top of page

Paano makakatulong ang 7 Baby Steps sa iyong buhay pinansiyal?


The 7 Baby Steps

Stress ka ba sa dami ng utang? Di sanay mag Budget? Walang idea kung saan i-invest ang perang kinikita? o Hindi mo makasundo ang iyong partner sa pag ma-manage ng pera?

Kung ginawa mo nang lahat at baon ka pa rin sa utang, walang investment, palaging kinukulang sa pera kahit malayo pa ang sahod, walang ipon sa pang college ng mga bata, at hindi nakakapag tabi para sa iyong ina-asam asam na pagreretiro. Panahon na upang baguhin mo ang iyong mga gawi, lalung lalo na ang iyong ugali.

Ang 7 Baby Steps ang maaaring sagot sa problema mo. Marami ng tao ang sumubok sa planong ito at gaya namin, malaki ang naitulong nito upang isaayos ang aming buhay pinansiyal.

Ito ay dinisenyo upang gabayan ka sa maayos na paraan ng pag handle sa iyong finances. Ang "framework" o balangkas ng planong ito ay "Kaya mong marating ang ano mang bagay kung gagawin mo ito ng paisa-isang hakbang lamang". Kung may isang bagay kang nais gawin, ibuhos mo ang lahat ng iyong lakas dito hanggang makumpleto mo ito. Pagkatapos ay saka ka lumipat sa susunod na hakbang. Kung susubukan mong gawin ang lahat nang sabay-sabay, ang progress ay magiging mabagal at mabibigo ka!

Maaring ito ay mahirap ngunit hindi ito komplikadong gawin. Babaguhin nito ang iyong behavior upang maging matagumpay ka sa pagpa-plano at paghawak sa pera. Importanteng maging emotional at intentional ka, dahil ang Personal Finance ay 80% behavior and 20% math.

Ang ilang bagay na matututunan mo sa 7 Baby Steps ay:

*paano magbudget ng maayos

*paano maka-ahon at maka bayad sa utang

*mag buo ng emergency fund

*mag-invest at mag save para sa retirement

*mag save sa pang college ng mga anak

*bayaran ang bahay ng maaga

*magbigay sa nangangailangan at marami pang iba

Kung gusto mong malaman kung paano ito gamitin, sundan ang link na ito para magsimula, or visit my blog www.herbertmendoza.com.

RECENT POST
bottom of page