top of page

The Christmas Budget You’ve Always Wanted


Budgeting for Christmas

Sa classic Christmas movie na Home Alone, si Kevin McCallister ay gumawa ng blueprint kung paano niya tatalunin ang mga intuders sa kanyang bahay. Alam nya, na kung maiisahan niya ang “Wet Bandits”, kailangan niya ng plano sa pag atake. Konting glue sa paligid, kasama ang konting glass ornaments at ilang lata ng pintura para sa mas magandang pag-atake.

Ano ba ang point natin dito? Kagaya ni Kevin McCallister, kailangan mo ng plano.At ang Christmas budget ang planong iyon. Ito ang magdadala sa iyo sa tagumpay, kung susundin mo ito!

Kahit okay lang na gumastos ng extrang pera sa mga holidays na ito, hindi mo gugustuhing magkaroon ng unwelcome na regalo galling sa utang sa credit card pagdating ng mismong araw ng pasko. Iyon ang dahilan kung bakit kailangan mo ng Christmas Budget. Ang pag-buo ng tamang Christmas budget ay nagsisimula sa pagkakaroon ng tamang household budget. Inirerekomenda naming ang pag-gamit ng zero-based budget para dyan. Heto ang isang mabilis na refresher:

Ano ang Zero-Based Budget?

Ang konsepto ng zero-based budget ay simple lamang: “Income minus outgo equals zero”. Kung ikaw ay kumikita ng ₱20,000 kada buwan, ang bawat pisong gagastusin, iipunin, ibibigay o iinvest ay dapat mag-add up sa ₱20,000. Sa ganung paraan, alam mo kung saan pupunta ang bawat piso mo.

Paano gumawa ng iyong Christmas Budget?

1. Tingnan mo ang nagastos mo sa nakaraang Pasko.

Magpatuloy tayo at tugunan ang tanong na: Paano mo malalaman ang iyong budget sa Pasko? Tingnan kung ano ang iyong ginastos sa Pasko noong nakaraang taon. Masyadong maliit ba, o masyadong malaki?

Maaari kang gumamit ng app gaya ng EveryDollar, o simpleng listahan gaya ng excel. Magsimula sa paglalagay o paglilista ng iyong nomal na buwanang expenses gaya ng gas, utilities, insurance at groceries. Sundan iyo ng mas flexible na grupo ng gastusin gaya ng pagkain sa labas (dining out), at entertainment gamit ang pera. Ano ang matitira? Magiging sapat ba ito para sa Pasko? Kung hindi, maaaring mag-adjust ka sa mga flexible na gastusin mo upang magwork ito.

Kung karaniwan kang gumagastos ng ₱3,000 sa mga restaurants sa isang buwan, bakit hindi ka nalang magluto ng ilang extra meals sa bahay at iatago mo ang extrang ₱2,000 para sa ipon sa Pasko? O kung ang nalaang pera mo para sa entertainment na ₱1,500 kada buwan ay nakatabi lamang, bakit hindi mo bawasan pansamantala (temporarily) at ilagay ang extrang ₱1,000 sa iyong Chistmas fund? Ang matalinong pagba-budget ang makakapagbigay sa iyo ng pondo para sa mga gusto mo sa hinaharap – gaya ng regalo sa Pasko!

2. Hatiin ang iyong Christmas budget sa ilang Kategorya.

Siyempre, ang mga regalo ang pinaka malaking Christmas budget expense Basta tandaan, kailangan mong I budget ang lahat ng bagay na naaayon sa Pasko kasama ang mga dekorasyon, pambalot na papel, travel, Festive meals, charitable donations, at mga ibang bagay na pinaplano mong gawin sa holidays.

Sa oras na nalaman mo na kung magkano ang gagastusin mo sa Pasko, gumawa ng simpleng kalkulasyon. Kuhanin mo ang iyong numero, halimbawa ₱25,000, pag-isipan mo ang iyong seasonal expenses. Kakailanganin mo ng pera para sa paglalakbay “travel” (₱3,500), isang chistmas tree at trimmings (₱2,500), ilang potluck parties (₱1,500), extra giving (₱2,500), at ang malaki sa lahat: ang Christmas gifts (₱15,000). Gumawa ng goal amount at manatili ditto! Magugulat ka kung gaano kabilis makalikom ng pera kung gagawin mong priority ang pag-iipon.

Ngayong mayroon ka nang Christmas budget na naka-set.alam mo na kung magkano ang kakailanganin mong pandagdag sa iyong Christmas fund. Hangga’t may plano ka kung saan mapupunta ang pera mo bago mo ito gastusin, walang tama o maling paraan sa paghahati-hati ng iyong Christmas Budget. At kung ang pinag-laanan mo ng budget ay nabili mo ng mas mura dahil ito ay nag-sale, magkakaroon ka ng karagdagang pera na pwede mong gastusin para sa mga mahal mo sa buhay.

Seasons Greetings

3. Ilista kung sino ang dapat mong bigyan ng regalo.

Dahil alam mo na kung magkano ang eksaktong amount na maaari mong gastusin sa mga regalo, magdecide ka kung sino ang dapat bibigyan mo o makakakuha nito. Gumawa ng listahan ng lahat ng gusto mong bilhan para sa taong ito. Ang ibig sabihin nito ay lahat – coworkers, church friends, parents, kids, grandkids. Sa tabi ng bawat pangalan o kategorya, isulat ang specific amount na gusto mong ilaan para sa bawat isa

Kung wala kang sapat na pera para bilhan ang lahat ng iyong nasa listahan, pag-isipang mabuti kung magkano ang plano mong gastusin sa bawat isa. Siguro ay maaari mong pagdesisyunan na bumili na lang para sa mga bata. O kaya ay pumili ka lang ng isa sa kada pamilya na gusto mong bilhan. Maaari ka ring magbigay ng baked goods o homemade crafts! Lahat naman tayo ay gustong makatanggap ng regalo fresh out of the oven o straight from the heart tuwing pasko.

4. I-track ang iyong paggastos.

So, paano mo malalaman kung nasusunod mo ang iyong budget? Kailangan mong gawing priority na i-track ang bawat isa sa iyong gastusin. Ang ₱250 na sumobra sa isang kategorya ay maaaring hindi malaking hadlang, ngunit hindi ito magiging maganda kung gagawin mo ito sa bawat kategorya kada buwan.

At huwag mong hintayin ang katapusan ng buwan bago pagsamasamahin ang mga resibong iyon. Sa panahong iyon, ito ay maaaring huli na at maaaring ikaw ay way over budget na. Subukan mong subaybayan ang paggastos sa oras na ginawa mo ang purchase.

5. Consider using cash.

Kung hindi ka gumagamit ng cash sa pagbabayad ng regalo, oras na para gawin mo ito para sa sarili mo. Kung alam mo na madalas kang mag-over spend pagdating ng Pasko, make it a point na magtabi ng pera na nakalaan lamang para sa mga bilihin sa Pasko. Gumawa ng separate na envelopes para sa decorations, festive foods, gifts, at lahat ng pinaplano mong gastusan ng pera ngaung Pasko.

6. Magplano ng maaga gamit ang isang Chistmas Fund.

Alam mo na ang Pasko ay nasa Disyembre bawat taon, kaya walang dahilan upang kumilos ka na bigla itong dumating na walang pasabi sa iyo. Simulan ang paglagay ng pera para sa Pasko ngayon! Inirerekumenda namin ang pag-set up ng isang Christmas fund.

"If you’re in the US it’s easy! Simply log in to EveryDollar from a desktop computer and click the "make this a fund" feature."

Sa sandaling natukoy mo na ang kabuuan na nais mong gastusin sa Pasko, hatiin ito sa bilang ng mga linggo na natitira hanggang Pasko. Kung ang iyong budget ay ₱6,000, i-save ang ₱1,000 kada linggo para sa susunod na anim na linggo. Kung may listahan ka, makikita mo kung magkano nalang ang kakailanganin mong ipunin upang matugunan ang iyong layunin. At sa oras na dumating ang kalagitnaan ng Pasko at ang iyong savings ay fully funded, mas ma-eenjoy mo ang araw na ito sa halip na makaramdam ka na kulang ang pera mo.

Christmas Dinner

Does This Really Work?

Oo! Ang pagkakaroon ng badyet (your detailed spending plan) ay ang pinakamabilis na paraan upang gawing realidad ang iyong money goals. Nag-iipon para sa Pasko? Kailangan mo ng budget! Nagbabayad ng utang? Kailangan mo ng budget. Nag-iipon para sa pagreretiro? Kailangan mo ng badyet. Isa ka nang milyonaryo? Guess what - kailangan mo pa rin ng budget.

Tandaan, ikaw ang boss ng iyong sariling budget. Makukuha mong sabihin sa bawat piso mo kung saan ito pupunta bawat buwan. At huwag isiping ito ay “confining”. Ang pagkakaroon ng budget ay nagbibigay sa iyo ng kalayaan na gumastos ng pera! Sino ang hindi gugustuhin ito? Lalo na sa panahon ng Pasko.

For those in the US, here's a good tip. Did you know you can get transactions from your bank account linked directly to EveryDollar? It makes Christmas budgeting that much easier! Sign up today for EveryDollar Plus to start using the easiest budgeting app on the planet.

RECENT POST
bottom of page