The Truth About Investments
Myth: Hindi ko kailangan ang isang investing professional. Magtitipid ako ng pera at ang investments ko ay magpe-perform just as well kung gagamit lang ako ng online brokerage service.
Truth: Magresearch at ipagkatiwala ang mahahalagang bagay sa mga professional. Ang mga professional ay maraming taon ng training at experience, ito ang kanilang full-time na trabaho upang i-manage ang iyong investments.
Nakita natin ang lahat ng mga clever online brokerage ads na nag-aalok ng libreng trades, “supercharged” na mga serbisyo, at maging investment apps para sa iyong phone. Ang mga kumpanyang ito ay ginagawa ang do-it-yourself investing na mas madali at mura, kaya ang tanong ay hindi kaya mo ba itong gawin, ngunit dapat mo ba itong gawin?
Cheap Isn’t Always Better
Karamihan sa mga online broker ay may-akda sa iyo ng 100 free trades at mga fees na mababa sa 500 pesos. Madaling isipin na nakaka save ka sa mga komisyon at iba pang fees na dapat mong ibayad sa isang professional upang gawin ang parehong trabaho. Subalit, dahil ang mga online broker ay ginagawang madali ang pagbili at pagbenta, ang do-it-yourself na strategy ay ay nagiging dahilan upang i-time mo ang market at nagiging sanhi ng pagkawala ng iyong pera along the way.
Base sa history ng S & P 500, isang benchmark para sa stock market performance sa US, ang investments na nakalagay sa loob ng 30 taon ay nag-aaverage ng 12% annual growth. Ang pag-timing sa market ay maaaring makabawas sa iyong returns ng higit pa sa 7%.
Ang mga investors na gumagamit sa isang professional ay hindi bumibili at nagbebenta ng madalas, at dahil dito mas madali nilang nararating ang kanilang investment goals dahil hindi nila sinusubukang i-time ang market.
What Are The Options?
Tingnan ang ilang popular na mga brokerage sites, at kung iyong susuriin ay makaka-kita ka ng option na nag-aalok sila ng professional na tulong. Kahit na ang mga tao na nagtataguyod ng do-it-yourself investing strategy ay alam na kailangan mo ng tips at suggestions somewhere along the way.
Kaya bakit hindi ka magsimula gamit ang ilang professional na guidance? Ang isang investing professional ay makakatulong sa iyong mga layunin, i-identify ang iyong mga problema at opportunities, maunawaan ang mga future tax implications nang iyong investments, at mapapanatili kang updated sa mga bagong produkto at patakaran.
At, kapag dumating ang mahihirap na panahon, tulad ng nakaraang pagbagsak ng merkado noong 2007-2008, ang iyong investing pro ay naandyan upang payuhan at pigilan kang magbenta dahil ikaw ay nagpapanic, ito rin ang magpapanatili sa iyo sa maayos na direksyon.
How Do I Find A Good Investing Professional?
Kailangan mo ba ng tulong? If you reside in the US, try this free and easy way to find an investing professional in your area.
Paano kung wala naman ako sa US, mayroon din bang investment professionals sa Pilipinas?
Oo, as of today mayroong 133 accredited brokers sa Philippine Stock Exchange at 22 sa kanila ay online brokers. Lahat ng online brokers ay safe at secure, kaya hindi mo kailangang mag-alala. Karaniwan silang gumagamit ng SSL at TSL Certificate na ginagamit din ng malalaking banko. Lahat naman sila ay nag-charge ng pare-parehong commission na .25% sa kabuuang gross sales at purchase sa shares ng stocks. Pareho rin ang applied fees ng mga broker gaya ng VAT (12%), transaction fee na 0.005% at SCCP fee na 0.01%.
Magbibigay ako ng ilang online broker na pwede mong pagpilian sa Pilipinas. I’ll give 5, but you can still do your own research and pick which is best for your specific requirements.
Just to be clear, ang pagpili sa broker ay hindi kasing importante ng pagpili sa stocks or funds. Ultimately ang iyong return sa investment ay magde-depende ng husto hindi sa iyong broker ngunit sa iyo bilang isang wise investor na gumagawa ng lahat ng pagpapasya kasama ang gabay ng isang investing professional. Ang serbisyo ng iyong broker ay magbibigay lamang sa iyo ng kanilang research, ngunit ang huling desisyon ay mananatili sa iyong mga kamay.
PS: Kung nagpaplano kang mag invest, huwag kalimutan ang ating Baby Steps. Unahin munang tapusin ang Baby Steps 1-3 bago sumabak sa Baby Step 04 which is Retirement Investing. Otherwise mapipilitan kang kumuha sa iyong investment portfolio kapag nagkaroon ka ng emergency.
Para naman sa nagpaplano sa long term investing, leveraging on “SAM”, pwede mong tingnan ang Truly Rich Club! They give regular updates and wealth strategies plus a ton of other blessings to manage and grow your finances.
Check it out and see if it fits your investing goals – TRC
Happy Investing..!!!