How Teens Can Become Millionaires
Habang tumatanda ka at naiisip mo ang tungkol sa iyong kinabukasan, handa ka bang maging responsable financially para sa iyong sarili? Kung OO ang sagot mo, then congratulations-you’re ahead of the game! Pero kung Hindi naman ang sagot mo, huwag kang mag-alala mayroon pang panahon upang i-set ang iyong sarili para sa tagumpay.
Kahit na hindi ka pa nakakatungtong sa banko o ikaw ay aktibong nag-iipon at namumuhunan “investing” para sa iyong kinabukasan, ang kailangan lang ay konting pagsisikap at maraming pasensya upang maging confident ka sa iyong mga financial decisions.
A Millionaires Best Friend
Ang isang kahanga-hangang paraan na maaari mong itake advantage ay ang compounding interest.
Ano ba ang compounding interest? Here’s a little secret: “Compounding interest is a millionaire’s best friend”. Ito ang magbibigay sa iyo ng libreng pera. Seryoso ito, but don’t take my word for it. Tingnan mo ang isang halimbawa dito sa table upang maunawaan mo ang power ng compounding interest.
Gamitin natin sina Mark at John bilang halimbawa.
Si Mark at John ay magkababata na sabay lumaki. Pareho nilang alam na kailangan nilang magsimulang isipin at paghandaan ang kanilang kinabukasan. Sa edad na 19, nagdesisyon si Mark na mag-invest ng ₱2,000 kada taon sa loob ng walong taon. Namili siya ng mga investment funds na nag-average ng 12% interest rate. Hanggang sa edad na 26, si Mark ay tumigil sa paglalagay ng pera sa kanyang investments. Sa makatuwid naglagay si Mark ng kabuuang ₱16,000 sa kanyang investment funds.
Habang si John ay hindi nagsimulang mag-invest hanggang edad na 27. Katulad ni Mark, naglagay din siya ng ₱2,000 sa kanyang investment funds kada taon hanggang umedad siya ng 65. Pareho rin niyang nakuha ang 12% na rate of interest gaya ni Mark, ang kaibahan lamang ay nag-invest siya ng mahigit 31 taon kumapara kay Mark. Kaya ang kabuuang investment capital ni John ay ₱78,000 sa loob ng 39 na taon.
Nang parehong umabot sa edad na 65 si Mark at John, nagdesisyon silang ipagkumpara ang kanilang investment accounts. Sino sa tingin mo ang mayroong mas malaking makukuha? Si Mark, na mayroong kabuuang ₱16,000 investment capital sa loob ng 8 taon, o si John na nag-invest ng ₱78,000 sa loob ng 39 na taon? Tingnan natin ang table sa baba.

Sa maniwala ka’t sa hindi, si Mark ang nanguna…. ₱700,000! Si John ay nagkaroon ng kabuuang ₱1,532,183 habang si Mark ay nagkaroon ng kabuuang ₱2,288,997. Paano niya nagawa iyon? Ang pag-sisimula ng maaga ang susi “Starting Early is the Key”. Naglagay siya ng mas konting pera, pero nagsimula siya ng 8 taong mas maaga. Yan ang compound interest para sa iyo! Ang halagang ₱16,000 ay naging halos ₱2.3 million! Dahil nag-invest ng mas maaga si Mark, mas maaga rin niyang napakinabangan ang paglago ng interest.
Ano ang Pwede Mong Gawin Ngaun?
Ang trick ay magsimula sa lalong madaling panahon. Kausapin ang iyong magulang o mga guro kung paano mag bukas ng long-term investment account upang maging milyonaryo ka rin. At tandaan, ang paghihintay ay nangangahulugan lamang na mas kaunti ang iyong magiging pera sa huli. Kaya oras na upang kumilos!
Mga Karagdagang Notes:
1. Ang computation table sa itaas ay gumamit ng 12% annual interest rate of return. Bakit ito ang ginamit na numero?
Ang data na nasa table sa itaas ay base sa historical average annual return ng S&P 500 sa USA. You can read more about this concept here.
2. Eh hindi naman ako US citizen. Paano kung sa Pilipinas ako mag-iinvest, magkano ang pwede kong maging interest rate of return?
Ayon sa COL Financial, ang PSEi (Philippine Stock Exchange index) ay nag-aaverage ng 10%+ kung ikaw ay mag-iinvest long term.
3. Kaya ba ng investments ko na abutin ang ganung halaga?
Maaari. Maaari ding hindi. Ngunit ang idea dito ay ang magsimula kang mag-invest. Huwag hayaang maubos ang iyong panahon sa kaka-isip kung possible ba ang 10% o 12% na return upang mag simula kang mag-invest.
Sa katunayan, kung gugustuhin mong itaguyod ang iyong mutual funds na lumago ng 8-10%, walang problema. Just set your goals at mag-invest ng anumang kailangan mo upang matugunan ang iyong mga layunin sa buhay.
Final Thoughts
Huwag kalimutan na ang pag-iinvest ay Baby step 4. Unahin muna ang Baby Steps 1-3 bago ka mag simulang mag-invest. Kapag handa ka na para sa Baby Step 4 laging tandaan ang 4 Golden Rules:
Invest Early
Invest Regularly
Invest Long Term
Invest using Diversification
Disiplina at tamang methodology ang susi sa matagumpay na pamumuhunan. Sa computation table makikita na ₱2,000 kada taon lamang ang halagang inilaan sa pag-invest, nasa ₱5.5 kada araw. Ang tanong ko sa iyo, ito lang ba ang perang kaya mong iinvest sa sarili mo? I hope not!