November 24, 2019

Matagal ka ng nagtatarabaho pero baon ka pa rin sa utang. Alam nating ang pagbabayad ng mga utang ay maaaring nakakalito at kadalasan maraming nabibigo, lalo na kung wala kang tamang plano. Sa loob ng mahigit 25 na taon, marami nang naturuan si Dave ng step-by-step na diskarte upang mapawi ang kanilang mga utang na tinatawag na 7 Baby Steps.

Sa Baby step 1, magipon ka muna ng ₱50,000 bilang emergency fund, at sa Baby step 2, babayaran mo lahat ng iyong mga utang gamit ang debt snowball method.

Paano Bayaran ang utang: Ang Debt Snowball Method

  • Ilista ang iyong mga utang mula sa pinaka maliit hanggang pinaka malaki, kahit anuman ang interes.

  • Unahing bayaran ang pinakamaliit, habang binabayaran ang mga minimum ng ibang natitirang ut...

May 19, 2019

Pinapawisan ang mga palad mo, ilang gabi ka nang hindi makatulog ng maayos, at palagi kang balisa at kinakabahan. Parang katulad lang ng gabi bago ka magbakasyon diba? Mali. Sa totoo lang marahil ay nakakaramdam ka ng paghihirap dahil sa isang bagay na tintawag nating financial stress. Ngunit huwag kang mag-alala dahil hindi ka nag-iisa.

Alam mo ba na karamihan sa atin ay nabubuhay sa kada sweldo lamang buwan-buwan. Hindi mo lang nakikita ang iyong account sa banko na lumiliit, damang dama mo rin ito. Isang pag-aaral ng American Psychological Association ay natagpuang 72% nga mga Amerikano ay nakakaramdam ng stress tungkol sa pera ng hindi bababa sa ilang oras at halos 25% ay nakakaramdam ng matinding stress.

So, ano ang solusyon? Magkar...

January 18, 2019

Kamusta naman ang nakaraang Christmas celebration mo? Tapos na ang pagdiriwang at pati ang pera mo – ano na ang kasunod ngaun?

Ang kinalabasan, marami sa atin ang nawawala sa focus pagdating sa ating mga financial goals at madalas masabik sa saya ng iba’t-ibang okasyon.

Marami tayong naging gastos ngaung taon at karamihan sa atin na nakabili ng mga holiday-related products ay nakakaramdam ng pressure na gumastos ng higit pa sa kaya natin tuwing kapaskuhan.

Isa ka ba sa mga ito? Mag-isip sandali at balikan ang iyong mga ginastos noong nakaraang holiday. Ano ang gusto mong baguhin? Saan ka nagkamali?

Dahil hindi ka naman makakabalik at ayusin ang iyong mga pagkakamali, tingnan mo na lamang ang hinaharap at kung paano mo ito makokontrol ng ma...

November 9, 2018

Katulad ng lumang kasabihan: “Those who fail to plan, plan to fail.” At lahat naman tayo ay gustong magtagumpay. Kaya’t naniniwala kami na ang financial planning ay napaka importante. Maaari itong maging kaibahan sa pagitan lamang ng isang kahig, isang tukang pamumuhay at pag-abot sa mga layunin na pinakamahalaga sa iyo.

Ngunit paano kung hindi ka gumagawa ng kahit na anong financial planning dahil hindi mo alam kung saan magsisimula? Ayon sa isang pag-aaral higit sa kalahati ng mga Amerikano na higit sa 30 taong gulang ay walang kaalam-alam pagdating sa pagkakaroon ng isang maayos na plano sa kanilang pera.

Hindi pwede ito. Ang kamangmangan ay hindi lubos na kaligayahan pagdating sa iyong pananalapi, Masyadong maraming nakataya dito.

Nar...

October 22, 2018

Ikaw ay nasa Baby Step 2 “the debt snowball” at binibigay mong lahat ng iyong makakaya sa pag-atake sa mga utang. Habang lumiliit ang balanse mo sa iyong mga loans, tumataas naman ang iyong excitement. At hindi ka na makahintay na maging debt-free!

Ngunit biglang may ibinato ang “buhay” sa iyo na hindi inaasahan.

Ngayon ay nahaharap ka sa isang hindi inaasahang financial setback at naiwan kang nagtataka kung paano magpapatuloy. Ok lang ba na pansamantalang huminto muna sa iyong get-out-of-debt plan?

Oo, hangga’t ito ay panandalian lamang. Narito ang tatlong maliwanag na mga dahilan upang ihinto ang iyong snowball.

1. You’re Expecting a Baby

Kung mayroon kang parating na baby, maghanda ka para sa kanyang pagsilang. Kailangan mong mag-ipon pa...

October 10, 2018

Natatandaan mo pa ba ang mga sandaling nagdesisyon kang umahon sa mga utang? Nalulunod ka na ba sa mga bayarin ng nakaraang taon at pagod ka ng magbayad sa mga nakalipas na panahon sa halip na magplano para sa iyong kinabukasan? Malamang na sawang-sawa ka na sa nararamdaman mo. Marahil ay galit na galit ka na sa mga utang na mayroon ka. Sa kalaunan, ang stress sa dami ng bayarin at ang pahirap ng patong patong na utang ang magtutulak sa iyo sa breaking point. Napa-isip ka at nagpasyang, panahon na upang magsimula ng panibagong buhay.

Ngunit ano ang pumipigil sa mga taong umahon sa pagkaka-utang? Bakit gugustuhin ng isang tao na manatiling may utang sa halip na mabuhay ng malaya? Ang nakakalungkot pa dito, maraming iba’t-ibang dahilan an...

August 28, 2018

Alam nating lahat ang pakiramdam, ang pangamba na nadarama mo kapag nakita mo ang bill sa isang biglaang pagpapa-ayos ng sasakyan. “Paano natin ito mababayaran?” Ngunit paano kung ang pagpapa-ayos na iyon ay isa lamang abala? Sa halip na mag-alala ka, binayaran mo lang ang bill ng hindi na kailangang isipin pa. Pagkatapos ng isang linggo ay parang walang nangyari! Ganoong kaliit ang naging epekto nito sa iyong financial situation. Hindi ito naging emergency, bagkus ito ay parang panandaliang aberya sa buhay mo!

Nararamdaman mo ba ang gaan ng pakiramdam? Iyan ang pakiramdam ng pagkakaroon ng financial freedom.

Ang pagbabayad sa nasirang sasakyan ng walang stress ay maliit na bahagi lamang nito. Ito ay mahigit pa sa pagkakaroon ng abilidad...

August 15, 2018

Nakayanang makabayad ng Family #1 nang ₱700,000 na utang sa loob ng 2 taon sa sahod nilang ₱50,000 kada buwan. Samantalang si Family #2 ay mayroong ₱140,000 na sahod kada buwan, ngunit tila hindi sila makausad ng bayarin sa parehong halaga ng pagkakautang.

Isa sa dalawang pamilyang ito ay malapit nang maging debt-free. Habang ang isa ay tuloy pa rin ang ginagawang pagkakamali sa loob ng maraming taon.

Bakit nga ba ganon?

Habang maraming kadahilanan ang maaaring sanhi nito, ang isa sa pinaka-malamang na dahilan ay ang Family #2 ay madalas magkaroon ng overspending habits. Mahusay ang kanilang nagiging kita, ngunit malamang na mas malaki ang ginagastos nila kumpara sa kanilang budget, na nag-iiwan sa kanila ng mas kaunting pera at maraming...

August 13, 2018

Tulad ni Lone Ranger na kailangan si Tonto, kailangan ni Han Solo si Chewbacca, at ni Sherlock Holmes si Watson, kailangan mo ng mga tao sa iyong buhay upang i-encourage ka kapag sinusubukan mong umahon sa utang. Gayundin ang mga naysayers at pessimists sa paligid mo.

9 People Who Can Help You Get Out of Debt

1. The Supportive Spouse

Walang sinuman ang makakahadlang sa iyong momentum at magiging dahilan upang mawalan ka ng financial focus tulad ng isang asawa na hindi nakakaintindi. Dalawang buwan na ang nakakalipas, malaki ang naging pagkakaiba. Naroroon ka, kasama sa paggamit ng credit cards, pagkain sa labas gabi-gabi at paggagala sa buong bayan. Ngayon gusto mo nang gumawa ng budget at bawasan ang iyong mga gastusin. Anong nangyari sa...

June 23, 2018

“Napaka-hirap mag budget!”

Ito ang isa sa pinaka madalas na rason kung bakit maraming tao ang hindi nagbu-budget. Maaaring hindi nila nauunawaan kung ano ang budget o hindi lang talaga nila alam kung paano gumawa nito ng mahusay.

Gusto naming ipakita na ang budgeting ay higit na madali kaysa sa inyong nararanasan. Ni hindi man ito nakakatakot gawin! Ang pagbudget ay hindi kailangan ng komplikadong formula at mahihirap na mathematics. Kagaya ng ilang aspeto ng buhay, ang pagpapanatili nito sa simpleng paraan ang magiging susi sa iyong tagumpay.

Narito ang limang pangunahin at subok na paraan upang gawing simple ang iyong budget.

1. Make a schedule (and stick to it!)

Habang gumagawa ka ng budget para sa iyong buwanang routine, bakit hindi ka...

Please reload

Sign Up

AND STAY UPDATED!
RECENT POSTS