November 24, 2019

Matagal ka ng nagtatarabaho pero baon ka pa rin sa utang. Alam nating ang pagbabayad ng mga utang ay maaaring nakakalito at kadalasan maraming nabibigo, lalo na kung wala kang tamang plano. Sa loob ng mahigit 25 na taon, marami nang naturuan si Dave ng step-by-step na diskarte upang mapawi ang kanilang mga utang na tinatawag na 7 Baby Steps.

Sa Baby step 1, magipon ka muna ng ₱50,000 bilang emergency fund, at sa Baby step 2, babayaran mo lahat ng iyong mga utang gamit ang debt snowball method.

Paano Bayaran ang utang: Ang Debt Snowball Method

  • Ilista ang iyong mga utang mula sa pinaka maliit hanggang pinaka malaki, kahit anuman ang interes.

  • Unahing bayaran ang pinakamaliit, habang binabayaran ang mga minimum ng ibang natitirang ut...

January 18, 2019

Kamusta naman ang nakaraang Christmas celebration mo? Tapos na ang pagdiriwang at pati ang pera mo – ano na ang kasunod ngaun?

Ang kinalabasan, marami sa atin ang nawawala sa focus pagdating sa ating mga financial goals at madalas masabik sa saya ng iba’t-ibang okasyon.

Marami tayong naging gastos ngaung taon at karamihan sa atin na nakabili ng mga holiday-related products ay nakakaramdam ng pressure na gumastos ng higit pa sa kaya natin tuwing kapaskuhan.

Isa ka ba sa mga ito? Mag-isip sandali at balikan ang iyong mga ginastos noong nakaraang holiday. Ano ang gusto mong baguhin? Saan ka nagkamali?

Dahil hindi ka naman makakabalik at ayusin ang iyong mga pagkakamali, tingnan mo na lamang ang hinaharap at kung paano mo ito makokontrol ng ma...

June 23, 2018

“Napaka-hirap mag budget!”

Ito ang isa sa pinaka madalas na rason kung bakit maraming tao ang hindi nagbu-budget. Maaaring hindi nila nauunawaan kung ano ang budget o hindi lang talaga nila alam kung paano gumawa nito ng mahusay.

Gusto naming ipakita na ang budgeting ay higit na madali kaysa sa inyong nararanasan. Ni hindi man ito nakakatakot gawin! Ang pagbudget ay hindi kailangan ng komplikadong formula at mahihirap na mathematics. Kagaya ng ilang aspeto ng buhay, ang pagpapanatili nito sa simpleng paraan ang magiging susi sa iyong tagumpay.

Narito ang limang pangunahin at subok na paraan upang gawing simple ang iyong budget.

1. Make a schedule (and stick to it!)

Habang gumagawa ka ng budget para sa iyong buwanang routine, bakit hindi ka...

May 19, 2018

Kung hindi mo tuturuan ang iyong mga anak kung paano mag-manage ng pera, ibang tao ang magtuturo nito sa kanila. At ito ay hindi isang panganib na nais mong suungin! Ipapakita namin sa iyo kung paano bigyan ang iyong mga anak ng panimula na gusto mong mayroon ka at itakda ang mga ito upang manalo sa pera sa anumang edad.

How to Teach Pre-Schoolers and Kindergartners About Money

1. Use a clear jar to save.

Ang piggy bank ay isang mahusay na ideya, ngunit hindi ito nakikita ng mga bata. Kapag gumamit ka ng malinaw na garapon, nakikita nilang lumalago ang pera. Kahapon meron silang 10 pesos at 50 centavos. Ngayon, meron na silang 20 pesos at 50 centavos! Makipag-usap sa kanila tungkol dito at gawing big deal ang paglaki nito.

2. Set an exampl...

March 8, 2018

Hindi na bago ang envelope system - ito ay ginagamit na mula pa noong nakaraang dekada. Ngunit may ilang mga tao na hindi pa rin alam nang eksakto kung paano ito gumagana.

So, What Is the Envelope System?

Gamit ang envelope system (o kung minsan ay tinatawag kong clip system) gumagamit ka ng cash para sa iba’t ibang mga kategorya ng iyong budget, at itinatago mo ang perang iyon sa loob ng mga envelope. Eksakto mong makikita kung magkano ang perang natitira sa isang budget category sa pamamagitan lamang ng pagsilip sa iyong envelope. Ganon lang kadali.

How the Envelope System Works

Magandang ideya  na gamitin ang envelope system para sa mga items na may posibilidad na sumira sa iyong budget. Isipin ang mga bagay tulad ng groceries, restaura...

February 26, 2018

Nang Ikasal ka, ang Pari o Pastor ay nagsabi sa inyong “Ngayon kayo ay magiging Isa”. Na ang ibig sabihin ay ikaw at ang iyong asawa ay nasa isang koponan. Kayung dalawa ay nagtutulungan.

Ngunit maraming mag-asawa ang hinahayaang ang problema sa pera ang maging dahilan ng kanilang pag-aaway. Minsan, gusto ng isa na gawin ang tama, simulan ang pagbu-budget, subaybayan ang paggastos, at mag-ipon ng pera. Subalit ang isa naman ay hindi ito gusto. Maaaring mas gusto nilang magpatuloy sa paggastos ng walang humpay.

Kaya kung nasumpungan mo ang iyong sarili sa sitwasyong ito, Paano mo ito ima-manage? Paano mo kukumbinsihin ang isang nag-aatubiling asawa na pareho kayong may malubhang isyu sa pera na kailangang pangalagaan?

Ito ay magmumula sa t...

February 20, 2018

Alam mo ba kung saan talaga napupunta ang iyong pera kada buwan? Kung hindi, ito ay isang malaking babala para sa iyo na oras na upang simulang bigyan mo ito ng pansin.

Maraming tao ang umiiwas sa “pagba-budget” dahil naniniwala sila na mahusay silang humawak ng kanilang pera. Ngunit madalas, ang mga taong kumikita ng disenteng sweldo ay hindi pa rin maka-alis sa paulit-ulit na pamumuhay ng “paycheck to paycheck”.

Sa katunayan, ayon sa nakaraang survey ng Banko Sentral ng Pilipinas (BSP) noong Dec 8, 2017, bumaba mula 36.8% sa 35.6% ang bilang ng sambahayang Filipino na mayroong savings. Binanggit ng mga respondents na ang pagbaba ay dahil sa mga emergencies, education, hospitalization, retirement, investments at pagbili ng real est...

February 15, 2018

Kung ikaw ay kasal nang mahigit sa limang minuto, naiintindihan mo kung paano hindi sumang-ayon sa iyong asawa pagdating sa paggastos ng pera. “Opposites attract” sabi nga nila. Kaya malamang, ang isa sa inyo ay mas interesado sa pagkalkula ng numero kumpara sa kanya. Ngunit hindi ito nangangahulugang ang pagpapasya kung paano gumastos ng pera sa bawat buwan ay dapat humantong sa isang argumento.

Ang mga hindi pagkakasundo sa budget ay normal na senaryo. Ang susi sa matagumpay na paggawa nito ay ang pag-aaral kung paano ang inyong iba’t-ibang  pananaw sa pera ay umakma sa isa’t-isa.

Hindi maitatanggi na ang mga kalalakihan at kababaihan ay magka-iba ang tingin pagdating sa pera. Karaniwan, ang isang asawa ay isang “Nerd” at ang isa ay is...

February 7, 2018

"Retailers love to sell love."

Bawat taon, gumagastos sila ng milyun-milyon upang matiyak na manguha tayo ng five-course dinners, mamahaling bouquet ng bulaklak at mga hikaw na kumikinang ng husto. At dahil mapagmahal tayong mga Pinoy nagiging kaugalian na natin ito taun-taon.

Sa Amerika mahigit $13 bilyon taun-taon ang ginagastos para sa Araw ng mga Puso o Valentine’s Day.

Ayon sa isang survey na ginawa ng Mastercard Consumer Purchasing Priorities. Sa buong Asia Pacific, ang mga lalake at babae ay nagpapakita ng pag-ibig sa iba’t-ibang paraan kapag namimili ng mga regalo.

Ang nangunguna rito ay mga taga China (75%) kung saan tatlo sa apat na indibidwal ay nagpaplanong bumili ng regalo para sa kanilang special someone. Sumusunod ang Thaila...

December 31, 2017

Marami sa atin ang pumapasok sa bagong taon na may magandang intensyon na kontrolin ang ating buhay, pera, maging mas masigla ang pangangatawan, o magsimula ng bagong hobby. Ngunit ang katotohanan ay marami sa atin ang nabibigong matugunan ang mga layuning ito.

Kahit anu pa mang oras ng taon ito, ang pagtatakda ng goals ay palaging nasa estilo. Ngunit paano mo mapapanatili ang iyong mga layunin ng higit pa sa ilang linggo at talagang makamit ang mga ito?

Kung naghihintay ka sa isang bagay o ibang tao na baguhin ang iyong buhay, maaaring ikaw ay maghintay ng matagal. Kailangan ay mayroon ka ng gawin ngaun. Panahon na upang umupo, kontrolin, at gumawa ng mahusay na layunin.

Seven Areas of Life You Can Try Goal Setting

Mahalagang magkaroon ng...

Please reload

Sign Up

AND STAY UPDATED!
RECENT POSTS