top of page

How to Save for the Future When You're Worried About Today


little girl with dad

May mga panahon na ang pag-iipon kahit ilang piso lamang ay tila imposible para sa iyo.

Ang pag-iipon para sa hinaharap ay hindi madali, lalo na kapag may inaayos kang mga bayarin sa credit card, nabubuhay ng paycheck to paycheck, at lahat ng iba pang ibinabato sa iyo ng buhay. Kung minsan, ang ideya ng pag-iipon ng pera ay maaaring napakahirap sa pakiramdam.

Ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi mo mababago ang iyong hinaharap simula ngayon.

Posible mong gawing prayoridad ang pag-iipon! Sa pamamagitan ng pagiging intensyonal sa iyong mga desisyon at paglalagay sa iyong mga layunin at prayoridad sa tamang lugar, itinatakda mo ang iyong sarili upang mag-ipon na hindi katulad ng iba.

How to Save for the Future

Alam naman nating lahat na kailangan nating mag-ipon para sa hinaharap, ngunit karamihan sa mga tao ay hindi nag-iipon. Bakit nga ba ganun? Narito ang ilang importanteng tanong tungkol sa pag-iipon na kailangan mong pag-isipan.

Do I have a budget?

Kung hindi mo sinasabi sa iyong pera kung saan ito pupunta kada buwan, maiiwan kang nagtataka kung saan ito napupunta. Kung wala kang budget, wala kang plano na pwedeng gumabay sa iyo.

Savings Secret #1: Make a Zero-Based Budget

Ang pagsasagawa sa pag-iipon bilang prayoridad ay hindi makakatulong sa iyo kung wala kang mahusay na budget. Kailangan mong bigyan ang bawat piso ng pangalan!

Ang ibig sabihin kung ikaw ay sumusweldo ng ₱30,000 sa isang buwan, kailangan mong malaman ng eksakto kung saan at paano mo gagastusin ang ₱30,000 bago magsimula ang buwan. Maaari mong hatiin ito sa kahit papaanong paraan na gusto mo sa pagitan ng pagbibigay, pag-iipon at paggastos, ngunit inirerekuminda naming ang mga porsyentong ito.

Kapag nakahanap ka ng dagdag na pera sa iyong budget (dahil binawasan mo ang ilang bagay gaya ng restaurants o gadgets), huwag kaagad umasa na pupunta ito sa iyong investment o pondo sa kotse. Ilagay mo ito kung saan ito dapat pumunta. Kung hindi mo ito bibigyan ng kategorya, magagastos mo ito, at mapapakamot ka na lang sa ulo sa nawawalang ₱5,000 na akala mo ay nasa iyo pa. Maging intensyonal ka!

Do I have competing goals?

Man being pulled in different direction

Pinopondohan mo ang iyong retirement, nagtatabi ka ng paunti-unti para sa pangkolehiyo ng anak mo, at nagbabayad ka ng mga utang, lahat ng ito habang nagbabayad ka ng minimum payments sa iyong credit card bills, car loans, at bagong gamit sa bedroom. Phew! Nakakapagod yan! Gayunpaman nagtataka ka pa kung bakit hindi ka makagawa ng progreso sa anumang bagay. Ito ay dahil ang mga layunin mo ay nagkukumpitensya sa isa’t isa.

Savings Secret #2: Focus Your Intensity

Huwag maipit sa pagsisikap na gumawa ng ibat-ibang bagay ng sabay sabay. Sa halip, ituon ang lahat ng iyong pagsisikap sa anumang Baby Step na kasalukuyang ginagawa mo. Kung ikaw ay nagbabayad pa ng utang o nag-iipon para sa iyong “fully funded emergency savings”, doon mo ituon lahat ang iyong atensyon.

Gumamit ng visual aids upang matulungan kang manatiling motivated upang matugunan ang iyong mga layunin sa pagtitipid. Maaari kang maging malikhain sa anumang paraan na gusto mo. Ang ideya ay panatilihin ang iyong progreso sa harapan mo.

Ito ay maaaring paggawa ng simpleng sukatan na pwede mong kulayan sa tuwing nakakagawa ka ng progreso sa iyong mga layunin kada buwan. O paglalagay ng isang jelly bean sa isang garapon sa bawat ₱1,000 na na-iipon mo para sa inyong susunod na bakasyon.

Kapag nakikita mo ang iyong progreso, ito ay tunay mong mararamdaman at makapagbibigay sa iyo ng extrang motivation na kakailanganin mo upang iwasan ang pagpunta sa coffee shop o pag-overtime sa trabaho.

Huwag mo nga palang kalimutang bigyan ng reward ang iyong sarili sa panahon ng iyong pag-iipon. Kapag na kuha mo na ang isang malaking saving goal, pwede mo nang itreat ang iyong sarili – sa makatwirang paraan. Nagawa mo ng mahusay ang iyong layunin, at upang mapanatili mong tuluy tuloy ito, kailangan mong huminto at magdiwang ng kaunti (at malaking) mga panalo sa bawat panahon!

Can I tell myself no?

saying no

Hindi mo masabi sa sarili mo ang “hindi”, kaya ang pagnanais na mag-ipon ay hindi isang mataas na prayoridad upang ipagpaliban ang pagbili ng extrang pizza, bagong smartphone, o sofa. Kaya, ginagastos mo lahat ng piso mo, o mas matindi pa, umuutang ka para lang bumili ng kung anu-anong bagay.

Hindi sapat ang iyong kita para makapag-ipon ka. Ngunit kailangan mong maging handa para tumigil sa paggastos ng paunti-unti sa mga bagay na nakikita ng iyong mga mata. Kaya mong mag-ipon ng pera – kailangan lang maging malaking prayoridad ito sa iyo.

Savings Secret #3: Make It a Challenge

Ang lahat ng malilit na bagay ay maaaring makatulong. Sa sandaling humindi ka sa ilang mga bagay, magugulat ka kung gaano ito kadali gawin. Ano ba ang dapat mong gawin sa perang natitira? Ipunin syempre! At heto ang paraan para dyan.

Sino ba ang ayaw sa isang challenge? Sa loob ng isang taon, ikaw ay mag-iipon ng paunti-unti kada linggo. Ibukod ang ₱2,000 sa unang linggo, pagkatapos ay ₱1,970, sunod ay ₱1,960 at iba pa.

Ang pagkakaroon ng 52 linggo sa isang taon ay nangangahulugang mayroon kang 52 pagkakataon na mag-ipon ng paunti-unti. Sa oras na makarating ka sa dulo ng taon, mayroon ka nang na-ipong pera. At pagkatapos ng 52 linggo, maaari kang magkaroon ng extrang ₱77,470 sa iyong savings. Hindi na masama diba.

Am I suffering from lifestyle inflation?

lifestyle inflation

Nakatanggap ka ng karagdagang sweldo “mahusay!” Ngunit huwag kang mahulog sa bitag ng lifestyle inflation. Ang pagtaas ng sweldo ay hindi nagangahulugan na dapat mong dagdagan ang iyong lifestyle. Kahit gaano kalakas ang tukso sa iyong sarili na i-upgrade mo ang iyong buhay, huwag mo itong gagawin! Ang mga karagdagang piso sa iyong paycheck ay maaaring pumunta sa iyong savings goal sa halip na ipambili mo lang ng ibang bagay na sa tingin mo ay “nararapat.”

Savings Secret #4: Make Your Raise a Direct Deposit to Savings

Pagkatapos mong magsaya at ipagdiwang ang iyong bagong sweldo kasama ang iyong kaibigan o pamilya, magpanggap na hindi ito nangyari. Seryoso ito. Ilipat ang nakuha mong pagtaas patungo sa iyong ipon tuwing sahuran. Ang iyong savings ay aangat ng husto at mas makakabuti ito para sa iyo.

Pwede mo ring ilagay sa automatic transfer galing sa iyong checking account patungo sa savings kada buwan sa bill payments ng iyong online banking kung may kapasidad ang iyong banko dito. Isipin mo nalang nagbabayad ka para sa future mo sa bawat pagkakataon. Sa maniwala ka’t sa hindi, ito ang pinakamaayos na bill na babayaran mo para sa sarili mo.

Sa ngayon, maaaring nararamdaman mong mali ang mga ginagawa mo. At siguro ay umaasa ka na mayroong step-by-step na plano para makapagsimula ka. Huwag kang mag-alala, meron tayo nyan!

So, Where Does Saving Fall in the Baby Steps?

Ang iyong future ay direktang naaapektuhan ng mga ginagawa mo sa kasalukuyan. Kadalasan, ang mga tao ay gumagawa ng dahilan at sinasabing “hindi sila nakakakuha ng sapat na pera” para makapag-ipon. Ngunit pwede kang makapag-ipon! Kailangan mo lang kontrolin ang iyong pera gamit ang isang mahusay na plano.

Our Proven plan

Baby Step 1

Kung ikaw ay baon sa utang, ang iyong pinaka unang planong dapat gawin ay maka-ipon ng starter emergency fund. Oo, bago ka pa man magsimulang magbayad ng normal sa iyong utang! Ang tawag naming dito ay Baby Step 1. Ito ay kung saan ikaw ay maghihigpit sa iyong budget, at itataguyod ang ₱50,000 sa mabilis na paraang kaya mo, (₱25,000 kung ang iyong kabuuang income sa taon ay mababa sa ₱1M). Sa sandaling nagawa mo na ito, lumipat ka na sa Baby Step 2 at simulan ang pag-atake sa lahat ng iyong utang!

Baby Step 2

Kaya pa ba? Ok magaling! Ngayon dito kadalasan nalilito ang ibang tao. Habang nagbabayad ka ng utang, kailangan mong huminto sa pag-iipon para sa hinaharap. Ang ibig sabihin nito ay kailangan mong itigil pansamantala ang mga bagay gaya ng retirement account (PERA), mutual funds, college savings, at pagdagdag sa iyong savings account.

Alam natin na hindi ito eksaktong pag-iisip na popular na itinuturo sa paaralan. Ngunit kung patuloy mong susundin ang nakasanayang pamamaraan , magtutuloy-tuloy ka pa rin sa pagbabayad ng iyong mga utang hanggang umabot ka sa retirement! At ayaw naming iyan para sa iyo.

Kaya narito ang magandang paraan. Kailangan mo ang lahat ng iyong momentum, enerhiya at pera na pumunta sa iyong layunin na maging debt-free. Kung mayroon kang limang magkakaibang layunin na sinusubukan mong pamahalaan ng sabay-sabay, hindi ito nagiging epektibo at pinatatagal mo ang iyong tagumpay.

Ngunit huwag malito. Kailangan mo pa ring mag-ipon para makabili ng mga bagay na kailangan mo. Ang tawag naming dito ay “sinking funds.”

Alam mo na ang Pasko ay sa Disyembre pa, kaya simulan mo na ang isang sinking fund sa maagang bahagi ng taon para makapag-ipon para dito.

Kaya ang pag-iipon sa mga specific na bilihin ay ok lang, siguraduhin lamang na hindi ka naglalagay sa iyong retirement fund hanggang ikaw ay wala nang utang.

Baby Step 3 and Beyond!

Sa sandaling nabayaran mo na ang bawat utang maliban sa mortgage sa bahay, maaari mong simulan ang pagdagdag sa iyong emergency savings at magkaroon ng maayos na pakiramdam.

Subalit huwag mong alisin ang iyong focus sa layunin! Kausapin ang iyong pamilya at alamin kung magkano ang kakailanganin mo at ng iyong pamilya para masakop ang tatlo hanggang anim na buwan ng mga gastusin. Ito ang magiging halaga na kailangan mong ipunin para sa iyong “fully funded emergency fund” (Baby Step 3).

Kapag naabot mo na ang mahiwagang numerong ito sa iyong savings account, congratulations! Natamaan mo na ang Baby Step 4 at pwede ka nang magrelax habang nagsisimula ka nang bumuo ng yaman. Ngayon ang oras upang magsimulang mag-invest ng 15% ng iyong sweldo papunta sa iyong retirement. Sa puntong ito, pwede mo na ring simulan ang paggawa sa Baby Step 5 (saving for kids college) at Baby Step 6 (paying off your home) lahat ng sabay sabay.

Natatandaan mo pa ba ang lahat ng perang ginagamit mo dati sa pag-atake sa mga utang mo? Ngaun, ginagamit mo na ito para makapag-ipon para sa future mo!

Keep Your Priorities in Mind

Hindi laging madaling mag-ipon ng pera. Ngunit ang pag-iipon ng pera ngayon ay nangangahulugang ikaw ay mas malapit sa pag-abot sa iyong mga layunin sa pera bukas. Nangangailangan lamang ito ng paggawa ng zero-based budget bawat buwan at manatiling motivated habang ginagawa mo ito.

Kung isang malaking pakikibaka ang paghahanap ng pera upang ipangtustos sa kagustuhan at pangangailangan ng iyong pamilya ngayon, maaari ka pa rin namang magsagawa ng adjustment sa iyong budget (kailangan mo ba talaga ng cable package?) at kumuha ng karagdagang side jobs upang ipandagdag sa iyong kita.

Ang pansamantalang sakripisyo na tulad ng pamumuhay sa mas kaunti ay balewala kumpara sa mararamdaman mo sa panahong kayang kaya mong magbayad sa susunod mong sasakyan ng cash, pagmamashid sa iyong emergency fund na lumalago, o pagdagdag sa iyong retirement ng paunti-unti.

Ang iyong kakayahang mag-ipon para sa iyong future ay limitado lamang sa iyong determinasyon. Maniwala ka sa iyong sarili, manatili sa budget, at huwag makinig sa negatibong boses sa iyong isipan. “You’ve got this!”

Determination

RECENT POST
bottom of page