top of page
stress at work

Sacrifice Now, Enjoy Later

or

Enjoy Now, Suffer Later

Paano Mababayaran ang Utang gamit ang Debt Snowball

Sa lahat ng mga gastusin at binabayaran kada  buwan, wala ng naiiwan para sa iyo. Upang makabayad sa utang, kailangang baguhin mo ang iyong mga gawi at ugali. Maglaan ng oras. Maghanap ng karagdagang kita (income). Magtipid sa gastusin araw araw. Kaya mong maging malaya sa pagkakautang. Tingnan ang halimbawa sa ibaba kung paano ito gawin.

1) Ilista ang iyong mga utang mula sa pinakamaliit na balanse hanggang sa pinakamalaki.

Huwag mong alalahanin ang interes, maliban kung dalawa sa utang mo ay may parehong halaga. Unahin mo munang bayaran ang may mas malaking interes.

debt nowball

2) Upang maging epektibo ang debt snowball kailangan mong bayaran kaagad ang may pinakamaliit na balanse.

Minimum payment lang ang ibayad sa ibang utang, ilagay lahat sa unang utang ang perang lumabis hanggang mabayaran ito kaagad. Kapag nakabayad ka na ng isa, tanggalin na ito sa listahan. Dito mo makikita na malapit mo nang mabayaran ang mga utang, at ito ang magbibigay sa iyo ng motivation.

debt snowball 2

3) Kapag nabayaran mo na ang una, ituloy na bayaran ang susunod sa listahan.

Sa paraang ito, makikita mo na mas mabilis mong nababayaran ang iyong mga utang. Magiging malaya ka sa mga utang mo sa mas maagang panahon na higit pa sa iyong inaasahan.

debt free

The information shown above are excerpts from Dave Ramsey. It was translated from english to tagalog for the purpose of presenting Dave's proven plan in another native language. To read the original version, please follow this link: daveramsey.com

RECENT POSTS
Dave Ramsey
Useful Links
vincerapisura
bottom of page