top of page

The Truth About Money and Relationships


Engagement

Nakikipagtalo ka ba sa iyong asawa tungkol sa pera? Hindi ka nag-iisa.

Ayon sa isang pag-aaral ng TD Bank, 63% ng mag-asawa ang nag-iisip na ang kanilang kabiyak ay nag-ooverspend sa ilang paraan.

Alam mong iyan ay isang ground upang magkaroon ng argumento. At ang mga maliit na argumentong iyon ay madalas na humahantong sa mas malubhang marital problems. Sa pag-aaral na inilathala ng National Council on Family Relations, natagpuan na ang mga away tungkol sa pera ay ang nangungunang dahilan ng divorce.

Nakakalitong malaman kung paano hindi mag-away tungkol sa pera, ngunit maaari nyong pag-aralan kung paano pag-usapan ang inyong finances sa mas produktibong paraan.

Hindi lihim na ang pagbuo ng matatag na marriage ay nangangailangan ng panahon at tyaga. Pinagsasama ng kasal ang dalawang indibidwal mula sa dalawang magkaibang background na may mag-kaibang paraan ng pag-iisip. Hindi mahalaga kung gaano kalaki ang pag-ibig mo sa iyong asawa, ang pabuo ninyo ng bagong buhay-at ang iyong pera-ay maaaring maging isang maganda (ngunit mahirap) na biyahe.

Kahit ma-realize mo ito o hindi, ang mga isyu sa pera ay maaaring magpahamak sa maraming aspeto ng inyong buhay na mag-asawa-kahit na mga paksa na tila walang kinalaman sa pera!

Seven Points of Conflict That Can Cause Marital Problems

Hiwalay Ngunit Pantay

Iniisip ng ilang mga mag-asawa na ang pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang mga argumento sa pera ay panatilihing magkakahiwalay ang kanilang checking accounts. Ang paycheck ng lalaki ay napupunta sa isang account, ang sa babae ay napupunta sa isa pa, at pareho silang nag-babayad ng bills ng magkahiwalay. No Harm, no Foul, right? Mali. Ito ang nagiging sanhi ng problemang pinansyal sa kalaunan.

How to work on it:

Ang pag-aasawa ay pagtutulungan. Sinabi ng opisyal na, "And now you are one." Ang bawat partido ay kailangang maging involve sa mga finances. Ang paghihiwalay ng pera at paghahati ng mga bills ay isang masamang ideya na hahantong lamang sa mas maraming problema sa pagtagal ng panahon. Huwag maghiwalay ng mga account. Pagsamahin ang lahat ng iyong pera at simulang tingnan at pagplanuhan ito ng buo.

Lifestyle

Sabihin nating kontento ka nang magshopping sa affordable na supermarket kapag kailangan mong bumili ng iyong panganga-ilangan, ngunit ang iyong asawa ay gustung-gustong bumili ng mga branded na items sa mamahaling presyo. Kung wala kayong income na kayang sumuporta sa mamahaling bagay, magkakaroon kayo ng problema.

How to work on it:

Ang pag-aasawa ay tungkol sa kompromiso. Kung ang isa sa inyo ay attached sa branded items, i-konsider ang pamimili sa mga outlet malls upang makuha ang mga branded items sa mas affordable na halaga.

Ang bottom line ay: Ang iyong lifestyle ay kailangang tumugma sa iyong aktuwal na income, hindi sa iyong kagustuhan. Maaaring gusto mong mamuhay ng katulad ng isang perpektong curated Instagram post, pero huwag mong hayaang mahulog ang iyong sarili sa isang malalim na hukay. Laung-lalo na kung kulang sa digit ang laman ng iyong bank account.

Personality Differences

Ang personalidad ng bawat isa ay naiiba, at "opposites tend to attract". Chances are, ang isa sa inyo ay mahilig sa numero (ang nerd) at ang isa naman ay hindi gustong mag-patali sa kung ano ang pinapakita ng mga numero (ang free spirit). Ang isa sa inyo ay maaaring ang saver at ang isa naman ay mas mahilig gumastos.

Habang ito ay maaaring maging dahilan ng marital problems, hindi ito ang tunay na isyu. Ang pinagmumulan ng problema ay kapag ang isa sa inyo ay hindi pinakikinggan ang input ng kabila. O kapag ang isa sa inyo ay nagsimula nang hindi mag-participate sa financial dealings ninyong mag-asawa.

How to work on it:

Para sa mga financial nerds. Huwag itago ang mga detalye ng pera sa iyong sarili. At itigil ang pag-arte na parang alam mo na ang lahat habang ginagamit ang iyong "kaalaman" upang i-boss around ang iyong "free spirit" na asawa. At kung ikaw ang free spirit na asawa, huwag ka lang tumango at sabihin, "That looks great, dear." Mayroon kang boto sa mga budget meetings! Magbigay ng feedback, criticism at encouragement.

News flash - pareho kaung nasa isang koponan dito, kaya gawin nyo ang budget ng magkasama! Gamitin ang inyong personal differences upang magkaisa at maging mas malakas na koponan.

Income

Sa karamihan ng mag-asawa, ang isa sa kanila ay malamang na kumikita ng mas maraming pera kaysa sa isa. Bihirang ang pagkakataon na parehong kayong kumikita ng parehong halaga. Kahit ang halaga ay nasa ₱ 2500 o ₱ 2,500,000 sa isang taon, ang parehong problema ay maaaring lumabas.

Sa halip na tingnan mo ang kabuuan ng inyong kita na "our money," marahil ay iniisip mong mas mayroon kang leverage kaysa sa asawa mo - ito ay dahil sa mas marami kang digit sa iyong paycheck. Minsan ang asawang nag-uuwi ng mas maraming pera ang nakakaramdam ng entitlement sabi nga nila. Don't even go there. Sa ganitong paraan ay para mo na ring hinihinging magkaroon kayo ng marital problems.

How to work on it:

Hindi ito "sa iyo" o "sa akin" - atin ito. Walang dahilan upang panghawakan nyo kung sino ang kumikita ng mas malaking halaga sa ulo ng bawat isa. Pareho kayo na nasa isang koponan. "Start acting like it".

Unfaithfulness

Ang hindi pagiging tapat o "unfaithfulness" sa iyong asawa ay hindi lang tungkol sa pagkakaroon ng affair. Minsan ito ay ang hindi pagiging tapat sa magkasamang financial vision sa pag-open ng ibang bank account o pag-tatabi ng pea ng di nya nalalaman. Ito ay pandaraya! Ito ay tulad din ng pagkakaroon ng credit card na hindi alam ng iyon asawa.

How to work on it:

Maging bukas at tapat sa isat-isa tungkol sa ibang checking/savings accounts o anumang sikretong credit card na mayroon ka. Panahon na upang ilabas ang katotohanan at magtapat sa isat-isa. Pagkatapos ay simulang i-establish muli ang financial trust. Ipanumbalik ang inyong shared goal at tandaan kung bakit nyo ito ginagawa. "You’re in this together!"

Expectations

Ang pinakamabilis na paraan upang maramdamang unfulfilled at unsatisfied ay kapag ang mga inaasahang bagay na gusto mong mangyari ay iba ang kinakalabasan sa reyalidad. Kung palagi mong iniisip na bibili ka kaagad ng bahay at lupa pagkatapos nyong magpakasal, maaari kang madismaya kapag malapit na ang inyong unang anibersaryong mag-asawa sa apartment na nirerentahan ninyo. Huwag hayaan ang iyong unrealistic na expectations ang manguna patungo sa marital problems at pagtatalo.

How to work on it:

Wala namang patakaran na nagpapahiwatig na ang mag-asawa ay kailangang bumili ng bahay sa loob ng kanilang unang taon ng pagsasama, o magsimulang mag-anak, o mag biyahe sa Paris. Kung ang mga bagay na iyon ay hindi pa feasible para sa inyo sa ngaun, itigil na ang pangangamba. Isa-ayos na ngaun ang iyong mga finances upang sa kalaunan ay maisakakatuparan mo na ang iyong mga pangarap sa buhay. Ang aming rekomendasyon ay mag-ipon ng 20% para sa down payment at manguha lamang ng 15 taon ng mortgage kapag bibili ka ng iyong unang bahay.

Children

Ang iyong mga anak ay nagmamaka-awa sa iyo para sa bagong video game. Iniisip mo na naging mabait naman sila nitong mga nakaraang araw at sinabi mong, bakit hindi? Pero ang iyong asawa ay hindi masaya dahil wala ito sa budget. Hello, isa itong nagbabantang argumento sa pera. Pamimili man ito ng laruan, pagbibigay ng allowance, o pagbabayad para sa kanilang sports equipment - ang mga anak ay nagbibigay ng liwanag kung paano humawak ng pera ang mag-asawa.

How to work on it:

Pag-usapan nyo ito at bumuo ng plano. "Decide together how to budget for the things your children needs." Pero paano naman ung mga walang katapusang gusto nila?

Pag-usapan ang posibilidad ng paglalaan ng mga gawaing bahay at ang allowance para sa trabaho na gagawin nila. Ito ay makakapag establish ng magandang work ethic habang tinuturuan sila kung gaano ka-importanteng pagtrabahuhan ang mga gusto nila sa buhay!

 

"Teach them how important it is to work for the things they want in life!"

 

Marriage Is a Partnership

Panahon na upang magkaroon kayo ng isang common ground. Nag-asawa ka ng ibang tao sa isang dahilan. Maniwala ka man o hindi, kailangan mo ang kanilang skills - lalung-lalo na sa mga bagay na wala sa iyo. Ang free spirit o nerd ay maaaring makapagdala ng pananaw at kaalaman sa talahayanan na hindi mo alam. Sila ang iyong teammate, at oras na upang itrato mo sila bilang teammate.

 

"That free spirit or nerd can bring valuable insight and knowledge to the table. They are your teammate, and it’s time to start treating them like one."

 

By the way if you're in the US or near Tennessee and ready to get on the same page as your spouse. Join Rachel Cruze and Dr. Les Parrott at the November 13 Money & Marriage in Murfreesboro TN! Invest in a date night like no other!

RECENT POST
bottom of page