Tired of Living Paycheck to Paycheck

Alam mo ba kung saan talaga napupunta ang iyong pera kada buwan? Kung hindi, ito ay isang malaking babala para sa iyo na oras na upang simulang bigyan mo ito ng pansin.
Maraming tao ang umiiwas sa “pagba-budget” dahil naniniwala sila na mahusay silang humawak ng kanilang pera. Ngunit madalas, ang mga taong kumikita ng disenteng sweldo ay hindi pa rin maka-alis sa paulit-ulit na pamumuhay ng “paycheck to paycheck”.
Sa katunayan, ayon sa nakaraang survey ng Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) noong Dec 8, 2017, bumaba mula 36.8% sa 35.6% ang bilang ng sambahayang Filipino na mayroong savings. Binanggit ng mga respondents na ang pagbaba ay dahil sa mga emergencies, education, hospitalization, retirement, investments at pagbili ng real estate.
Karagdagan pa dito, 97.2% ng sambahayan na nakakatanggap ng padala galing sa mga migrant workers (OFW) nung nakaraang fourth quarter ng taonng 2017 ay nagsabing, ginastos nila ang perang natanggap nila sa pagkain at iba pang pangangailangan.
Nagiging malaking balakid ito sa karamihan ng pamilyang Pilipino – at ang matindi pa dito ay maraming tao na kumikita ng maayos ay patuloy na namumuhay ng kada buwan lamang, sa halip na makapag-ipon para sa hinaharap at pangmatagalang pangangailangan.
Isipin mo ito sa ganitong paraan: gaano mo kadalas inaabot ang katapusan ng buwan at mapagtanto mong nagastos mo na pala ang iyong pera na binabalak mong ipunin?
Kung ikaw ay pangkaraniwang Filipino, marahil ay madalas mo itong nararanasan.
What’s keeping People in this vicious cycle
Kadalasan, ang problema ay wala talagang ideya ang mga tao kung saan nila ginagastos ang pinaghirapan nilang pera, at dahil hindi nila ito binibigyan ng pansin, napakadaling mag-aksaya ng pera na dapat sana ay nakaplanong ipunin.
Ang mas matindi pa, maraming tao ang umaabot sa sitwasyon na nagkakaroon ng malaking utang sa credit card upang mapanatili lamang ang kanilang kasalukuyang lifestyle.
Kaya kung nais mong manguna sa iyong pera at simulan ang pagkontrol sa iyong sariling buhay pinansiyal, ngayon at sa hinaharap, oras na upang gumawa ka ng ilang mga pagbabago.
Hanggang sa magpasya kang bigyan ng atensyon kung saan napupunta ang iyong pera, uulit lamang ito at hindi matatapos at sa kalaunan, ito ang magiging balakid sa iyo upang magawa mo ang mga bagay na nais mong gawin sa panahong gusto mo. Ang mga credit cards ay hindi tumatagal, at habang dumarami ang iyong utang, lalong nagiging mahirap para sa iyo na umahon mula dito at ito ay magiging isang stressful na sitwasyon para sa iyo.
Ngayong mayroon ka nang mahusay na ideya kung bakit mahalagang bigyan ng atensiyon ang iyong pera, mayroong isang madaling solusyon upang maisaayos ang iyong finances at iwasang bumalik sa paulit-ulit mong pamumuhay.

The #1 way to stop living paycheck-to-paycheck
Ang pagsubaybay sa iyong mga gastusin ang pinakamahusay na paraan upang makontrol mo ang iyong pera. Ito ay sa kadahilanang:
Una, kung gusto mong matigil ang paulit-ulit na pamumuhay ng “paycheck-to-paycheck”, kailangan mong alamin kung saan napupunta ang iyong pera, at kailangan mong bigyan ang bawat piso ng layunin. Ang pagsubaybay kung magkano ang perang dumarating kumpara sa perang lumalabas at saan eksaktong pumupunta ang pera ay ang tanging paraan upang maunawaan mo ang iyong finances. Ang pagkakaroon ng tiwala sa iyong pera ay mahalaga. Ito ang nagbibigay daan sa iyo upang gumawa ng tamang desisyon sa tamang oras.
Ngunit upang magawa ito, dapat mong maunawaan ang iyong ugali at gawain at kung anong pagsasaayos (adjustments) ang kailangan mong gawin.
Ang susi sa pag-gawa ng matalinong pinansiyal na desisyon na mayroong malaking epekto sa buhay mo ngayon at sa hinaharap ay ang eksaktong kaalaman kung ano ang nagyayari sa iyong pera bawat araw, linggo at buwan.
Kung hindi mo ito bibigyan ng pansin, ito ay magiging napakahirap na siguruhing ikaw ay handa para sa bawat isa sa iyong malalaking layunin. Kabilang ang retirement savings, pagbuo ng emergency savings fund at pag-iipon sa malalaking bagay gaya ng pagbili ng bahay at lupa o sasakyan.
Paano Magsimula?
Kung nais mong simulang pamahalaan ang iyong pera ng mas maayos, narito ang tatlong hakbang upang makapagsimula.
1. Magtakda ng mga Layunin (goals)
Alamin kung ano ang iyong mga prayoridad para sa ngayon at sa hinaharap. Halimbawa, pagbili ng bahat at lupa, pagbili ng kotse, magandang bakasyon, emergency savings, retirement, atbp.
Kung hindi moa lam kung bakit ka nag-iipon, kadalasan ay napupunta lamang ito sa ibang bagay. Kaya’t alamin kung ano ang iyong malalaking layunin (goals) at simulang gumawa ng hakbang upang maabot ang mga ito.
RELATED: The 7 Financial Baby Steps
RELATED: Goal Setting the Smart Way
2. Gumawa ng Budget
Magsimula sa pamamagitan ng pag-unawa kung magkano ang perang dumarating sa iyo at kung magkano ang lumalabas.
“A Budget is people telling their money what to do, instead of wondering where it went.”
Tingnan lahat ang iyong buwanang gastos at alamin kung magkano ang iyong binabayaran bawat buwan para sa lahat ng iyong buwanang bills at obligasyon – pabahay (renta o mortgage), mga utility, insurance, transportasyon, at iba pang buwanang gastusin (cell phone bills, tuition, subskripsiyon tulad ng Cable atbp.) at anumang buwanang obligasyon sa utang (tulad ng mga bill sa credit card).
Alamin kung saang area ka maaaring magbawas ng bayad kada buwan, at pagkatapos ay simulang bumuo ng iyong budget base sa kung ano ang dapat mong gastusan sa bawat buwan – kabilang ang mga buwanang gastos, ang mga nabawasan mo at ang mga dapat mong bayaran kada buwan, pati na rin ang mga gastusin gaya ng groceries at dagdag na perang panggastos.
Pagkatapos ay paghati-hatiin ang iyong sweldo upang masakop ang bawat bahagi ng budget. Tandaan, gumamit ng cash at hatiin ito sa iba’t ibang envelope kada buwan, at siguraduhing manatili sa iyong budget.
RELATED: The Secret to Saving Money
RELATED: How to do a Budget
3. Subaybayan lahat
Ngayong nakapagtakda ka na ng mga layunin at nakagawa ka na ng budget, na isang mahusay na simula, ngunit kung hindi mo ito susubaybayan, ang panannatili sa budget ay magiging napakahirap.
Ang pag-gawa lamang sa isipan ng iyong mga gastusin ay hindi maaasahang paraan upang mapanatili ang iyong budget ng maayos, kahit gaano pa kahusay ang iyong memorya.
May mga mahusay na tools na magagamit mo upang makatulong sa iyong mapanatili ang pagsubaybay mo sa iyong budget. Makakatulong itong masubaybayan mo ang iyong paggastos sa bawat area o kategorya at makita na na-aabot mo ang iyong mga layunin (malaki man o maliit). At maaari mong gawin ang lahat ng ito mula mismo sa iyong smart phone, tablet o computer- anuman ang gusto mo.
Maliban sa pangkaraniwang lapis at papel, maaari kang gumamit ng Excel Sheet o isang app tulad ng Every Dollar. Ang importante ay alam mo kung saan napupunta ang iyong pera kada buwan ay nasusubaybayan mo ito.
RELATED: How to Budget Without Sacrificing What You Enjoy
RELATED: Nerds and Free Spirit Can Unit Over the Budget