4 Secrets for Staying Focused
Sa mundo ng mabilis na balita at smartphones at libu-libong interruptions. Gaano ka kadalas nawawala sa focus? Ayon sa isang pag-aaral ng harmon.ie, isang social email software company, maaaring ito ay mas marami pa kaysa sa iyong iniisip. Mahigit sa mga na survey sa mga negosyo na may iba’t ibang laki sa buong U.S. ay nagsabi na ang pinakamahabang oras na karaniwang nakakapagtrabaho sila na hindi ginugulo ay 15 minuto, at nag aaksaya sila ng 60 minuto kada araw dahil sa iba’t ibang interruptions sa paligid.
So, paano natin mapapanatili ang ating atensyon sa ating goals? Narito ang apat na tips na itinuturo ni Dave sa Entreleadership na makakatulong sa iyo na manatiling focused.
1. SET DAILY GOALS

Isulat ang iyong mga goals para sa bawat araw at iprioritize ang mga ito. Panatilihin ang listahan na malapit sa iyo, kaya kung sa palagay mo na malapit ka ng tumungo sa mundo ng You Tube o Facebook, maaari mong kunin ang listahang iyon upang paalalahanan ang iyong sarili kung ano ang dapat ma-acomplish bago ka lumakad palabas ng pintuan.
2. LIMIT MEETINGS

Lahat tayo ay galling na dito, ang mga meetings na tila buong araw nang tumatagal at wala namang na-aacomplish kahit isang bagay. Ngunit ang ganitong get-togethers ay hindi kailangang maging matagal. Gamitin ng wasto ang oras sa pamamagitan ng pagtatakda ng time limit, pag-insist sa isang agenda, at manatili dito. Kung lumalagpas na sa oras, tumayo ka. Kung walang nakakapansin nito, pumunta ka sa pintuan. Rude? Maybe. Effective? Absolutely.
3. LIVE BY THE CALENDAR

Ang mga meeting ay hindi lamang ang mga Gawain na maaaring i-book sa iyong kalendaryo. Iskedyul “office time” para sa iyong sarili at protektahan ito tulad ng isang importanteng meeting sa isang executive. Ito ay isang mahusay na paraan upang mapanatili ang iyong konsentrasyon at momentum pasulong na hindi nagagambala.
4. STEP AWAY FROM THE SMARTPHONE

Kahit ito pa man ay isang email, mensahe sa messenger, update sa twitter, wala at wala talagang hihigit pa sa kapangyarihan ng smartphone na maging isang distraction. Kaya habang nasa trabaho ka, isarado, ilagay sa drawer o bag ang iyong smartphone. Gawin ang anumang kinakailangan upang lumayo mula sa telepono.
Sinabi ni Zig Ziglar, “If you aim at nothing, you’ll hit it every time.” At totoo ito. So keep your eyes on the prize at manatiling super focused, at ikaw ay magwawagi sa bawat oras.
