Your Age, Your Money: How to Spend, Save and Invest Right Now
Marahil madalas mong marinig ang salitang ito: “Anyone can retire a millionaire”
Ito ay kailangan ng disiplina at atensyon sa ilang mga common sense na konsepto gaya ng pamumuhay ng may budget, pagbabayad ng utang, at matinding pag-iipon.
Ngunit ano ang partikular na hitsura nito sa iyong 20s, 30s, 40s, o kahit na 60s? Narito ang ilang listahan ng magandang gawin sa bawat edad kung nasaang stage ka ng buhay mo. At kung sa tingin mo ay medyo nahuhuli ka na, gawin mo itong motivation para magtrabaho ng maigi at smarte upang makarating sa iyong kagustuhan sa buhay. “It’s never too late”
20s — Build a Solid Foundation
Bagong kasal o malapit nang ikasal? Go ahead and get on the same page pagdating sa pera. Ang mahusay na komunikasyon ngaun ay mabuti para sa inyong kinabukasan na magkasama.
Iwasan ang pag-utang. Ito ay nangangahulugang walang credit card, car payments o shopping sprees na hindi mo kayang i-afford o bayaran.
Kung mayroon kang mga loans noong nag-aaral ka pa (student loans), bayaran ang mga ito sa lalong madaling panahon!
Bumili ng magandang medical insurance. Ang isang paglagi sa ospital ay maaaring maging sanhi ng iyong pagka-bankrupt sa isang iglap.
30s — Shift to a Family Focus
Kung malapit ka nang magkaroon ng mga anak, i-rework mo ang iyong budget para sa diapers, daycare, cribs at car seats. Mas kokonti ang iyong pera, ngunit mas darami ang iyong mahal sa buhay.
Bumili ng sapat na Term Life Insurance upang ma-cover ang iyong pamilya kung sakaling may mangyari sa iyo at sa asawa mo. Ang magandang rekomendasyon ay ang pagkuha ng katumbas na 10 beses ng iyong sweldo. Para sa mga US based workers, you can check why and get a free quote here.
Bumuo ng emergency fund ng 3-6 buwan ng mga expenses. Sooner or later, kakailanganin mo ito. Gusto mo bang malaman kung magkano ang kailangan mong emergency fund? Check out this post for a quick guide on your emergency fund.
Ngaung may mga anak ka ng kasama, maaring nag-iisip ka tungkol sa pagkakaroon ng sariling bahay at lupa. Siguraduhin lamang na kaya mong magbigay ng 10-20% down payment sa 15-taon fixed rate interest. At panatilihin ang pagbabayad sa bahay ng less than 25% ng iyong take home pay o sweldo.
40s — Shovel the Savings
Nasa tuktok ka ng iyong career, at ang iyong mga anak ay wala na sa daycare (or at least hindi na naka diaper). Ibig sabihin, may kaunti ka pang perang natitira sa banko para i-invest. Kumuha ng good growth stock mutual fund at siguraduhin na mag-contribute ng 15% ng iyong sweldo patungo sa pagreretiro.
Pondohang maigi ang pang college ng mga bata kapag natapos mo ng i-secure ang iyong future. Walang merit scholarships para sa pagreretiro.
Panatilihing mahusay at malinis ang iyong tahanan kung ayaw mong magbayad ng malaki sa pagpapagawa nito sa hinaharap.
50s — Look Forward But Stay Focused
Nagsisimula mo nang makita ang buhay na hindi ka araw-araw na nag-kokomute. Okay lang na maging excited ka. Ngunit huwag i cash in ang iyong retirement savings kaagad, manatiling mag-invest ng 15%.
Ngayon oras na upang mabayaran ang iyong mortgage. Ngaung wala na sa bahay ang mga bata, marahil maaari ka ring mag downsize at magbayad ng cash para sa iyong susunod na tahanan kung kayo ay umuupa.
Kung mayroon kang labis na pera, maaari ka ring mamuhunan sa rental real estate para sa karagdagang income.
"Dont Stop when you're Tired. Stop when you are Done"
60+ — Enjoy the Fruits of Your Labor
Panahon na upang magretiro. Ngunit hindi ito nangangahulugan na naka upo ka lang sa iyong sofa buong araw at pinapanood ang paborito mong tv shows. Maging proactive at i-tweak ang iyong budget. Higit sa lahat , maghanap ng paraan upang manatiling aktibo.
Hindi ito karaniwan sa ating mga Pilipino dahil very tight-knit ang ating relationship sa ating mga magulang at gusto nating kasama natin sila hanggang sa pagtanda, Pero sa mga walang anak o nag iisa sa buhay, Sa araw na umedad ka ng 60, bumili ka ng long term care insurance. Ang ilang taon ng long term care ay maaaring umubos sa lahat ng iyong life savings. Kaya maghanda para sa posibilidad na ito ngayon.
I-enjoy mo ang iyong sarili! Kung wala kang binabayarang bahay o lumalaking pamilya na sinusoportahan, maaari kang mag-focus sa pag-eenjoy: Magtravel abroad, bisitahin ang mga apo, at magbigay generously sa iyong community.
Ang tagumpay sa pera ay isang marathon, hindi isang sprint. Kailangan ng hardwork over the course ng iyong lifetime. Kaya ikundisyon mo ang iyong sarili at panatilihing tuluy-tuloy lamang ang mga Baby Steps. Ang iyong million peso payday ay nag hihintay sa iyo.