Cash vs. Credit Card: Which Should I Use?
Ikakaskas mo nanaman ng isa pang ₱180 para sa isang cappuccino sa iyong credit card. Pangatlong beses na iyan sa linggong ito. Sa tingin mo ay mas madaling magdala ng ilang cards sa iyong wallet kaysa sa isang dakot na pera at mga barya. Oo naman, ang mga cards ay mas manipis, ngunit ang pagbabayad ng cash ay nangangahulugang hindi mo na kailangang mag-alala sa iyong ikinaskas na cappuccino isang buwan mula ngayon.
Kung ikaw ay hindi makapagdesisyon sa benepisyo ng paggamit ng cash, suriin mo kung bakit ang pagbabayad ng cash ay laging mas mahusay kaysa sa pagkaskas ng iyong credit card.
Is paying with cash really easier than using a credit card?
Sa tingin namin, Oo. Ngunit ang paggamit ng cash kumpara sa credit card ay isang mainit na paksa. Maraming tao ang gumagamit ng popular na dahilan para panatilihin ang paggamit ng card, ngunit hindi namin ito pinaniniwalaan.
Cash vs. Credit Card: What Are the Excuses for Credit Card Use?
Excuse 1: Mabilis kong mauubos lahat ang pera ko dahil sa kawalan ng kontrol sa sarili.
Ang aming tugon: Ginagawa ng mga “bata” ang mabuti sa kanilang pakiramdam, ngunit ang mga “adults” ay gumagawa ng plano at sinusunod ito. Kaya maging isang adult – gumawa ng plano para sa iyong pera at manatili dito. Ang hindi disiplinadong paggasta ay isang sintomas ng isang mas malaking problema. Kontrolin ang iyong paggastos, at makokontrol mo rin ang iba pang mga lugar ng iyong buhay.
Excuse 2: Hindi ko mababawi ang cash kung may taong magnakaw ng aking pitaka.
Ang aming tugon: Si manong mandurukot ay walang psychic abilities, kaya hindi niya alam na naglalakad ka sa paligid ng may ₱5,000 cash sa iyong pitaka. At kahit na manakawan ka, mas malaking problema ang mawalan ng card dahil sa oras na gugugulin mo sa pagtawag sa telepono para ipacancel ang card, pagbabago ng account numbers, at paglilinis ng iyong gulo sa credit card. Mas mahirap na manakawan ka ng pagkatao kaysa pera.
Excuse 3: Hindi ko magagamit ang cash sa pagkuha ng booking online. Mas madaling gamitin ang credit card online.
Ang aming tugon: Dalawang salita para sa iyo: Dedit Card. Ang online travel ay isa sa pinaka malaking dahilan sa cash versus credit card discussion. Ngunit sa huli, ang pagbabayad ng debit card online ay kasing ligtas ng paggamit sa credit card. At ito ang tanging kaparehong cash payment na aprubado para sa amin. Sige at gamitin ang iyong debit card upang magpareserve ng kuwarto sa hotel o bumili ng tiket sa eroplano, ngunit magbayad ng cash sa iyong mga pagkain kapag naglalakbay ka.
Excuse 4: Ang pera ay masyadong makapal at magulo, at lahat ng barya ay madaling mawala.
Ang aming tugon: Ang pagsasaayos ng iyong pera at barya ay kasing dali ng paggamit ng envelope system at isang simpleng garapon na sakto sa cup holder ng iyong sasakyan. Ang pera ay mananatiling organisado, at ang mga barya ay maiipon ng maayos hanggang handa ka nang palitan ito ng buong bills! Kung marunong kang mag-ayos ng iyong playlist, mayroon kang kakayahang ayusin ang iyong kuwarta.
Excuse 5: Ang cash ay matagal kuhanin kapag nakalinya sa tindahan.
Ang aming tugon: Hindi namin sinasabi na dapat kang maging isang tao na nagbabayad sa lahat ng pinamili ng gamit ang barya. Sinasabi lang naming na bigyan mo ang iyong sarili ng panahon na bilangin ng tama ang iyong sukli. “Patience is a virtue”, kaya’t makakatulong ito sa iyo at sa taong nakapila sa likuran mo.
Ngayong nasakop na natin ang mga karaniwang dahilan sa paggamit ng credit card. Magtiwala ka sa amin: Alam naming walang makukumpara sa paggamit ng cash para sa bawat pamimili.
“A debit card can do everything a credit card can do, except put you in debt.”
Cash vs. Credit Card: What Are the Benefits of Using Cash?
What you have is what you can spend.
Hindi kagaya ng credit, ang iyong cash envelopes (salamat na lang) ay hindi kayang magbigay ng walang katapusang daloy ng purchasing power. Kapag inubos mo ang iyong budget sa grocery sa simula ng buwan, mararamdaman mo ito sa katapusan ng buwan. Ang mga gawi ay nagbabago ng mabilis sa simulang maubos mo ang laman ng iyong envelope sa pagkain bago pa man dumating ang susunod na sweldo. Ang pitong araw ng tuyo at instant noodles ang maaaring pinakamahusay na proteksiyon sa kakulangan mo para dito.
You spend less when you use cash.
Ang pagkaskas sa credit card ay hindi masakit para sa iyo kung ikukumpara sa paggastos ng iyong perang pinagtrabahuhan.
Sa sandaling nagkaroon ka ng ilang oras kasama ang iyong pera, magdadalawang isip kang ibigay ito sa cash-register. Upang pahabain pa ang buhay nito, mamimili ka sa paligid at maghahanap ng magandang deals at natural na gagastos ka ng mas kaunti.
Cash can get you a deal.
Pagdating sa paggamit ng cash kumpara sa credit card, walang mas mahusay na paraan ng pagbargain kundi ang isang bulsa na puno ng cash. Mayroong isang bagay sa amoy nito na naaakit ang mga nagbebenta. Subukan mo ito sa susunod na nag hahanap ka ng bagong sasakyan. Masaya at may kasunod na deal ito.

Paying with cash reduces your chances of having your identity stolen.
Ayon sa 2017 Indetity Fraud Study na inilabas ng Javelin Strategy & Research, $16 bilyon ang ninakaw mula sa 15.4 milyong Amerikano sa 2016. Ang bawat kaskas ng iyong card o pag-input ng iyong card numbers online ay nakakadagdag sa pagkakataon na makompromiso ang iyong personal na impormasyon. Hindi mo gugustuhing makuha ang iyong pagkakakilanlan, kaya’y gumamit ng cash at panatilihin ang iyong personal na impormasyon sa iyong sarili.
Cash is convenient.
Alalahanin ang mga panahong tumatakbo ka sa tindahan at bumibili ng ilang bagay na gamit ang pera, mas madaling kumuha ng pera, magbayad, at gawin ang mga ito. Mula sa pag-aaral ng iyong anak ng piano lessons, sa pagbili ng girl scout cookies, may mga oras sa buhay na ang pera ay ang pinakamadaling paraan upang magbayad.

Purchases become a blessing, not a curse.
Kapag umiiwas ka sa utang, may isang bagay na hindi kapanipaniwalang nagyayari: Ang iyong bagong transmission, bagong sofa, at kahit na ang cereals ng iyong mga anak ay hindi mag-iipon ng interes kailanman. Ito ang pinaka magandang bagay!
Upang ganap na matamasa ang mga benepisyo ng paggamit ng pera, ang kailangan mo lang gawin ay dumaan sa banko at aktuwal na manguha nito. Ang mga susunod na hakbang ay madali na , mag-budget ng maayos, gumastos ng mas maliit, at magbargain ng husto.
Pagkatapos, tingnan kung ang madalas mong pagkakape ay maging mas masarap para sa iyo.
Are you ready to learn more about dumping the credit card and taking full control of your money? We’ll show you how to get out of debt, create a budget, and develop a plan for your future! Check out Financial Peace University!