top of page

Stop the Panic with a Sinking Fund


Sinking Fund

“Ang Pasko ay isang perpektong halimbawa.”

Alam nating darating ito. Alam natin kung kailan ito darating. Gayunpaman, minsan ay nare-realize lang natin ng huli, na dapat ay mas maaga tayong nag-ipon para sa okasyong ito. Kinukuha natin ang credit card na nakatago sa wallet o pitaka upang punan ang pangangailangang ito.

 

“We reach for the credit card, which is sitting in the wallet or purse with a wicked grin and a sky-high interest rate, saying, “I knew you’d come crawling back!”

 

Bakit mo papatakbuhin ang iyong sambahayan sa ganitong uri ng paggastos? Bakit mo kailangang sirain ang iyong budget tuwing Nobyembre kung pwede ka namang maglagay ng oras para bumuo ng isang “sinking fund”? Hindi ito kumplikado at maaari mong simulan ito kaagad.

Sa isang sinking fund, maaari kang magsave ng maliit na halaga kada buwan sa loob ng ilang panahon bago ka magsimulang mamili ng iyong gusto. Ikaw ang magde-determine kung magkano ang iipunin mo sa pamamagitan ng pagkuha sa kabuuang halaga ng bibilhin o gagastusin at paghahati nito sa bilang ng mga buwan na nalalabi bago mo ito bayaran.

Halimbawa, kung gusto mong gumastos ng ₱30,000 sa Pasko at nasa buwan pa lang ng Abril, mayroon ka pang walong buwan para makapag-ipon. Maglagay ka lang ng line item sa iyong budget na kailangan mong magtabi ng ₱3,750 kada buwan hanggang Disyembre.

Magagawa mo ito sa anu mang malalaking purchase o bill. Kung ang halaga ng car insurance ay ₱12,000 kada anim na buwan, magsave ng ₱2,000 kada buwan sa oras na mabayaran mo ang latest na insurance coverage. Kung nasa Enero na at gusto mong mag-spend ng ₱2,500 o ₱3,750 para sa isang tao na ga-graduate from highschool o college pagdating ng tagsibol, magsimulang magtabi ng ₱833 o ₱1,250 kada buwan hanggang dumating ang araw na iyon.

Sinking Fund vs. Savings Account: Ano ang pagkakaiba?

Ang sagot ay, walang gaanong pagkakaiba. Ang sinking fund ay karaniwang mas specific kaysa sa savings account dahil alam mo kung magkano ang iyong ilalagay doon at kung kailan mo ito gagamitin. Ang savings account naman ay maaari lamang na isang lugar kung saan ka naglalagay ng pera hanggang sa kailanganin mo ito.

Kung mas gusto mong ilagay ang iyong sinking fund sa isang simpleng savings account, ok lang iyan. Kung gagawin mo ito, siguraduhin na ang iyong account ay wala o maliit lamang ang maintaining balance. Dahil hindi mo gugustuhing kainin lamang ng bank charges / fees ang iyong nalalabing pera sa account.

Sinking Fund vs. Emergency Fund

Ang sinking fund ay iba rin sa emergency fund dahil ang emergency fund ay perang nakalaan para sa hindi inaasahan (hence the term emergency). Sa isang emergency fund, maaari kang magsave ng ₱500,000 para sa hindi inaasahang pangyayari. Walang paraan upang malaman mo kung kailan darating ang isang aksidente, pero mayroon kang perang nakatabi para sa event na ito ng buhay.

Sa isang sinking fund, alam mo kung para saan ang pera at kung kailan mo ito gagamitin. Kung gusto mong mamili ng ₱300,000 na sasakyan at nag-iipon ka ng ₱25,000 kada buwan sa isang sinking fund, alam mo dapat na magagamit mo ang pera sa loob ng isang taon, at alam mo kung saan mo ito gagamitin. Ang sinking fund ay para sa bagay na alam mo; ang emergency fund ay para sa hindi mo alam o hindi inaasahan.

Where Do You Keep a Sinking Fund?

Magandang ilagay ang sinking fund sa lugar kung saan madali mo itong makukuha. Kung mas malaki ang halaga, kailangan mas secure ito. Kung ikaw ay nag-iipon ng ₱500 kada buwan para sa apat na buwang pambili ng regalo para sa isang tao, marahil ay ok lang maglagay ka ng envelope na nakatago sa loob ng bahay mo (siguraduhin mo lang na hindi ka mandaraya sa paggastos nito sa pag-order ng pizza sa gabi).

Pero kung ikaw ay nag-iipon para sa kotse at mayroon kang daan-daan o libu-libong pera na naka-stock sa bahay, ang isang savings account sa banko ay mas magandang ideya. Madali mo itong makukuha at maiiwasan mo ang panganib na mayroong malaking pera na nakatenga sa bahay mo sa oras na may ibang taong biglang pumasok sa bahay mo.

Madali bang pakinggan? Oo. So bakit hindi ito ginagawa ng maraming tao? Dahil involve dito ang isang mahalagang bagay na karamihan sa atin ay hindi pa na ma-master: “patience”. Nabubuhay tayo sa panahon at culture kung saan kailangang bumili na ngayon. Hindi sapat na hintayin natin ang standard shipping, kaya pinipili natin ang express delivery na kadalasan ay may karagdagang bayad.

Kung sa halip, magkaroon ka ng pasensya at plano, sa ganung paraan maraming gastos at pag-aalala na kasama sa malalaking purchases ay mawawala. Ang mga credit card at mga banko ay umaasa na hindi ka nagpaplano ng maaga para mahuli nila ang iyong “slack” at dalihin ka nila ng interest charges at fees. Ang pag-iipon ng mas maaga ay pumipigil sa mga charges at stress na kasama sa malalaking bilihin, kaya ilagay mo na sa kategorya ng iyong budget ang linyang ito upang maiwasan na ang pag-aalala.

RECENT POST
bottom of page