top of page

Goal Setting the Smart Way


Checklist

Marami sa atin ang pumapasok sa bagong taon na may magandang intensyon na kontrolin ang ating buhay, pera, maging mas masigla ang pangangatawan, o magsimula ng bagong hobby. Ngunit ang katotohanan ay marami sa atin ang nabibigong matugunan ang mga layuning ito.

Kahit anu pa mang oras ng taon ito, ang pagtatakda ng goals ay palaging nasa estilo. Ngunit paano mo mapapanatili ang iyong mga layunin ng higit pa sa ilang linggo at talagang makamit ang mga ito?

Kung naghihintay ka sa isang bagay o ibang tao na baguhin ang iyong buhay, maaaring ikaw ay maghintay ng matagal. Kailangan ay mayroon ka ng gawin ngaun. Panahon na upang umupo, kontrolin, at gumawa ng mahusay na layunin.

Seven Areas of Life You Can Try Goal Setting

Mahalagang magkaroon ng mga layunin para sa lahat ng mga mahahalagang bahagi ng iyong buhay. Tamaan mo ang mga ito at makakarating ka sa daan ng tagumpay. Balewalain ang isa o dalawa dito at maaaring maging hadlang ito sa iyo sa pag-abot ng kabuuan ng iyong mga layunin. Ang magandang rekomendasyon dito ay magtakda ng mga layunin para sa pitong area na ito:

  • Financial Goals: Simulan ang pag-iipon para sa pagreretiro, makaahon sa pagkakautang, o mag-implement ng isang buwanang zero based budget.

  • Spiritual Goals: Kumuha ng isang bagong devotional, magsimula ng pang araw-araw na journal ng pasasalamat, o makasama sa isang grupo sa iyong simbahan.

  • Fitness Goals: Magworkout ng mas madalas sa gym, gumamit ng hagdan sa halip na elevator, o tandaang kumain ng mga masusustansiyang gulay.

  • Educational Goals: Bumalik sa pag-aaral upang tapusin ang iyong degree, kumuha ng iyong MBA, o magbasa ng maganda at makabuluhang libro bawat buwan.

  • Family Goals: Magplano ng mga one-on-one days kasama ang iyong mga anak, magkaroon ng date night kasama ang iyong asawa, o gawing isang punto na tawagan ang iyong Nanay at Tatay tuwing linggo ng gabi.

  • Career Goals: Magtrabaho patungo sa isang promotion o dagdag sweldo, gumawa ng isang bagay na makikinabang ang iyong career, o magpadala ng mga resume kung naghahanap ka ng bagong career path.

  • Social Goals: Sumama kapag may nag-imbita sa iyo sa lunch o isang social gathering, o para sa ilan, sabihing hindi ng mas madalas kung sa hindi makabuluhang bagay lamang ang pag labas.

Ano ang gusto mong gawin? Bigyan ang iyong sarili ng pahintulot upang makita ang mga walang katapusang posibilidad ng hinaharap para sa iyo. Pagkatapos ay maghanda upang harapin ang iyong mga layunin at isakatuparan ang mga ito.

How Do You Create SMART Goals?

Kung ikaw ay nalilito kung saan magsisimula, tandaan lamang ang acronym na “SMART”:

Specific Measurable Achievable Relevant Time-sensitive

Ang limang elementong ito ang magiging building blocks para sa pagkamit ng iyong mga layunin.

Writing down SMART Goals

Ang pinakamahusay na paraan upang mag-set ng SMART goals ay ang pagsulat sa mga ito, kabilang ang lahat ng mga hakbang na kailangang gawin upang makarating doon. Isang kamangha-manghang bagay ang mangyayari kapag naglaan ka ng oras upang isulat ang iyong mga partikular na layunin. Sa halip na ilagay mo lamang ito sa iyong isipan, maaari itong makatulong sa iyo na makamit ang mga ito.

Ang paglalagay ng iyong mga layunin sa sulat/listahan ay isang mahusay na paraan upang mapanatili ang iyong sarili na accountable at subaybayan ang iyong progreso sa kalaunan. Gumamit ng isang Goal Tracker Worksheet upang isulat ang iyong mga layunin kasama ang mga hakbang na kailangan mong gawin upang makamit ang mga ito.

Keep It Specific and Measurable

Para gumana ang iyong mga layunin, kailangan mong mag focus sa kung ano mismo ang nais mong makamit. Halimbawa, ang pagsasabi lamang ng gusto mong magbawas ng timbang ay hindi sapat. Sa halip subukang, “Gusto kong magbawas ng 20 pounds at makagawa ng 20 pull-ups sa isang hilera.” Ang layuning ito ay specific at may kasamang eksaktong, measurable na halaga.

Bigyan ang iyong sarili ng daily, weekly, o monthly steps na makakatulong sa iyong makita kapag ikaw ay nagkakaroon ng progreso patungo sa iyong layunin. Kung alam mo ang iyong ultimate goal ay magbayad ng ₱1,200,000 ng utang sa susunod na taon, kailangan mong magbayad ng ₱100,000 kada buwan upang maabot ang layuning iyon, o nasa ₱23,000 sa isang linggo. Ang paghimay himay nito sa mga detalye ang magiging dahilan upang ang mga layunin ay maging mas achievable.

Set a Time Limit

Ang pagbibigay sa iyong sarili ng date para sa iyong goal ay magbibigay sa iyo ng isang punto na pupuntiryahin. Sa sandaling mayroon ka ng time-sensitive na target, lumikha ng isang plano at himay-himayin ito hanggang sa araw-araw na Gawain. Pagkatapos ay bigyan ang iyong sarili ng isang deadline. Kagaya ng, “Gusto kong mabawasan ng 20 pounds sa January 31.”

Ngaung alam mo na ito, gaano karaming beses kailangan mong magworkout sa bawat linggo? Ano ang magiging calorie intake mo sa pang araw-araw? Habang inihahanda moa ng iyong diskarte. makikita mo nang malinaw kung kayang maabot o hindi ang iyong mga layunin.

Own It!

Ang isa sa pinakamadaling paraan upang mabigo sa goal setting ay sa pamamagitan ng pagsisikap na makamit ang mga layunin ng ibang tao. Kung ang nais ng iyong mga magulang na maging pinakamahusay kang doctor sa bansa, hindi ito mangyayari maliban nalang kung ito ay pangarap mo rin.

Bakit? Dahil ang pagsisikap na manalo ay hindi para sa mahihina ang puso at damdamin. Mahirap ito. At hindi ka magkakaroon ng drive at motivation na manatili dito kung nagpupursige ka patungo sa isang layunin na hindi ka naman passionate about.

Gayundin, dahil lamang sa nais ng iyong asawa o ama na makabayad ka sa utang ay hindi nagangahulugang gagawin mo ito. Kailangang gustuhin mo rin ito. Ang mga layuning iyong itatakda ay dapat na iyong layunin-dahil kapag naging mahirap na ang sitwasyon, ikaw ang dapat makipaglaban upang gawin itong isang katotohanan.

Start Setting Goals That Matter Today!

Huwag mawalan ng pag-asa kung hindi mo maisagawa ang iyong mga layunin sa orihinal na paraang binabalak o kung nawala ka sa tamang daan. “Life happens”, at lahat tayo ay nakakaharap ng sagabal sa daan ng ating buhay. Ayos lang yan! Hangga’t nananatili kang nakatutok sa end goal at patuloy na humahakbang paunti-unti patungo sa pagkamit nito, ikaw ay nasa magandang daan patungo sa malaking pagbabago.

With the right plan, you CAN take control of your money, beat debt, and change your future in 2018.

Tags:

RECENT POST
bottom of page