5 Cost-Effective Fitness Tips You Can Start Today
Mula sa aerial fitness hanggang sa Zumba, may ibat-ibang fitness craze kang makikita sa panahon ngaun. At karamihan sa mga ito ay may katumbas na halaga.
Gym memberships, Equipments, Workout videos, Dance classes. Walang masama sa pagbabayad sa mga ito, pero kung hindi ka makagastos dahil tight ang budget mo, hindi ito dapat maging hadlang sa iyong pag e-exercise.
Narito ang ilang cost-effective ideas upang makapag exercise ka kahit tight ang budget mo.
1. Gumawa ng Outdoor Work.
Ang hardin at bakuran ay makakapag bigay sa iyo ng oportunidad na magbawas ng calories. Maaari kang mag-gupit ng damo sa iyong hardin gamit ang manual mower, maaari kang mag halaman at magmaintain ng garden, mag trim ng hedges at iba pa.Sa ganitong paraan, gaganda ang itsura ng iyong hardin, ng iyong wallet, at higit sa lahat ikaw!
2. Maglakad kasama ang iyong alagang aso
Palagi bang excited ang iyong alagang aso tuwing makikita ka nyang umuwi? Gamitin mo itong paraan upang makapag exercise sa pamamagitan ng pag jogging sa palibot ng inyong compound. Kung wala kang alagang aso, mag-alok sa kapitbahay na ilalakad mo ang kanilang alagang aso. Sa alinmang paraan, sila ay matutuwa at maaari ka pang magkaroon ng kasama sa pag lalakad o pag jogging sa labas.
3. Mag invest sa Lumang Equipment.
Di mo kailangang pumunta sa store at bumili ng brand new elliptical trainer. Sa halip, subukan mong maghanap ng maliit na set ng hand weights, yoga mat, pull up bar, o second hand na stationary bike online. Ang simple at maliliit na investment na ito ay mas matipid kaysa pumunta ka sa gym at rentahan ang mga ito.
4. Gumalaw galaw kahit nasa trabaho.
Ang mga maliliit na pag-galaw galaw habang nasa trabaho ka ay makakatulong sa iyong metabolism. According kay Dr. James Levine ng Mayo Clinic “thin people tap their feet, jiggle their pencils, and shift in their seat about two and a half hours more each day than obese people do”. Bawat maliliit na pag-galaw ay mahalaga. Kahit nasaan ka ay pwede kang dumapa at mag push-up, mag-squat, o gamitin ang hand rest ng iyong upuan at i-angat ang sarili gamit ang dalawang kamay.
5. Makipaglaro sa iyong mga anak.
Kahit pagsa-sayaw na kasama ang iyong batang anak o pag shoot ng bola sa garahe kasama ang anak mong teenager, maraming paraan upang maka burn ng calories kasama ang mga bata na walang gastos. At ang quality time na makukuha mo kasama sila ay libre at priceless.
Ito ay magandang mix-and-match na listahan upang panatilihing mataas ang iyong energy kahit ang iyong bank account ay maliit lamang ang laman. Itry mo ang ilan sa mga ito at tingnan mo kung ano ang mangyayari. At the very least, di mo na kailangang bumili ng mas malaking pantalon at giginhawa pa ang iyong pakiramdam!
Ang pagba-budget ay para lamang nagbibilang ng calories. Nakakatulong ito upang panatilihin kang nasa maayos na lugar upang makamit mo ang iyong money goals.