How to Budget Without Sacrificing What You Enjoy
Hindi pare-pareho ang pagba-budget dahil wala namang taong magkatulad.
Yan ang kagandahan ng budget. Ikaw ang magde-desisyon kung sino o ano ang paglalagyan mo ng pera kada buwan. Kung hilig mong magluto para sa pamilya, mag budget ng mas marami para sa groceries. Kung hilig mong mag workout, mag dagdag ka sa budget para sa maayos na gym. Ikaw ang masusunod dahil ikaw ang boss.
Pero paano kung nakikita mo na sumosobra ka na sa mga groceries o sa aerobic boxing classes? Sa isang iglap nakapagbayad ka sa mga ito ng higit pa sa bayarin mo sa buwanang renta o mortgage ng bahay!
So paano mo makukuha ang tamang balanse sa pagitan ng mga hilig mong gawin at sa mga goals mo sa pera? Narito ang ilang paraan upang makatipid sa karamihan ng masayang categories na hindi tinatanggal ang mga ito.
1. Groceries
Hilig mong sumubaybay sa mga cooking shows. At gusto mo palagi i-impress ang mga kasama mo nang mga exotic na luto na gawa sa iba’t-ibang lugar. This is the challenge you love.
Budget Trick: Yung mga truffle oil at mga imported na sauces ay hindi mura. Sa halip na gulatin mo ang pamilya mo ng mga 5-star na handa araw araw, gawin mo lang ng isa o dalawang beses sa isang linggo. Sa ibang mga araw, gawin lng na simple na may kasamang na salad o masarap na ulam.
2. Gyms
Nag hahanda ka para sa susunod na marathon, o kaya nag papa sexy ka para sa nalalapit na summer get away. Ayos yan! You’re in the best shape of your life, salamat na lng sa maasikaso at strikto mong personal trainer, Mr. T.
Budget Trick: Sa halip na magbayad ka ng mahal para sa isang elite na workout, bakit hindi na lng palitan ang ilan sa mga sessions mo ng online workout videos? Nakakapag workout ka pa rin at hindi ka pa mabo-bored.
3. Travel
Bagong experiences ang mas mahalaga sa iyo kaysa mga bagong gadgets at gamit. Kaya nga hindi ka makahintay na mag tour sa Boracay o lumipad sa Europa.
Budget Trick: Marami kang gustong gawin sa halip na umupo lamang sa loob ng iyong cabin o hotel room kapag magbabakasyon ka. Bago ka lumipad, mag research ng mga local paths na hindi nagtataas ng presyo para sa mga turista. Pwede ka rin mag tingin ng discount coupons para maka tipid sa biyahe.
4. Entertainment
From superhero flicks hanggang sa buddy comedies, hilig mo ang panonood ng movies sa sinehan. Ito ang paraan ng pag chill out nyong mag asawa dahil it provides a mini-escape from work, sa mga kids at sa busy life.
Budget Trick: Ang isang gabi sa cinema ay kayang umubos sa pera mo sa wallet, especially kung may mga side trips ka pa. Pumili lang ng isa o dalawang movie na gustung gusto mong panooring sa opening week. Hintayin na lang lumipas ang iba pang pelikula. Then kapag napatulog nyo na ang mga bata, mag handa ng popcorn o cookies at mag streaming ng lahat ng pelikula na gusto mong panoorin.
5. Restaurants
Sino nga ba ang di mahilig kumain sa labas? Ito ay convenient at di mo na kailangan mag hugas ng pinggan! Saka, makaka-order ka ng masasarap na pagkain na niluto ng iba. Yum!
Budget Trick: Alamin muna kung ano ang resonableng amount na pwedeng gastusin para sa pamilya. Maybe twice a week o maybe twice a month. Ang iba naman ay sa bahay mo na lng i-prepare. Gamitin ang isang araw gaya ng Linggo ng hapon upang makapaghanda ng meal para sa week na darating.
6. Clothes
Fashion week should be every week. Hindi ka mapakali sa mga bagong damit, sapatos at accessories dahil hilig mo ang mga ito. Masaya ang pakiramdam mo kapag nakasuot ka ng magaganda at de-signature na damit.
Budget Trick: Ang Fashion ay pabago-bago. Mag invest sa ilang maganda ang kalidad (quality) pero ang iba ay bilhin sa murang halaga, maaari ding magtingin sa ukay-ukay . Sa ganitong paraan mai-stretch mo ang budget mo kaysa umabot ka sa credit card limit mo.
7. Cable
Sa dami ng palabas sa prime-time tv, marami kang pwedeng pagpilian. At hindi ka na makahintay!
Budget Trick: Kung kailangan mo ng magagandang panoorin, mag hanap ng mas murang alternatibo na kaya ding magprovide ng mga panooring gusto mo. Pay-per view ba ang kailangan mo? Magbuo ng grupo para may kahati ka sa pag babayad, mas masaya pang manood kung marami kaung magka-kaibigan na sama samang manunood.
8. Electronics
Sa sandaling nag announce na ang Apple ng bagong gadgets, holiday na ito para sa iyo. Ito na ang oras na pinka hihintay mo at nag lalaway ka na sa dami ng bagong technology na parating. Sa susunod na linggo, ikaw na ang pinaka cool sa inyong baranggay.
Budget Trick: Kung kailangan mo ng “next new thing”, paghandaan ang pambayad dito sa pamamagitan ng pagbenta ng luma mong device. Huwag lang basta itapon sa mga bata o itago sa drawer kasama ang iyong lumang flip phones at iPod nano.
9. Decorating
Tuwing sasapit ang buwan, nangangati ka na palitan ang mga dekorasyon sa loob ng bahay mo. Namimili ka ng bagong rug. Tapos nagdecide kang papinturan ang mga kuwarto…bumili ng bagong throw pillows… maghanap ng bagon upuan sa sala. Kumbaga, same room pero new bling!
Budget Trick: Magandang i-refresh ang mga bagay sa loob ng bahay, pero wag ma carried away. Maaari mong ma achieve ang kaparehong results sa pamamagitan lamang ng pagre-rearrange ng ilang furniture at pagbili ng bagong set ng kurtina. At presto, mukhang bago na ulit!
Hindi mo kailangan pumili between enjoying life o saving money. Kaya mo itong gawin sa tamang budget.