The Truth About Life Insurance

Car insurance—check.
Health insurance—check.
Life insurance—uhm saka na lang.
Kagaya ng ilang pinoy, maaaring meron ka ng insurance sa ibang bagay gaya ng bago mong kotse, bahay at siguro pati na rin sa iyong cellphone. Pero meron ka bang Life insurance?
Ayon sa Philippine Daily Inquirer, noong 2010 ang Life insurance coverage ay tinatayang nasa 16.33% sa 92.34 milyon (15.4 milyong buhay) ng populasyon ng Pilipinas. Ito ay tumaas nito lamang nakaraang third quarter ng 2017 hanggang 48 milyong buhay sa kabuuang 104 milyong populasyon ng Pilipinas noong taon ding iyon.
Nasa 46% lamang ito ng kabuuang populasyon ng Pilipinas. Ito ay nakakagulat na statistics kung iyong isaalang-alang na 100% ng lahat ng tao ay pwedeng mawala kahit anong oras.
Ang nakaka-alarma pa dito ay higit na mababa pa ito kumpara sa US na kung saan. Ayon sa pag-aaral na ginawa ng LIMRA, natagpuan na 60% ng Americans ay merong ilang uri ng life insurance.
Do I need life insurance?
Halos lahat ng tao ay nangangailangan ng life insurance. Hindi ka naniniwala?
Ang Life insurance ay mahalaga sa anu mang yugto ng buhay na kasalukuyang naroroon ka. Ito ay dahil:
The Young Professionals

Kung ikaw ay bata pa, maaaring pakiramdam mong walang tatalo sa iyo at mabubuhay ka ng walang hanggan. Ang Life insurance ay para lamang sa matatanda, diba? Mali!
Kung meron ka pang utang na binabayaran, matalinong magkaroon ka ng maliit na term life insurance policy upang masakop ang iyong mga utang sa iyong kamatayan. Ngunit kung ikaw ay ganap na walang utang, walang mga dependents, ang kailangan mo lang alalahanin ay ang gastos sa libing. Sa ganoong paraan, maaaring sapat na ang iyong coverage sa life insurance policy kung ito ay kasama sa ibinibigay sa iyo ng iyong employer. Kung wala, kakailanganin mong manguha nito para sa iyong sarili.
Habang hindi kailangan ng life insurance sa parehong paraan na kagaya sa isang pamilya na may limang miyembro, narito ang isa pang paraan upang tingnan mo ito:
Napakabilis gumalaw ng buhay. Hindi ka mananatiling bata at malakas ng matagal – (sorry). Hindi na kailangang sabihin pa dahil kung mas bata ka at malusog, mas mura kang makakabili ng term life insurance. Palagi mo itong tandaan habang nalalapit na ang iyong pagpapakasal at pagbuo ng pamilya.
The Newlyweds

Congratulations! Magsisimula ka na ng bagong buhay kapiling ang iyong asawa. Sa gitna ng legal forms, abiso sa pagbabago sa address, at wedding thank you cards na kumukuha sa iyong oras, madaling makalimutan ang iba pang detalye na kailangan ng iyong atensyon, gaya ng term life insurance. Kaya’t ilagay mo na ito sa iyong listahan!
Kung kayong dalawa ay parehong nagbabayad ng utang, ang iyong pagkawala ay nangangahulugan na ang iyong asawa ang maiipit sa pagbabayad dahil ang utang ay mapapataw sa inyong mga ari-arian. Ayon sa batas walang ari-arian o bahagi ng pamana ang maaaring ipasa sa kanyang mga tagapagmana maliban kung ang utang ay nabayaran o naiayos. Huwag mong iwanan ang iyong kabiyak na hindi handang harapin ang iyong mga utang.
Hindi lang ikaw ngayon! You’re a team, at isa sa pinakamahusay na bagay na pwede mong gawin para sa iyong asawa (maliban sa tapat na pagmamahal hanggang kamatayan) ay magbigay ng seguridad sa kanya sa pamamagitan ng pagkuha ng term insurance.
Jennifer’s husband, Craig, needed a second liver transplant. Unfortunately, he passed away before he could receive one. But Craig had term life insurance, and Jennifer was able to use that money to pay off all their combined debt and become debt-free.
The Parents

Mula nang sandaling hawakan mo ang iyong anak sa unang pagkakataon, nais mong gawin ang lahat ng nasa iyong kapangyarihan upang protektahan sila. Bilang magulang, madaling makita kung bakit kailangan mo ng life insurance. Gusto mong magkaroon ng kapayapaan at seguridad na alam mong ang iyong pamilya ay mapagkakalooban ng tulong kung may mangyari sa isa man sa inyong mag-asawa. Gusto mo ring bawasan ang kahit anong pagkagambala sa pamumuhay ng iyong pamilya at masiguro na ang pag-aaral sa kolehiyo ng iyong mga anak ay nasaayos. Magtiwala ka sa amin, kailangan mo ng peace of mind.
Ngunit paano kung isa sa inyo ay stay-at-home parent?
Ilang tao ay nagkakamali sa hindi pagkuha ng life insurance policy sa sarili o sa kanilang asawa dahil sila ay nasa bahay lamang. Iniisip nila na dahil hindi sila nagdadala ng kita na nasusukat sa halaga ng piso ay hindi na nila kailangan ng life insurance. Ngunit malayo ito sa katotohanan.
Bilang stay-at-home parent, ang epekto sa iyong mga anak at benepisyo na dinadala mo sa tahanan ay napakahalaga. Kung ang isang stay-at-home parent ay pumanaw, ang iyong pamilya ay agad na tatamaan financially. Ang pagkawala ng isang magulang ay magiging sanhi ng malaking bahagi ng kita ng nagtatrabahong magulang na malipat upang sakupin ang pambayad sa child care, paglalaba, pamamalantsa, atbp. Huwag iwanan ang iyong pamilya sa ganoong sitwasyon.
The Retirees

Sa puntong ito, maaaring mayroon ka ng malaki-laking retirement savings na nakalaan. At kahit single ka man o kasal, ang iyong pagkamatay ay maaaring walang negatibong epekto sa finances ng kahit na sino. Marahil ay malapit ka nang maging self-insured! Iyan ang magandang mangyari sa iyo! Ngunit paano kung kasalukuyan mo pa ring ginagawa ang Baby Steps at hindi pa nakaayos ang iyong retirement savings?
Ang pagkakaroon ng life insurance plan sa ganitong yugto ng buhay ay importante lamang kung mayroon ka pang dependents na umaasa sa iyo upang kumain at magkaroon ng bubong sa kanilang mga ulo (hindi po kasama ang mga batugan dito). Sabihin na nating kasalukuyan ka pang nagbabayad ng bahay at nagdadagdag ka pa sa iyong retirement savings. Kung mamatay ka ngayon, at ang iyong asawa ay hindi na kailangang umasa sa iyong kita, magkakasya ba ang nakalagay sa ipon mo para pangalagaan sila?
How does life insurance work?
So, paano nga ba gumagana ang life insurance? Ang life insurance ay umiiral sa mga hindi inaasahang bagay gaya ng hindi inaasahang pagkamatay mo o ng iyong asawa. Saklaw nito ang pagkawala ng kita, gastusin sa libing at iba pang pinansiyal na pangangailangan na maaaring maganap pagkatapos na pumanaw ang isa sa inyo.
Ikaw ay papasok sa isang kontrata sa iyong policy holder (ang life insurance company) at magbabayad ka ng premium bawat buwan upang panatilihing valid ang policy. Kapag ikaw o ang iyong asawa ay namatay, ang insurance company ay magbabayad ng halaga ng policy sa mga benepisyaryo (yung mga napili mong magmana ng iyong pera).
What types of life insurance are there?
Sa kalahatan, meron lamang dalawang pangunahing uri ng life insurance na pagpipilian. Ito ay ang mga nag-exist para sa predetermined term at mga tumatagal sa buong buhay mo. Ang dalawang uri ng life insurance ay kadalasang kilala bilang “term life insurance” at “cash value life insurance” (minsan ay tinatawag ding civil o whole life).
Term life insurance
Ang “term life insurance” ay nakapagbibigay ng coverage para sa isang partikular na panahon. Kung ang iyong asawa ay pumanaw ano mang oras sa panahong ito (kadalasang 20-30 taon), ang iyong benepisyaryo ay makakakuha ng bayad galing sa term life insurance policy.
Ang Term life insurance ay higit na abot kaya kumpara sa whole life insurance plans. Ito ay dahil ang term life policy ay walang cash value hanggang ikaw o ang iyong asawa ay pumanaw. Sa madaling salita, wala itong halaga maliban na lang kung isa sa inyo ay mamatay sa panahon na naka-enforce pa ito. Iyon ang tanging oras na pwedeng makatanggap ng pera ang iyong mga benepisyaryo.
Syempre ang ating inaasam-asam ay hindi mo kailanganin ang iyong term life insurance policy. Ngunit kung may biglang mangyari, at least alam mo na ang iyong pamilya ay mapangangalagaan.
Cash value life insurance (whole life, universal and variable life)
Maraming tao na ang tingin ay ang cash value life insurance ay makakatulong sa kanilang makapagretiro ng mayaman. Ngunit ang katotohanan ay, ang cash value life insurance ay isa sa pinakapangit na financial option na maaari mong piliin! Ang tawag ni Dave dito ay “payday lender ng middle class.
Ang cash value insurance ay tumatagal sa kabuuan ng iyong buhay. Maaari mong isipin na isang magandang bagay na magkaroon ng life insurance sa ganoong katagal na panahon, ngunit narito ang totoo: Kung gagawin mo ang mga prinsipyong amin itinuturo, hindi mo kakailanganin ng life insurance habang buhay. Sa huli, ikaw ay magiging self-insured. Bakit? Dahil wala ka ng magiging utang, mayroon kang full emergency fund, at malaking halaga ng pera sa iyong investments.
At huwag na nating banggitin, na ang premiums sa cash value life insurance ay karaniwang mas mahal kumpara sa term life insurance. Ang cash value life insurance ay mas mahal dahil ito ay nakadisenyo upang gawin iyon – bumuo ng cash value. Ngunit tandaan na ang life insurance policy ay hindi dapat maging investment o money-making scheme. Ito ay nangangahulugan lamang upang magbigay ng seguridad, proteksyon at kapayapaan ng isip para sa iyong pamilya sa oras na mayroong mangyari sa iyong hindi maganda.
What is the best type of life insurance?
Madali yan, “term life insurance”! Hindi sorpresa na lagi naming inirerekumenda na gumamit ka ng term life insurance. Malamang ngayon ay para na kaming sirang plaka. Ngunit ok lang yan. Sasabihin naming ulit: Kailangan mo ng term life insurance! Ito ang plano na kailangan mo para protektahan ang iyong pamilya. Ang cash value life insurance ay hindi maganda at nagdadala rin ng mas mahal na buwanang presyo.
Related: Five Term Life Insurance Mistakes to Avoid
When can you cash out or sell a life insurance policy?
Kung tinatanong mo na, “Kailan ko pwedeng makuha ang pera ko?” dapat mong malaman na hindi ikaw ang makakakuha ng pera. Ang iyong mga benepisyaryo ang siyang makakatanggap ng policy payout pagkatapos mong pumanaw.
Kung mayroon kang isang uri ng permanent insurance (cash value, whole life, etc.) ang pagbenta sa iyong policy para sa pera ay tinatawag na “life settlement.” Ito ay ang pagbebenta ng iyong policy sa isang third party (individual o company) para sa cash payment. Sila ang makakakuha ng cash out sa panahong mamatay ka. Weird diba?
Kung mayroon kang isang cash value life insurance policy, mayroon kang option na humiram ng pera mula dito. Ngunit hindi namin ito inirerekumenda. At hindi rin naming inirerekumenda na magkaroon ka ng cash value life insurance policy.
Term Life Insurance: A Better Plan for Your Future
Kaya, alam mo na oras na upang gawin ang susunod na hakbang at manguha ng life insurance, ngunit maaaring hindi ka pa rin sigurado kung saan magsisimula. Ang sagot ay simple, ang term life insurance ang pinakamahusay na option para protektahan ka at ang pamilya mo. Tandaan, ang life insurance ay proteksyon at seguridad para sa iyo at sa iyong pamilya, hindi ito investment.
For those in the US, don’t put it off another day! Get your free term life insurance quote in just a few minutes from Zander Insurance—the only company Dave Ramsey recommends for term life insurance. For the best rate on term life insurance that fits your needs, contact Zander Insurance today!
Protect the people who depend on you the most with term life insurance.
