The Secret to Saving Money
Sa pag-iipon, hindi mo kailangang maging mahusay sa math. Ang sikreto sa pag-iipon ng pera ay pagkakaroon ng mga priorities.
Hindi ka mag-iipon ng pera kahit mabigyan ka pa ng dagdag na sahod. Hindi ka mag-iipon ng pera kahit matapos mo pang bayaran ang iyong sasakyan. Hindi ka mag-iipon ng pera kapag lumaki ang mga bata.
Magsisimula kang mag-ipon ng pera kapag ang iyong “future needs” ay naging mas mahalaga kaysa sa iyong kasalukuyang gusto (wants).
“Learn to prioritise your needs over your wants”
Bakit Hindi Tayo Nag-iipon ng Pera?
Alam nating lahat na kailangan nating mag-ipon ng pera, ngunit karamihan sa atin ay hindi gustong mag-ipon. Sa katunayan ang isang survey noong 2014 na ginawa ng Banko Sentral ng Pilipinas ay nagsasabing ang Pilipinas ang isa sa may pinaka mababang savings rate sa Southeast Asia. Ang isa sa bawat apat na tahanang Filipino lamang ang may savings. Bakit? Dahil mayroon silang iba’t-ibang dahilan gaya ng:
1. Hindi pagkakaroon ng sapat na kita para makapag-ipon.
2. Hinahayaan ang tadhana na mag-gabay sa kapalaran.
3. Hindi alam kung paano mag-ipon ng tama.
4. Lubog sa dami ng utang.
5. Iniisp na huli na para sa akin.
“Only 1 in 4 Filipino households has savings”
Sa mayroong maayos na kinikita, ang layuning makapag-ipon ng pera ay hindi nagiging sapat na dahilan upang ipagpaliban ang pagbili ng bagong gadgets, pagkain sa labas, pang-inom sa barkada, pagbili ng bagong damit o kasangkapan sa bahay. Kaya kadalasan ay bumibili sila at inuubos ang lahat ng piso, o mas matindi pa, nangungutang upang makabili ng mga bagay na ito. Ang mga utang na ito ang nagiging bayarin monthly at kumokontrol sa kanilang sweldo at sa buhay nila.
Ano nga ba ang Sikreto sa Pag-iipon ng Pera?
Maaari mong itigil ang cycle ng buhay na umiikot sa bawat sweldo sa pamamagitan ng isang sikreto. Gumawa ng zero-based budget bago magsimula ang buwan. Ang budget ay tungkol sa intensyonalidad. Ito ang pinakamahusay na paraan upang malaman mo kung magkano ang perang kasalukuyang ginagastos mo. At nakakatulong ito sa iyo na lumikha ng isang plano para sa pag-iipon ng iyong pera bago pa man ito lumipad palabas ng pinto.
Ano ba ang Zero-Based Budget?
Ang zero-based budget ay kapag ang iyong sweldo minus ang iyong bayarin ay katumbas ng zero. Binibigyan mo ang bawat piso ng pangalan o nagtatalaga ka ng kategorya dito, bago mo ito ipunin o gastusin. Hanggang sa huling sentimo.
Magsimula sa iyong pinakamahalagang mga kategorya muna, tulad ng pagbibigay (giving), ipon, bayad sa bahay, pagkain, damit, insurance at bills. Pagkatapos, punan ang natitirang bahagi ng iyong budget sa iyong natitirang pera. Sa ganoong paraan hindi ka mauubusan ng pera bago ka magsimulang mag-ipon. Kapag nag-ipon ka muna, mananatili ang iyong pera kung saan ito dapat na nakalaan.
“Paano Gumawa ng Epektibong Buwanang Budget”
“How to Budget without sacrificing what you enjoy”
Ang Pagba-budget ay hindi dapat maging Mahirap
Ang pag-gawa ng budget ay madali lamang lalo na kung mayroon kang budget app gaya ng EveryDollar. Uubos ka lang ng 10 minuto upang i-set up ang iyong plano sa pera. At maaari mo ring subaybayan ang iyong mga transactions on the go, kaya nagiging mas madali ang paraan ng pagba-budget.
Why Budgeting Is Our #1 Tip to Save Money
Kapag gumawa ka ng zero-based budget, masasabi mo sa sarili mong: “Pinipili kong ilagay ang aking hinaharap na pangangailangan bago ang gusto ko ngayon”. Kaya dahil dito, hindi mahalaga kung gaano kalaki ang kinikita mo, ang mahalaga ay kung paano mo ito ginagastos. Ang pag-iipon ng pera ay dapat na nasa tuktok ng iyong listahan (at sa tuktok ng iyong budget) bago ka makakuha ng anumang traction sa iyong mga layunin.
“I chose to put my future needs before my present wants.”
Kahit na nag-iipon ka para sa college tuition, plane ticket sa family reunion, bagong school clothes para sa mga bata, pagreretiro o anu pa mang bagay, magsimula ngayon sa pamamagitan ng paggawa ng iyong zero-based budget bago dumating ang susunod na buwan. Hindi pa huli upang kontrolin mo ang iyong pera!
Ngayong alam mo na ang sikreto, oras na upang makapagsimulang abutin ang iyong mga layunin sa pagtitipid.