay mas mahalaga kaysa sa mga facts at figures.
Ang pagsasama sa parehong pahina tungkol sa pera ay lubhang kapaki-pakinabang, ngunit hindi ito ang lahat at katapusan ng inyong pagsasama. Ilagay mo palagi ito sa iyong pananaw tuwing kayo ay mag-uusap. At tandaan, kailangan ng ilang beses na pagsubok upang makuha ang pagbu-budget ng tama.
Habang nagsisimula kayong sumuong ng husto sa isyu ng pera ng “magkasama,” malamang na magkakaroon kayo ng ilang hindi pagkakaintindihan sa kalaunan. Kung umabot kayo sa isang hindi pagkakasundo, maaaring oras na upang kumunsulta sa isang kwalipikadong financial coach. Ang team ni Dave ay nag-aalok ng personal, one-on-one counseling upang tulungan ka at iyong magiging asawa na bumuo ng isang plano na gumagana. Mag-schedule ng ilang oras kasama ang isang financial coach ngayon kung kinakailangan.
