5 Valentine's Money Wasters: Lose the Cost, Keep the Love
"Retailers love to sell love."
Bawat taon, gumagastos sila ng milyun-milyon upang matiyak na manguha tayo ng five-course dinners, mamahaling bouquet ng bulaklak at mga hikaw na kumikinang ng husto. At dahil mapagmahal tayong mga Pinoy nagiging kaugalian na natin ito taun-taon.
Sa Amerika mahigit $13 bilyon taun-taon ang ginagastos para sa Araw ng mga Puso o Valentine’s Day.
Ayon sa isang survey na ginawa ng Mastercard Consumer Purchasing Priorities. Sa buong Asia Pacific, ang mga lalake at babae ay nagpapakita ng pag-ibig sa iba’t-ibang paraan kapag namimili ng mga regalo.
Ang nangunguna rito ay mga taga China (75%) kung saan tatlo sa apat na indibidwal ay nagpaplanong bumili ng regalo para sa kanilang special someone. Sumusunod ang Thailand (74%), kasunod ang Malaysia at Philippines na may (63%).
Kung hindi mo kayang i-afford ang mahal na version ng romance kagaya nito, narito ang isa pang ideya: Gumawa ng makatotohanang plano para sa iyong pera. At kung ibig sabihin nito ay kailangan mong magtipid, gawin mo ito kaagad.
Narito ang limang Valentine’s Day tradition na maaari mong iwasan (nang walang anumang kawalan sa pag-ibig) upang makatipid ng mas malaki sa pera.
1. Fixed Menus
Ang mga restaurant ay kilalang-kilala sa pagdagdag ng kanilang mga presyo sa pagsapit ng Mother’s Day at Valentine’s Day. Alam nila na bihira o ayaw ng mga tao na magluto at maglinis sa mga okasyong ito. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang tanging alternatibo ay isang outing na napakamahal.
Isang tabi muna ang nakaugalian. I surpresa ang iyong mahal sa buhay sa loob ng linggo, kung saan ang pila ay hindi mahaba at normal ang mga menu.Pagkatapos, kapag ang iba ay nagsisimula nang magkagulo sa pagkuha ng reservation at kumuha ng babysitter, maaari ka ng magrelax, umorder ng pizza at mag enjoy sa inyong sofa.
2. Flower Delivery
Ang pag-ibig ay hindi limitado sa mga pulang rosas. Maniwala ka’t sa hindi, ang ibang bulaklak (sa iba pang kulay) ay nagpapakita rin ng simbulo ng pagmamahal. Kaya magdalawang isip bago ka mag preorder ng ₱5,000 halaga ng long-stemmed na rosas.
Kung siya ay mahilig sa bouquets, bakit hindi ka kumuha ng ilang magagandang puting blooms at isang pulang rosas upang ilagay sa bungkos? O kung hindi siya mahilig sa bulaklak, bakit hindi ka kumuha ng magandang succulent na nasa maayos na pot, o isang dosenang pula at pink na mga lobo? Tiyakin mo lamang na ito ay isang bagay na talagang pinahahalagahan niya.
3. Boxed Chocolates
Bumili ng tsokolate. Ngunit mag-isip ng kakaiba sa halip na ang nakasanayang heart shaped box. Para sa isang masayang spin, maghanda ng mga homemade goddies kasama ang mga bata. Hindi ito mahirap at mas magiging enjoyable pa ang experience.
Pumunta lang sa tindahan at kunin ang ilang high quality chocolate bars, ilang prutas at isang bag ng pretzels. Tunawin ang tsokolate at gawing pang dip! O kung masyadong matrabaho ito, kumuha ng ilang chocolate chip cookie dough at isang lata ng icing. Mag bake ng malaking cookie ay hayaang ang mga bata ang gumawa ng dekorasyon dito. Napakadali diba.
4. Diamond Jewellery
Maliban na lang kung ang inyong anibersaryo ay tumapat sa araw ng mga Puso, kalimutan mo na ang overpriced na alahas. Ang alahas ay isang mainam na regalo, ngunit hindi mo kailangang bumili para sa kanya ng isang malaking diyamante para lang sabihing “Minamahal Kita.”
Pumunta sa mga website tulad ng Etsy para sa mga one-of-a-kind na regalong maganda ang presyo. O kung ang iyong minamahal ay mayroon ng mga heirloom na singsing o hikaw, bakit hindi mo sila kunin, palinisan o ipa-repair sa isang reputable na jeweler? Ang iyong thoughtfulness ang magpapa-init sa kanyang damdamin, higit pa sa pangkaraniwang alahas.
5. Store-Bought Greeting Cards
Kahit hindi ito malaking gastos, ito ay talagang isang kapaki-pakinabang para sa mga retailers. Ito ay dahil marami ang namimili ng Valentine’s day cards taun-taon. Gaya na lang sa Amerika na mahigit 180 milyong Valentine’s Day cards ang binibili kada taon! Kung mas gusto mong laktawan ang mga cheesy greetings, kontsabahin ang iyong mga anak at maging creative.
Bigyan sila ng glitters, krayola at construction paper at hilinging mag disenyo ng ilang special cards na pwede nyong ibigay sa isa’t-isang mag asawa. Pagkatapos ay magsulat ng meaningful messages sa loob nito bago niyo ibigay sa isa’t-isa. Magugustuhan ng mga batang mag-participate at mahahasa pa ang kanilang creative side.
Ang Araw ng mga Puso ay hindi kailangang maging magastos. Maglagay lamang ng budget at maging malikhain. Napakaraming paraan upang i-bless ang iyong sweetheart for less.
