How Much Will You Need for Your Child’s College Education?
Tuition fee increase..!
Isa lamang ito sa inaalala ng mga magulang taun-taon dahil sa yearly inflation. Alam natin na hindi madali ang mag provide para sa quality education ng ating mga anak. Kaya I truly respect all parents na patuloy na nagtatrabaho at nag-sasakripisyo para lang mapanatiling nasa maayos na eskwelahan ang kanilang mga anak.
Maraming magulang tulad natin ang naghahanap ng ibat-ibang paraan upang magkaroon ng sapat na panggastos sa pang college ng mga bata. Ang iba ay kumukuha pa rin ng mga educational plans para sa paghahanda sa college education.
Pero sa kasamaang palad ang ilan sa mga nag-invest sa mga educational plans na nalugi ay kasalukuyan pa ring bumabawi sa perang nawala nila.
Hindi kaila sa karamihan na isa sa pangunahing layunin ng mga magulang ang makitang makapagtapos ang kanilang mga anak sa kolehiyo, kaya importante na mayroon tayung plano upang solusyunan ang lumalaking gastos sa pag papa-aral sa kolehiyo. Kaya magbibigay ako ng konting tip kung paano maaaring magplano para sa nalalapit na pag ko-kolehiyo ng ating mga anak, ito ay tatawagin nating “SMART”.
What is a SMART Goal?
By definition ang “SMART” goal ay dapat na:
Specific
Measurable
Attainable
Relevant
Time-Bound
Maraming karagdagang expenses ang kailangang ilaan kapag malapit nang mag-kolehiyo ang ating mga anak, pero ang pinakamalaking bahagi dito kadalasan ay ang tuition fee. Kaya ang ating “Specific” goal ay makalikom ng sapat na halaga para sa tuition fees at college expenses.
Ngaun na may specific goal na tayo, kailangan nating gawin itong “Measurable” o in other words, kailangan nating mag set ng exact amount para sa goal natin, sa pamamagitan ng pag-calculate kung magkano ang magagastos natin sa enrollment fees ng ating mga anak sa span ng kanilang college life.
Ito ang isa sa mga goal na binibigyan lamang natin ng estimate. Ito ay dahil taun taon tumatas ang tuition fee sa mga eskuwalahan. Sa kabutihang palad mayroon akong nakuhang online source para sa data na ito na makikita sa ibaba. Ito ay ilan lamang sa mga eskuwelahan na pwedeng pagpilian ng mga magulang para sa kanilang mga anak (figures are 2017 estimates).

Ito ay ang Top 23 colleges/university sa metro manila according to FindUniversity.ph base sa aggregate passing rates sa lahat ng board exams na kinuhanan ng mga estudyanteng nag graduate sa mga eskuwelahang nabanggit.
How Much Will The College Education of Your Child Cost?
Ang Commision on Higher Education (CHED) ay nag anunsiyo na ang dapat na maximum tuition fee hike ay nasa 10% kada taon. Ang ibig sabihin nito, ang figures na nasa table sa itaas ay pwede lamang tumaas ng 10% kada taon.
Nito lamang nakaraang May 29, 2017. Lumabas ang balita na inapprove ng CHED ang application ng 268 private colleges at universities para sa tuition increase at ibang pang fees para sa school year 2017-2018.
Sa mga (HEIs) Higher Education Institutions na ito, 262 ay magtatas lamang sa tuition fee, ng average of 6.96% o ₱86.68 per unit.
Overall ang average increase in school fees ay nasa 6.9% o ₱243. Let’s say 7%
Upang malaman kung magkano ang magiging tuition ng iyong anak sa hinaharap, gamitin natin ang formulang ito:
(Tuition Fee Per Year Today) x [(1.10) ^ (Years Before Child Enters College)
Please bear in mind that we are using the 10% maximum tuition fee hike for this formula.
Halimbawa, kung ang anak mo ay papasok sa kolehiyo 7 years from now, at nagpa-plano kang i-enroll siya sa UP, ang formula ay dapat na:
₱50,000 multiplied by (1.10)^7 = ₱97,436
Ang estimated cost ng tuition para sa anak mo ay ₱97,436 by year 2024 (7 years from now). I multiply mo ang halagang ito sa 1.10 kada taon na nasa kolehiyo ang iyong anak, at matatantya mo kung magkano ang kailangan mong i-prepare financially.

Ang halagang ito ay estimate lamang, ngunit magbibigay ito sa iyo ng ideya kung magkano ang maaari mong gastusin sa tuition fee depende sa ekuwelahang papasukin ng iyong anak at itatakdang tuition fee increase ng nasabing eskuwelahan.
Before we continue, remember our Baby Steps. Marahil nagmamadali ka nang mag ipon ngaun, pero huwag kalimutan na ang pag hahanda sa kolehiyo ng mga anak ay nasa Baby Step 5. Kailangan mo munang unahin ang Baby Steps 1-4 bago ka mag-start ng Baby Step 5.
So to continue our SMART goal, in “Relevance” o pagsagot sa tanong na, “Bakit importante ang goal na ito sa iyo?” ito ay madaling sagutin dahil sigurado ako na naniniwala ka na ang pinaka magandang regalo na maibibigay natin sa ating mga anak ay mahusay na edukasyon.
Sa limang goal na ito, ang “Time Bound” ang pinakamadaling i define, dahil ito ang taon kung kailan dapat pumasok sa kolehiyo ang iyong anak.
Ngaun ang huling parte ng ating “SMART” goal, kailangan mong tanungin ang iyong sarili kung ang calculated na halaga ng total tuition ay “Attainable” para sa iyo.
Kung OO ang sagot mo, kailangan mong bumuo ng workplan kung paano mo ma-achieve ang goal na ito, tapos kailangan mong maging consistent at i-follow through hanggang maabot mo ang iyong target amount.
Kung Hindi naman ang sagot mo, dapat mong baguhin ng konti ang goals mo gaya halimbawa ng pagpapa-aral sa mas affordable na eskuwelahan o pag-increase ng iyong income.
Kaya bang maabot ang ₱594,857 sa loob ng 7 years? Oo possible ito.
Alam mo ba na sa halagang 4,500 kada buwan invested in the stock market, malaki ang posibilidad na abutin mo ang goal na ito through cost averaging method lamang? Ito ay isa lamang sa option na maaari mong tingnan upang makapag ipon ka ng sapat na pondo para sa pag papa-aral sa kolehiyo.
Oo man o Hindi ang magiging sagot mo, dapat mong sundin ang Baby Steps sa tamang order, dahil ito ang makakatulong sa iyo ng malaki upang isaayos ang iyong buhay pinansiyal.