The Envelope System Explained
Hindi na bago ang envelope system - ito ay ginagamit na mula pa noong nakaraang dekada. Ngunit may ilang mga tao na hindi pa rin alam nang eksakto kung paano ito gumagana.
So, What Is the Envelope System?
Gamit ang envelope system (o kung minsan ay tinatawag kong clip system) gumagamit ka ng cash para sa iba’t ibang mga kategorya ng iyong budget, at itinatago mo ang perang iyon sa loob ng mga envelope. Eksakto mong makikita kung magkano ang perang natitira sa isang budget category sa pamamagitan lamang ng pagsilip sa iyong envelope. Ganon lang kadali.
How the Envelope System Works
Magandang ideya na gamitin ang envelope system para sa mga items na may posibilidad na sumira sa iyong budget. Isipin ang mga bagay tulad ng groceries, restaurants, entertainment, gas at damit.
Ang pinakamaganda sa lahat, hindi mo kailangang mag-ipon ng anumang pera upang simulang gamitin ang envelope system. Gumagana ito ng ganito: Sabihin nating nag-budget ka ng ₱25,000 sa isang buwan para sa groceries. Kapag nakuha mo ang iyong unang sahod ng buwan, kumuha ng ₱12,500 mula sa iyong bank account at ilagay ito sa isang envelope. Sa envelope na iyon, sulatan ng “Groceries” Kapag nakuha mo na ang iyong natitirang sahod sa buwan, gawin muli ang parehong bagay, ilagay ang ₱12,500 sa envelope. Iyon ang iyong ₱25,000 na budget sa pagkain para sa buwan. Simple lang diba?
Walang perang lalabas sa grocery envelope na iyon maliban sa pagbabayad ng pagkain sa tindahan. Kung sakaling patungo ka ng grocery upang bumili ng pagkain at hindi sinasadyang naiwan mo ang envelope sa bahay, umuwi ka at balikan mo ito.
Tiyaking kumuha ng sapat na pera tuwing pupunta ka sa grocery. Kung kumuha ka ng ₱7,500 at ang kabuuang halaga ng iyon pinamili ay nasa ₱8,000, magtanggal ng ilang bagay sa iyong grocery cart at ibalik ang mga ito. Alamo kong mahirap itong isagawa! Ngunit ito ay mas mahusay kaysa sa masira mo ang iyong kategorya sa grocery sa buwang iyon! At siguraduhing ilagay ang anumang sukli sa pinamili pabalik sa envelope.
Huwag kalimutang sa oras na nagastos mo na ang pera, wala na ito! Kung gusto mong pumunta sa tindahan ngunit hindi na sapat ang iyong pera, buksan ang iyong refrigerator para sa mga tira-tira. Gumawa ka ng pantry challenge! Maghalungkat ka sa kusina upang makita kung ano ang pwedeng gamitin upang makagawa ng hapunan nang hindi pumupunta sa grocery. Ito ay isang mahusay na paraan upang maging intensyonal sa iyong paggastos!
Reward Yourself
Kung mayroon kang perang natitira sa envelope sa katapusan ng buwan, “congratulations!" Nagawa mo ng maayos ang iyong budget! Ito ang pinakamasarap na pakiramdam. At ok lang na ipagdiwang ito….”within reason”. Gantimpalaan ang iyong sarili sa pamamagitan ng pagkain sa labas o pumunta sa coffee shop, o kaya ay gamiting pandagdag ang natirang pera para sa susunod na buwan upang magkaroon ka ng mas malaking budget sa pagkain.
Ang pagbibigay sa iyong sarili ng “reward” ay mahalaga dahil nakakatulong itong mapanatili kang motivated. Dapat mong ipagdiwang ang mga maliliit na panalo “sa bawat sandali! At kung ikaw ay nasa Baby Step 2, kuhanin mo ang ekstrang pera na iyon at ilagay sa iyong “debt snowball”. Ang bawat maliliit na bagay ay makakatulong!
Don’t Cheat on Your Envelopes
Narito ang isa sa mga pangunahing bagay na dapat mong tandaan: Mag-ingat na huwag humiram sa iba pang mga envelope. Pagdating sa envelope system, maaaring maging mapanukso para sa iyo na kumuha sa ibang kategorya upang pondohan ang iba. Sabihin nating nagamit mo na ang pera sa loob ng iyong restaurant envelope, huwag kang maugulat kung may boses sa iyong sarili na magsasabing kumuha ka ng pera sa loob ng envelope na may kategoryang “Clothing.”
Tandaan, ang buong layunin ng “envelope system” ay kontrolin ang iyong paggastos at tulungan kang manatili sa iyong budget.
Kung naubusan ka ng pera para sa restaurant, kumain ka ng mga natira sa halip na lumabas. Kung nakikita mong mas mabilis na nauubos ang iyong pera para sa gasolina ng mas mabilis kaysa sa iyong binabalak, limitahan ang iyong mga biyahe o mag “carpool” papunta sa trabaho. Maging malikhain at maghanap ng mahusay na paraan upang maayos ang iyong pera kapag ang iyong mga envelope ay nauubusan na!
Kung may krisis na naganap sa kalagitnaan ng buwan o may biglaang pangyayari, at wala kayong pagpipilian kundi ilipat ang iyong mga pondo sa envelope, tumawag ng isang “emergency budget meeting” upang pag-usapan ito.
Kung ikaw ay kasal, makipag-usap sa iyong asawa at talakayin ang pinakamahusay na aksiyon para dito, ayusin ang budget, at pareho kayong sumang-ayon dito. Pareho kayong dapat na sumang-ayon at magdesisyon para dito.
Related: 3 Ways to get you spouse on board financially
Related: Nerds and free spirit can unite over the budget
At kung ikaw ay walang asawa, kumuha ng isang “accountability partner” na nakatuon sa pananatili mo sa budget. Ito ay maaaring isang kaibigan, kapamilya o katrabaho na iyong pinagkakatiwalaan at nakakaalam sa iyong prinsipyo sa pera na ginagawa mo.
Tandaan, ang mga envelope ay mahusay na sandata upang labanan ang sobrang paggastos. Makakatulong ang mga ito na pamahalaan ng mas mahusay ang iyong pera. Hayaan mong gumana ang envelope system para sa iyo at maging intensiyonal tungkol sa iyong paggastos ng pera!