top of page

5 Term Life Insurance Mistakes to Avoid


Life Insurance

Kung sinusundan mo si Dave Ramsey for a certain amount of time, alam mo na hindi siya masyadong pabor sa mga cash value life insurance. Sa katunayan, hindi niya gusto ang cash value at hindi niya inirerekomenda ito.

Lagi niyang ipapayo sa iyo na manguha ng Term Life Insurance Plan. Ngunit ano ang ilang mga pagkakamali na dapat iwasan kapag nagpasya kang bumili ng isang uri ng Term Life?

“For those in the US, our friends at Zander Insurance recently put together a brief list to help you make that decision."

Narito ang limang pagkakamali ng mga tao kapag bumibili ng Term Life Insurance.

Buying Too Little to Replace Income

Palaging bumili ng sampu hanggang labindalawang beses ang iyong kita (income) sa life insurance coverage. Ang maliit na policy na nakukuha mo sa iyong trabaho, na maaaring nagkakahalaga lamang ng isang taon, ay hindi sapat.

Kung ikaw ang pangunahing pinagkukunan ng kita (income) sa iyong sambahayan, ang iyong asawa at mga anak ay kailangang mapangalagaan ng mahabang panahon kung may mangyari sa iyo. Ang paniniguro na mayroon kang sapat na coverage ay magbibigay-daan sa kanila upang mabuhay nang kumportable at mapanatili ang kanilang pamumuhay hanggang malaman nila ang susunod na hakbang sa kanilang buhay.

Sa pamamagitan ng pag-invest sa insurance proceeds, maaari kang makakuha ng rate of return na papalit sa iyong nawalang kita (income) at makapagbibigay ng seguridad sa iyong pamilya. Isang mahalagang bagay din, huwag kalimutang kuhanan ng coverage ang iyong asawa. Kahit ang mga stay at home parents ay kailangang magkaroon ng term insurance sa buhay.

Waiting Too Long to Get Coverage

Kung naghihintay ka ng masyadong mahabang panahon upang bumili ng life insurance, iniiwan mong vulnerable ang iyong pamilya kung may hindi inaasahang nangyari sa iyo. Ang karaniwang premium ng Term Life Insurance ay tumaas habang ikaw ay tumatanda, kaya ang pagbili ng mas maaga ay maaaring makatipid sa iyo ng pera.

Habang tumatanda tayo, mas lalong nagkakaroon ng panganib sa ating kalusugan. Ito ang makakapag-dagdag ng halaga sa babayaran natin sa insurance, o maaaring maging sanhi ng pagiging ineligible mo sa pagbili nito. Maraming tao ang nag-iisip na dapat silang maghintay hanggang sila ay debt free na bago mamili ng insurance, ngunit ito ang panahon na ang iyong pamilya ay pinaka mahina (most vulnerable). Habang nababawasan ang utang mo at lumalaki ang iyong savings, dahan-dahang nababawasan ang pangangailangan mo sa life insurance.

 

“As you reduce debt and increase savings, you slowly begin to reduce your need for life insurance as well”

 

Buying for Too Short of a Term

Maaaring sinusubukan mong mag-tipid ang ilang piso sa pamamagitan ng pagpili ng mas maikling term coverage. Ngunit ano ang mangyayari kung bumili ka ng sampung taong policy at nagkaroon ka ng medikal isyu sampung taon mula ngayon na makakapagpamahal sa iyong babayaran sa susunod mong plan-o mas masahol pa, baka hindi ka na makakakuha ng coverage at all? Ito ang magpapamahal sa babayaran mo sa katagalan.

Gaano katagal ba dapat ang bilhin mo? Ang pangkalahatang panuntunan ni Dave Ramsey ay mamili base sa kung kailan makakatapos ang iyong mga anak sa kolehiyo at makakapamuhay ng sarili nila. Sa madaling salita, kung nagpaplano kang magkaroon ng mga anak sa hinaharap, maaaring ang 30-taong plan ang nababagay sa iyo. Kung mayroon kang bagong anak sa bahay at hindi mo na inaasahang magkaroon pa ng susunod na anak, maaaring ang isang 20-taong plan ang mas bagay sa iyo.

Buying Too Many Riders

May ilang tao na napapakuha ng maraming policy riders na nakakapag palaki ng kanilang premium at nagiging sanhi ng pagbabayad ng ekstrang komisyon sa kanilang agents, ngunit ito ay nakakapagbigay ng napakaliit na value.

Ang ilan sa mga popular na riders ay maaaring kasama ang income replacement, waiver of premium, critical illness at accidental death. Mapapabili ka nito dahil mayroon itong emotional value na kaakibat, ngunit sa totoo ay makapagbibigay lamang ng napakaliit na siguradong benepisyo.

Failing to Occasionally Review Your Life Insurance Policy

Palaging magandang idea na basahing mabuti ang iyong Term life insurance policy upang makasiguro na mayroon kang eksakto sa iyong pangangailangan sa iyong kasalukuyang sitwasyon. Ang iyong coverage ay maaaring maayos 10 taon na nakaraan, ngunit hindi ibig sabihin ay maayos pa rin ito para sa iyo ngaun.

Siguraduhing mayroon kang sapat na insurance upang pangalagaan ang nagbabago mong pangangailangan. Maaaring nagkaroon ka ng anak, namili ng bagong bahay, nagkaroon ng increment sa trabaho, tumigil sa paninigarilyo, o nagkaroon ng ilang health improvements. Ang mga life-changing events na ito ay makakatulong sa iyo upang makatipid sa pera o mangailangan ng karagdagang coverage.

Ang Life insurance ay isang malaking parte ng isang mahusay at epektibong financial plan. Huwag ipagpaliban ang pagbili ng Term Life, dahil maaari mong mahanap ang iyong sarili sa isang napaka-laking financial problem balang araw.

If you are residing in the US, Dave Ramsey recommends checking out Zander Insurance for a term life quote.

For someone who's still unsure about how or where to get insurance or looking for online reviews on life insurance, you can check out this link from reviews.com for some additional guides on life insurance.

As with most online reviews, they promise to give unbiased reviews with different products and services. But as always, whatever product or service it may be, one should always perform due diligence before buying anything.

RECENT POST
bottom of page