How to Invest Money in Your 30s

Ang iyong 20s ay tungkol sa pagtatatag ng pundasyon para sa iyong career, sa iyong pera, at sa iyong relasyon. Ngayong nasa susunod ka nang yugto, “the big 3-0,” oras na upang bumuo kasama ng pundasyong iyon at lumikha ng isang magandang hinaharap para sa iyo at sa iyong pamilya sa pamamagitan ng pag-aaral kung paano mag-invest ng maayos.
Kung ikaw ay nasa iyong 30s, oras na upang magseryoso! Marahil ikaw ay kumikita ng mas maraming pera kumpara sa nakaraang dekada, at mas marami ka ring bagay na kailangang gawin at ibalanse ngayon. Sa pagitan ng pamilya at trabaho, maaaring maging magulo ang mga bagay bagay. Madaling tumingin lamang sa kasalukuyan, ngunit tandaan na darating ang hinaharap at gugustuhin mong maging handa para dito.
Why Should I Start Investing?

Ang pag-aaral kung paano mag-invest ng pera sa matalinong paraan ngayon ay positibong makakaapekto sa iyo at sa iyong pamilya sa mga darating na taon. Kahit na mukhang may kalayuan ito, kailangan mo nang simulang mangarap tungkol sa iyong pinansiyal na kinabukasan at kung ano ang gusto mong gawin kapag hindi ka na kailangang magtrabaho pa. Kung paglalakbay man ito sa ibat-ibang lugar, pagiging mapagbigay, o pagsisimula ng sarili mong negosyo – marahil ay nais mong gawin ang tatlong ito! Kapag nagsimula kang mag-ipon sa iyong 30s, nasa panig mo ang oras. Kaya mo yan!
Related: How Teens Can Become Millionaires
Related: Your Age, Your Money: How to Spend, Save and Invest Right Now
Pagdating sa diskarte ng pag-iinvest. Mabuting panatilihin itong simple. At kung mayroong anumang bagay na maaari mong gamitin sa iyong 30s, ito ay isang simpleng plano na gumagana.
How to Invest Money in 5 Steps

Ang buhay pinansiyal sa iyong 30s ay naiiba kaysa sa ginagawa mo sa iyong 20s. Ikaw ay nasa isang abalang panahon ng buhay, ngunit ang mga simpleng hakbang na ito ay makakatulong sa iyo na gumawa ng matalinong mga desisyon upang maabot ang iyong mga layunin sa pag-iinvest. Narito ang ilang tips kung paano mag-invest ng pera sa iyong 30s!
1. Master Budgeting and Set Some Big Goals

Karamihan sa mga nasa 20s ay may limitadong budget. Mababang pasweldo at contractual na trabaho ay nangangahulugang walang masyadong lugar para sa mga luho. Ngunit sa oras na tumuntong ka na sa iyong 30s at nagsisimula ka nang kumita ng mas malaki, maaari ka nang magsimulang maghanda at abutin ang iyong mahahalagang layunin sa pera.
Make a budget every month.
Ang pagpaplano sa iyong buwanang gastusin bago pa man magsimula ang susunod na buwan ang magbibigay sa iyo ng kapangyarihan upang matugunan ang iyong mga layunin sa pananalapi at matugunan ang pangunahing pangangailangan sa buhay. Bago ka ba sa pagba-budget? Maaari mong gawin ang iyong unang budget sa loob ng 10 minuto nang libre gamit ang simple lapis at papel o app gaya ng EveryDollar.
Related: What is a Budget?
Related: How to Budget Without Sacrificing what you Enjoy
Pay off debt.

Huwag mahulog sa patibong na ang mas malaking sweldo ay nangangahulugang “nararapat” ka nang magkaroon ng bagong sasakyan o mamahaling kagamitan. Gamitin mo ang iyong kita para mabayaran ang lahat ng iyong loans at credit cards – tanggalin mo na ang mga utang sa madaling panahon. Kapag wala kang ibang bayarin, magkakaroon ka ng margin sa iyong budget upang makamit ang iba mo pang layuning pinansiyal.
Save an emergency fund.

Ang sunod, mag-ipon ng emergency fund na tatlo hanggang anim na buwang katumbas ng iyong gastusin. Ang malungkot, karamihan sa mga Filipino ay walang nakahandang emergency fund at kadalasang nangungutang o nagbebenta ng mga gamit sa bahay upang tugunan ang mga hindi inaasahang pangyayari.
Ang mga hindi inaasahang gastusin ay dumarating sa atin. Kaya’t napaka importante ng emergency fund. Kapag mayroon kang perang nakatabi, maaari mong tugunan ang mga hindi inaasahang gastos nang hindi bumabalik sa pangungutang o panghihiram sa iyong retirement savings.
Related: A Quick Guide to Your Emergency Fund
Be wise with big purchases.

Kung ang isa sa iyong mga layunin ay ang pagpapatayo o pagbili ng bahay, ang susunod mong hakbang ay magsimulang mag-ipon para sa downpayment. Iwasan ang tukso na kumuha ng malaking bahay at ang napakalaking bayarin “mortgage” na kasama nito. Ang pag-uunawa kung magkano ang kaya mong bayarang bahay ang susi. Kapag ang iyong mortgage ay konserbatibo, magkakaroon ka pa ng lugar sa iyong budget upang bumuo ng yaman para sa hinaharap.
Sa oras na ikaw ay malaya na sa pagkaka-utang at may sapat na ipon, magkakaroon ka ng pundasyong pinansiyal (financial foundation) na pinapangarap lamang ng karamihan sa mga taong doble ang edad sa iyo. Sa katatagan na ito, handa ka nang mag-invest para sa iyong kinabukasan.
Related: Stop the Panic with a Sinking Fund
2. Save 15% of Your Income for Retirement

Kapag wala ka nang utang at mayroon ka nang emergency fund na katumbas ng tatlo hanggang anim na buwan ng gastusin na nakatabi, magsimula ka nang mag-invest ng 15% ng iyong sweldo (gross) sa retirement. Kapag mas maaga mong simulan ang pag-iinvest, mas magiging mabisa ang compound growth para sa iyo.
Ang ibig sabihin: Kapag nagsimula kang mag-invest ng ₱1,000 kada buwan sa isang “good growth stock mutual fund” kapag ikaw ay nasa edad na 35. Kung ang iyong investment ay lumago sa loob ng 30 taon sa “historic average annual rate of return”, maaari kang magkaroon ng mahigit sa ₱2.1 milyon kapag ikaw ay nagretiro na. Magkano ang pera na iyong inilagay? Mas mababa sa ₱370,000. Ang natitira ay compound growth!
Papaano ka ba dapat magsimulang mag-invest sa iyong retirement? Magsimula sa Mutual Funds. Pagkatapos (ikaw at ang iyong asawa kung ikaw ay kasal) ay maaaring mag-invest ng 100k (Local Based) hanggang 200k (for OFW) kada taon sa PERA (Personal Equity and Retirement Account).
Kapag nagsisimula nang dumating o lumaki ang mga anak, maaaring makaramdam ng hirap ang iyong budget. Lalo na kung isa sa inyo ay nasa bahay lamang at nag-aalaga sa mga bata. Kahit na ang sa iyo ay isa o dalawang kumikitang pamilya, kakailanganin ng maingat na pagpaplano upang makamit ang iyong pangmatagalang layunin. Tandaan lamang, sa panahong binabalanse ang pag-iipon sa kolehiyo at iyong layunin sa pagreretiro, ang pag-iipon ng 15% ng iyong sweldo para sa pag-reretiro ay dapat na mauna.
3. Choose Good Growth Stock Mutual Funds

Normal lamang na makaramdam ng lumbay sa dami ng mutual fund options kapag pumipili ka o pakikipag usap sa “P E R A” sa iyong financial advisor. Sa dami ng pagpipilian, maaaring mahirap malaman kung paano mag-invest nang iyong pera sa pinakamahusay na paraan.
Ngunit ang pagpili sa tamang mutual funds ay simple lamang kung susundin mo ang magandang stratehiya. Magandang panatilihin ang iyong portfolio na sari-sari (diversified) sa pamamagitan ng pagkalat ng iyong investment ng pantay-pantay sa apat na kategorya na mutual fund:
Growth
Growth and income
Aggressive growth
International
Ganyan lang kadali! Ang pagpapanatili sa iyong portfolio na balance sa apat na uri ng funds ay makakatulong mabawasan ang panganib at samantalahin ang returns na maaaring ibigay ng stock market. Kung nalilito ka pa rin sa mga fund options, makipag-usap sa isang mahusay na financial advisor. Matutulungan ka nila na maunawaan ang mga detalye upang magkaroon ka ng tiwala sa kung paano i-invest ang iyong pera.
Related: Retirement Savings Program
4. Invest With a Long-Term Perspective

Kapag ang market ay tumaas o bumaba, madaling makagawa ng emosyonal na desisyon patungkol sa iyong mga investments. Tandaan lamang: Saving for retirement is a marathon, not a sprint! Kapag nag-iinvest ka sa iyong 30s, mayroon ka pang ilang dekadang natitira bago ka magretiro. Nasa magandang posisyon ka upang sumakay sa mga alon ng merkado.
Ang paglabas pasok habang sinusubukan mong orasan ang market ay maaaring hindi maging maganda para sa iyo. Mas madali kang magkakamali at magiging sanhi ng pagbaba ng iyong kita sa merkado.
At kahit anong mangyari, huwag kukuha ng pera sa iyong mutual fund. Huwag mong nakawan ang iyong kinabukasan para lang pondohan ang iyong luho o pinapangarap na bakasyon. Ilayo ang iyong mga kamay mula sa iyong retirement account hanggang handa ka nang magretiro, at mag-invest ng madalas taun-taon, anuman ang kondisyon ng merkado. Iyan ay isang long-term investing strategy na maaari mong asahan.
5. Invest Money With an Expert

Ang iyong 30s ay talagang isang magandang panahon sa buhay. Mayroon kang napakalaking potensiyal upang maabot ang iyong mga layunin. Ngunit ang tagumpay ay hindi basta-basta ibibigay sa iyo, kailangan mong magtrabaho ng husto at kumilos.
Sa iyong 30s, nakakuha ka na rin ng sapat na karanasan sa buhay upang malaman na wala sa iyo ang lahat ng kasagutan tungkol sa long-term retirement investing. Kaya’t magandang makipag-ugnayan muna sa isang bihasang inveting pro na kayang sagutin ang iyong mga katanungan at ipakita sa iyo kung paano simulan ang iyong retirement savings sa madaling panahon.
Humanap ng financial advisor na mananatili sa iyo sa matagal na panahon at makakatulong sa iyo sa mga mahirap na panahon.
Related: The Truth about Investments