What is a Budget?

August 23, 2017

 

Marami sa atin ang hindi sanay o ayaw gumawa ng budget. Marahil ang dahilan ay kapag narinig na ang salitang budget, automatic na ini-isip ay dapat mong tipirin ang iyong mga gastusin at iwasang mamili ng mga bagay na makakapag-pasaya sa iyo.

 

Ang iba naman tinatamad o kaya walang alam tungkol sa tamang pag ba-budget.

 

Pero ano nga ba talaga ang Budget?

 

Ang budget ay simpleng estimate ng income at expenses sa isang takdang panahon na mayroong itinalagang kategorya. Karamihan sa mga budget ay may similarity, pero hindi lahat ng budget ay ginawang pantay. Ang magandang paraan ng pagba-budget ay ang tinatawag na zero-based budget.

 

Ano ba ang Zero-Based Budet?

 

Ang idea ng zero-based budget ay simple lang: (Income minus outgo equals zero). Sa madaling salita, kapag ang inu-uwi mong sweldo ay ₱15,000 kada buwan, kailangan mo ng budget (plano) kung saan pupunta ang perang ito. Tandaan, hindi ibig sabihin na kailangan mag zero ang bank account mo. Sa halip, ang ibig sabihin nito ay sa oras na dumating ang sweldo, nailaan mo ang bawat piso mo kung saan ito dapat pumunta at gastusin.

 

Bakit mahalaga ang pagba-budget?

 

Kahit anu pa man ang goal mo, kesyo makabayad sa utang, makapag-ipon sa pang college ng mga bata, paghahanda sa retirement, pagbabayad sa bahay o pag-iinvest, kailangan mo ng budget. Sabihin mo sa pera mo kung saan mo ito gustong gastusin upang maabot mo ang iyong mga goals kahit anu pa man ito.

 

Gusto mo bang makabayad sa mga utang? Nangangarap ka bang maging milyonaryo balang araw? Dito lahat nag sisimula yan. Ang budget ang susi upang ma-isakatuparan mo ang iyong financial goals sa buhay.

 

Paano gumawa ng Zero-Based Budget?

 

Ang pag-gawa ng zero-based budget ay hindi kasing hirap ng inaakala.

 

Umupo sa isang kumportableng lugar at gumawa ng listahan ng lahat ng pinagkukunan mo ng income para sa iang buwan. Ito ay ang kabuuang kita na inuuwi mo. Pagkatapos ay ilista lahat ng mga gastusin (expenses) sa isang buwan, magsimula sa apat na haligi o ang basic gaya ng (pagkain, tirahan at utilities, pamasahe at damit). Kailangan mong siguraduhing ang renta sa bahay o mortgage ang una mong i budget bago ang gym membershipJ. Sa sandaling na gawa mo na ito, ilista mo na lahat ng ibang gastusin (expenses) gaya ng, entertainment, date nights at sapatos para sa mga bata.

 

Ang ibang gastusin ay buwanang binabayaran gaya ng (renta sa bahay at utilities), habang ang iba naman ay minsanang bayarin tulad ng (regalo sa birthday, special events, kasal). I-adjust ang iyong budget kada buwan sa iyong panganga-ilangan.

 

 

Siguruhin lang na ang kada piso ay may pangalan! Ang ibig sabihin nito, wala kang mai-iwang piso na walang kategorya sa katapusan ng buwan. Kung nai-lagay mo ang lahat ng item sa iyong budget at may lumabis kang ₱100 (ibig sabihin walang kang ibang bagay na nakalaaan para sa ₱100), hindi ka pa tapos mag budget. Bigyan mo ng category ang lumabis na ₱100. Maaari mong magamit ito upang i-dagdag sa iyong debt snowball, pandagdag na buffer sa iyong savings o para sa kontribusyon sa investment. I consider mo kung nasaan ka na sa iyong Baby Steps. Anuman ang gusto mo, nasa iyo ang desisyon!

 

Huwag kalimutan! Kailangan mong mag budget bago magsimula ang buwan. Huwag kang mag alala, habang tumatagal ay magiging madali rin ito para sa iyo!

 

 

Busting Budget Myths

 

Marami tayung naririnig na dahilan at haka-haka sa pagba-budget. Tingnan natin ang ilan dito at subukan nating bigyang linaw ang mga ito.

 

     1.   Budget? Pero Mahina ako sa math…

 

Walang problema! Mapalad tayo, dahil 21st century na at hindi natin kailangang umasa lamang sa lapis at papel. May smartphone o computer ka ba? Pwede kang gumamit ng excel, magdownload ng libreng budgeting software, o libreng budgeting app gaya ng EveryDollar. Huwag mong hayaan ang paglalagay ng simpleng numero gaya ng sweldo at gastusin ang maging hadlang sa pag buo mo ng budget, hayaan mong ang software ang mag compute ng mga ito para sa iyo!

 

     2.   Pero ayaw kong i-deprive ang sarili ko sa pagbili ng mga bagay na gusto ko…

 

Okay. Una sa lahat, isang tabi muna ang attitude na “Kailangan kong mabili ito”. Sabi nga ni Dave, “Grow up”. Children want it now, but Adults delay gratification. Pangalawa, huwag mong isipin na ang pag-budget ang pumipigil sa iyo sa pag-gastos sa pera mo. Ang pagkakaroon ng budget ang siyang nagbibigay ng permiso sa iyo para gumastos. Hindi mo dini-deprive ang sarili mo, sinasabi mo sa sarili mo na okay lang gastusin ang pera mo (yun ay kung ito’y nasa budget para sa buwan na iyon).

 

_____________________________________________________________________________________________

 

                                           Having a budget actually gives you permission to spend.

_____________________________________________________________________________________________

 

 

     3.   Maganda naman ang ginagawa ko sa sarili ko. Yung naghihirap lang ang kailangang gumawa ng budget…

 

Hindi. Kahit may ₱100 ka o milyonaryo ka, kailangan mong sabihin sa pera mo kung saan dapat ito pumunta. Kung wala kang utang, ang extrang pera mo ay maaaring lumago ng husto! I consider ang Baby Step 4 kung saan mag-iinvest ka ng 15% ng iyong kabuuang kita sa mga bagay na makakapag palago dito gaya ng Mutual Funds at Personal Equity Retirement Account (PERA).

Kahit nasaan ka man sa buhay mo ngaun, hindi ka magkakamali sa pagkakaroon ng budget.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

RECENT POST

September 13, 2018

Please reload

  • Grey Google+ Icon
  • Grey Facebook Icon

"With Self-Discipline Most Anything is Possible"

This site was designed with the
.com
website builder. Create your website today.
Start Now