May 19, 2019

Pinapawisan ang mga palad mo, ilang gabi ka nang hindi makatulog ng maayos, at palagi kang balisa at kinakabahan. Parang katulad lang ng gabi bago ka magbakasyon diba? Mali. Sa totoo lang marahil ay nakakaramdam ka ng paghihirap dahil sa isang bagay na tintawag nating financial stress. Ngunit huwag kang mag-alala dahil hindi ka nag-iisa.

Alam mo ba na karamihan sa atin ay nabubuhay sa kada sweldo lamang buwan-buwan. Hindi mo lang nakikita ang iyong account sa banko na lumiliit, damang dama mo rin ito. Isang pag-aaral ng American Psychological Association ay natagpuang 72% nga mga Amerikano ay nakakaramdam ng stress tungkol sa pera ng hindi bababa sa ilang oras at halos 25% ay nakakaramdam ng matinding stress.

So, ano ang solusyon? Magkar...

August 23, 2018

Pagsapit mo ng Adulting age, and mga araw ay binubuo ng pagbabayad ng mga bills, pag-iiskedyul ng mga appointments, at pagpapanatili ng tinatawag nating “work-life balance.” Sa gitna ng araw-araw na gawain, madali mong makalimutan ang tungkol sa hinaharap.

Retirement? Eh, malayo pa naman iyan, sa susunod ko na lang iisipin iyan.

Life insurance? Iisipin ko na lang iyan kapag medyo may edad na ako.

Ngunit narito ang nakakatawang bagay tungkol sa buhay, hindi mo ito basta-basta kayang kontrolin. Dumarating ang mga bagay na hindi natin inaasahan, at napakaliit lamang talaga ang maari nating planuhin. Ito ang dahilan kung bakit napakahalaga na magkaroon ng kapayapaan ng isip sa pamamagitan ng isang life insurance sa buhay.

Hindi importante kung...

June 23, 2018

“Napaka-hirap mag budget!”

Ito ang isa sa pinaka madalas na rason kung bakit maraming tao ang hindi nagbu-budget. Maaaring hindi nila nauunawaan kung ano ang budget o hindi lang talaga nila alam kung paano gumawa nito ng mahusay.

Gusto naming ipakita na ang budgeting ay higit na madali kaysa sa inyong nararanasan. Ni hindi man ito nakakatakot gawin! Ang pagbudget ay hindi kailangan ng komplikadong formula at mahihirap na mathematics. Kagaya ng ilang aspeto ng buhay, ang pagpapanatili nito sa simpleng paraan ang magiging susi sa iyong tagumpay.

Narito ang limang pangunahin at subok na paraan upang gawing simple ang iyong budget.

1. Make a schedule (and stick to it!)

Habang gumagawa ka ng budget para sa iyong buwanang routine, bakit hindi ka...

May 23, 2018

Let’s be honest here: ang “impulse buying” ay medyo masaya, at least sa sandali lamang na iyon. Pumapasok tayo sa tindahan at hindi inaasahan ang mga extrang purchase, ngunit biglang lilitaw sa harapan mo ang isang sale! Parang sinasadya diba?

Sa isang survey ng Slick deals ay natagpuang ang mga Amerikano ay gumagastos ng biglaan sa average na $450 kada buwan. Ito ay bumubuo sa extrang $5,400 na gastos kada taon!

Kaya, para sa ilan sa inyo, ang pagkuha sa ilang item ay nangangahulugang ikaw ay sumosobra sa paggastos o mas masahol pa, gumagamit ng credit card para mabayaran lamang ito. Kahit ikaw ay nasa Baby Step 1 o Baby Step 7, nakagawa kami ng 10 tips upang matulungan kang umiwas sa tukso ng sobrang paggastos.

1. Make a budget and stic...

April 5, 2018

May mga panahon na ang pag-iipon kahit ilang piso lamang ay tila imposible para sa iyo.

Ang pag-iipon para sa hinaharap ay hindi madali, lalo na kapag may inaayos kang mga bayarin sa credit card, nabubuhay ng paycheck to paycheck, at lahat ng iba pang ibinabato sa iyo ng buhay. Kung minsan, ang ideya ng pag-iipon ng pera ay maaaring napakahirap sa pakiramdam.

Ngunit hindi ito nangangahulugan na hindi mo mababago ang iyong hinaharap simula ngayon.

Posible mong gawing prayoridad ang pag-iipon! Sa pamamagitan ng pagiging intensyonal sa iyong mga desisyon at paglalagay sa iyong mga layunin at prayoridad sa tamang lugar, itinatakda mo ang iyong sarili upang mag-ipon na hindi katulad ng iba.

How to Save for the Future

Alam naman nating lahat na k...

February 15, 2018

Kung ikaw ay kasal nang mahigit sa limang minuto, naiintindihan mo kung paano hindi sumang-ayon sa iyong asawa pagdating sa paggastos ng pera. “Opposites attract” sabi nga nila. Kaya malamang, ang isa sa inyo ay mas interesado sa pagkalkula ng numero kumpara sa kanya. Ngunit hindi ito nangangahulugang ang pagpapasya kung paano gumastos ng pera sa bawat buwan ay dapat humantong sa isang argumento.

Ang mga hindi pagkakasundo sa budget ay normal na senaryo. Ang susi sa matagumpay na paggawa nito ay ang pag-aaral kung paano ang inyong iba’t-ibang  pananaw sa pera ay umakma sa isa’t-isa.

Hindi maitatanggi na ang mga kalalakihan at kababaihan ay magka-iba ang tingin pagdating sa pera. Karaniwan, ang isang asawa ay isang “Nerd” at ang isa ay is...

December 2, 2017

Sa classic Christmas movie na Home Alone, si Kevin McCallister ay gumawa ng blueprint kung paano niya tatalunin ang mga intuders sa kanyang bahay. Alam nya, na kung maiisahan niya ang “Wet Bandits”, kailangan niya ng plano sa pag atake. Konting glue sa paligid, kasama ang konting glass ornaments at ilang lata ng pintura para sa mas magandang pag-atake.

Ano ba ang point natin dito? Kagaya ni Kevin McCallister, kailangan mo ng plano.At ang Christmas budget ang planong iyon. Ito ang magdadala sa iyo sa tagumpay, kung susundin mo ito!

Kahit okay lang na gumastos ng extrang pera sa mga holidays na ito, hindi mo gugustuhing magkaroon ng unwelcome na regalo galling sa utang sa credit card pagdating ng mismong araw ng pasko. Iyon ang dahilan kun...

October 25, 2017

Nakikipagtalo ka ba sa iyong asawa tungkol sa pera? Hindi ka nag-iisa.

Ayon sa isang pag-aaral ng TD Bank, 63% ng mag-asawa ang nag-iisip na ang kanilang kabiyak ay nag-ooverspend sa ilang paraan.

Alam mong iyan ay isang ground upang magkaroon ng argumento. At ang mga maliit na argumentong iyon ay madalas na humahantong sa mas malubhang marital problems. Sa pag-aaral na inilathala ng National Council on Family Relations, natagpuan na ang mga away tungkol sa pera ay ang nangungunang dahilan ng divorce.

 Nakakalitong malaman kung paano hindi mag-away tungkol sa pera, ngunit maaari nyong pag-aralan kung paano pag-usapan ang inyong finances sa mas produktibong paraan.


Hindi lihim na ang pagbuo ng matatag na marriage ay nangangailangan ng pana...

September 4, 2017

Mula sa aerial fitness hanggang sa Zumba, may ibat-ibang fitness craze kang makikita sa panahon ngaun. At karamihan sa mga ito ay may katumbas na halaga.

Gym memberships, Equipments, Workout videos, Dance classes. Walang masama sa pagbabayad sa mga ito, pero kung hindi ka makagastos dahil tight ang budget mo, hindi ito dapat maging hadlang sa iyong pag e-exercise.

Narito ang ilang cost-effective ideas upang makapag exercise ka kahit tight ang budget mo.

1. Gumawa ng Outdoor Work.

Ang hardin at bakuran ay makakapag bigay sa iyo ng oportunidad na magbawas ng calories. Maaari kang mag-gupit ng damo sa iyong hardin gamit ang manual mower, maaari kang mag halaman at magmaintain ng garden, mag trim ng hedges at iba pa.Sa ganitong paraan, gaganda...

August 24, 2017

Hindi pare-pareho ang pagba-budget dahil wala namang taong magkatulad.

Yan ang kagandahan ng budget. Ikaw ang magde-desisyon kung sino o ano ang paglalagyan mo ng pera kada buwan. Kung hilig mong magluto para sa pamilya, mag budget ng mas marami para sa groceries. Kung hilig mong mag workout, mag dagdag ka sa budget para sa maayos na gym. Ikaw ang masusunod dahil ikaw ang boss.

Pero paano kung nakikita mo na sumosobra ka na sa mga groceries o sa aerobic boxing classes? Sa isang iglap nakapagbayad ka sa mga ito ng higit pa sa bayarin mo sa buwanang renta o mortgage ng bahay!

So paano mo makukuha ang tamang balanse sa pagitan ng mga hilig mong gawin at sa mga goals mo sa pera? Narito ang ilang paraan upang makatipid sa karamihan ng masayang...

Please reload

Sign Up

AND STAY UPDATED!
RECENT POSTS