A Quick Guide to Your Emergency Fund
Hindi ba maganda sa pakiramdam na magkaroon ng buffer sa pagitan mo at ng pagsubok na haharapin mo sa buhay? Isang buffer na makakatulong sa iyo na makatulog sa gabi ng mahimbing dahil ginagawa nitong simpleng abala ang isang krisis?
Well, may magandang balita! Ang buffer na iyon ay bahagi ng Baby Step plan. Say hello to the fully funded emergency fund, also known as Baby Step 3.
Ang emergency fund ay ang iyong reserbang 3 hanggang 6 na buwan ng mga gastusin na inilaan mo upang i-cover ang anumang biglaang gastos tulad ng sira sa kotse, hospital visit o tulo sa bubong ng bahay.
Ang dahilan kung bakit kailangang magkaroon ng emergency fund ay simple lang: Hindi mo alam kung ano ang mangyayari, at walang sinuman ang gustong ma-ipit sa pagsubok ng buhay na walang nakatabing pondo. Malaki ang mai-tutulong ng iyong emergency fund sa sandaling bigla kang matanggal sa trabaho, o masira ang AC sa kala-gitnaan ng init ng summer. Don’t be caught off guard!
The reason to have an emergency fund is simple: You don’t know what’s going to happen in life.
Gaano ba kalaki dapat ang emergency fund?
Depende sa pagiging stable ng iyong pera at sitwasyon sa household, kapag mas matatag ang iyong sitwasyon, mas maliit ang kailangan mong emergency fund.
Kung ikaw ay bahagi ng isang household na dalawa ang kumikita o may matatag kang trabaho sa loob ng maraming taon, maaaring ang 3 buwang emergency fund ang mabuti para sa inyo. Ngunit kung ikaw ang tanging kumikita sa pamilya, self-employed o kumikita ng straight commission, ang 6 na buwang emergency fund ang magandang idea para sa iyo dahil kapag nawalan ka ng trabaho, nangangahulugan na hindi ka makakapagbayad ng mga bills.
Dapat ka ring mag-lean toward sa 6 na buwang fund kung mayroong isang kasama sa pamilya na may chronic medical issues na kinakailangan ng doctor o hospital visits. Kahit na may palugit ka sa iyong buwanang budget na pambayad sa medical attention, maganda pa ring may plano na maging handa in case magkaroon ng malaking emergency.
Saan ko ito dapat ilagay?
Ang iyong emergency fund ay dapat na liquid, ibig sabihin kailangan mo itong ilagay sa isang lugar kung saan madali at mabilis mo itong makukuha. Ang pinakamagandang option ay sa isang simpleng checking account o money market account na may kasamang debit card o check-writing privileges. Sa ganitong paraan, maaari mong bayaran ang serbisyo ng doctor o mekaniko sa isang swipe lang ng card o pirma sa tseke.
Ano ang maituturing na emergency?
Kapag ang isang biglaang gastos ay dumating, ito ay maaaring emergency, ngunit hindi ito laging nangyayari. May tatlong katanungan na dapat mo munang alamin sa sarili mo upang matukoy kung kailangan mong gamitin dito ang iyong savings.
Ito ba ay hindi inaasahan?
Kailangan ba ito?
Mahalaga ba ito?
Kung mas marami kang sagot na “oo” sa tatlong tanong na ito, malamang na ito ay isang emergency at justifiable ang pag-gamit mo ng pera mula sa iyong emergency fund.
Ano ang kayang gawin ng emergency fund para sa iyo?
Ngayong alam mo na kung para saan ang emergency fund, simulan nang magbuo nito. Gumawa ng budget, bayaran ang mga utang, at magsimulang mag ipon. Mamamangha ka kung gaano kabilis mo mabubuo ang emergency fund kapag wala kang binabayarang utang. Ang pinaka magandang bahagi, makakaramdam ka ng seguridad matapos mong makumpleto ang Baby Step 3.
Remember, the emergency fund is doing something. It’s giving you peace of mind.
Handa ka na bang maglagay ng buffer sa pagitan mo at ng mga hindi inaasahan sa buhay? Magsimula nang bumubo ng savings goal at maglaan ng pera sa kumpletong emergency fund.